Chapter 26

3.4K 36 0
                                        

Rhian's POV

Nauna ngang umuwi si Dramon sa amin. Sumunod naman agad kami kinabukasan ni daddy. Kila daddy rin ako tumuloy pagkauwi.

Alam na din pala ni daddy ang pagpunta ni Dramon sa Europa. Wala naman akong narinig mula sa kanya nung sinabi ko ang tungkol doon.

"Dad, hindi po ba kayo papasok sa opisina niyo?"

Maaga nga itong nagising pero hindi naman siya kumikilos para pumasok sa opisina. Wala pa si Manang Martha baka sa makalawa pa ang balik nito sa amin.

"Hinihintay ko kung darating ba dito ang asawa mo." Sabi nito habang nagbabasa ng magazine dito sa sala.

"Ako na po ang bahala sa kanya, dad."

Napailang naman ito saka itinabi ang magazine na binabasa.

"Gusto ko rin siyang makausap."

Hindi ko na ipinilit dahil mukhang seryoso si daddy sa kung anumang sasabihin niya.

Tanghali na at walang dumating na Dramon tulad ng inaasahan ni daddy. Nagpasya akong pumasok sa restaurant samantalang nagpaiwan naman si daddy para makapagpahinga at hintayin si Dramon kung sakali man.

"Long time no see, madam." Si Inna ang bumungad sakin pagkapasok ko.

"Akala ko nakalimutan niyo na itong restaurant ko. Ako na sana ang sunod na magiging boss eh." Pabiro nitong sabi. Inirapan ko lang ito. Hindi nila alam na nagpunta ako ng Europa at hindi naman ako nababahala kapag wala ako dito dahil pinagkakatiwalaan ko silang lahat at alam kong kaya nila ang trabaho.

"Ma'am, good afternoon po." Bati ni Jepoy. Bumati din ang iba pa nilang kasamahan.

"Saan ba kayo nagpunta madam at ilang araw kayong nawala?"

"Europe"

Napalakpak naman si Inna saka ito ngumisi.

"Naghoneymoon pa sila madam kaya ilang araw nawala." Ang lakas ng pagkakasabi kaya napapatingin ang mga nakakarinig na kumakain.

Pinandilatan ko ito ng mata pero tumawa lang siya dumiretso sa kusina. Nakasimangot naman akong sumunod sa kanya saka siya kinurot sa tagiliran ng maabutan ko ito.

"Nananakit ka na ngayon madam ah!" Reklamo nito habang nakahawak sa tagiliran.

"Tumahimik ka!"

Ito naman ang napasimangot saka ipinagpatuloy ang pagluluto.
Pinatong ko ang bag sa kitchen table saka ako kumuha ng strawberry cake.

Kinain ko ang isang slice habang pinagmamasdan ang mga kasamahan kong nagtratrabaho. Napapangiti ako dahil kita mo talaga sa mukha nila na sobrang dedicated nila sa kanilang trabaho kahit pa nakakapagod.

Hindi ko naman namalayan na halos mangalahati ko na ang isang buong cake. Hindi ko pa yun mapapansin kung hindi ako pinuna ni Inna.

"Buntis ka ba madam?"

Chismosang babae 'to!

"Buntis ka nga!" Gulat nitong sabi ng hindi ko sinagot ang tanong nito.

Bigla kong isinubo sa kanya ang cake sa inis ko. Ang lakas lakas ng boses niya. Napatigil pa ang mga kasamahan niyang nagtratrabaho saka napatingin sila samin.

Hindi naman makapagsalita si Inna dahil sa isinubo ko sa kanyang cake. Nilisan ko naman ang kusina at nagpunta sa opisina. Naupo ako sa aking swivel chair habang nakapikit.

Bumukas ang pinto pero nanatili pa rin akong nakapikit. Si Inna lang naman ang pumapasok na hindi kumakatok.

"Tigil-tigilan mo ako, Inna. Sisisantehin talaga kita kapag nainis ako sayo." Syempre hindi yun seryoso dahil siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon