Rhian's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng sasakyan. Dali dali naman akong pumunta sa pintuan para salubungin siya.
Hindi ko na alintana kung anong itsura ko basta makita ko lang siyang maayos.
"Kauuwi mo lang ba?" tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa may pinto.
"Isn't it obvious. Stupid" nang uuyam na sabi nito.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
Nagtuloy tuloy naman ito sa may hagdan kaya sumunod ako. Napahinto lang ako sa may puno ng hagdan.
"Kumain ka na ba? Ipagluluto kita ng agahan." sabi ko pero hindi niya ako sinagot.
Nagpunta naman ako sa kusina para magluto ng agahan kahit walang kasiguraduhan kung kakainin niya.
Saktong naghahain na ako ng mga pagkain ng marinig ko ang mga yabag niya pababa. Lumapit naman ako sa kanya.
Nakapagpalit na siya ng damit nakapang opisina na ito.
"Kain ka muna bago ka umalis."
Hindi naman ito umimik bagkus ay nauna na ito pumunta sa hapag kainan.
Lubos ang sayang nararamdaman ko dahil ito ang unang pagkakataon na kakain siya ng ako ang kasabay.
"Anong gusto mo? Itong bacon, hotdog o itong pritong isda?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Salubong naman ang kilay niyang nakatingin sa akin. Hindi ito nagsalita, kinuha lang niya ang bacon at pritong isda saka nagsimulang kumain.
Nakangiting pinagmasdan ko lang siyang kumakain. Halos hindi na nga ako makakain katititig sa kanya at sa tuwang nararamdaman ko.
Ito na ba ang simula ng pagbabago ng samahan namin?
Pero naputol ang sayang nararamdaman ko ng magsalita siya.
"Stop smiling like an idiot and stop waiting for me to go home." matigas na sabi nito saka dali daling lumabas.
Napangiti naman ako ng mapait dahil dun. Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya pagkatapos kong magligpit ng pinagkain ay naligo na ako at saka pumunta sa restaurant ko.
As usual binabati na naman nila ako ng nakangiti kaya hindi ko maiwasang matuwa dahil sila lang ang laging nakangiti sa akin tuwing kaharap ako. Yung taong gustong gusto kong ngumiti sa akin ay laging galit sakin.
Tumutulong ako sa pagluluto dahil ito ang stress reliever ko. Madaming mga costumer kaya aligaga kami sa pagluluto ng mga kasamahan ko. Pinipilit naman nila akong magpahinga pero tumangi ako mas gusto ko dito.
Mag aalas sais na ng hapon ng magring ang cellphone ko. Nandito na rin ako sa sarili kong opisina at nagliligpit ng mga gamit ko.
"Hello sweetie, how are you?" sabi ng nasa kabilang linya ng masagot ko na ang tawag.
"Im fine dad. Bakit po kayo napatawag?"
"Ouch, hindi mo ba namiss si daddy? Waaahh, ang anak ko hindi na ako love." nag eemote na sabi ni daddy.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
