Chapter 30

2.9K 36 2
                                    

Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay nakarinig siya ng pag iyak galing sa kusina. Dali-dali siyang pumasok dala ang mga pinamili para sa asawa.

Sa kusina ay nadatnan niya ang asawang nakaupo sa sahig habang umiiyak. Kumaripas ito ng takbo at agad itong dinaluhan. Nag-aalala niya itong chineck ang mga parte ng katawan. Ang asawa naman ay mas lalong umiyak.

"Baby, what happened? Why are you crying? Are you hurt? Tell me. Damn!" Sunod-sunod nitong tanong dahil wala naman siyang makitang sugat nito o kahit ano.

"I hate you!" Pasigaw nitong sagot saka siya hinampas sa dibdib.

"A-akala ko...umalis ka na naman. Akala ko iiwan...mo na naman ako." Saka ito umiyak. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa saka inalo.

"I won't leave you. I promise. Shh, stop crying, baby." Binuhat niya ito hanggang sa sala at iniupo sa kandungan paharap sa kanya.

Mga isang oras na siguro silang nasa ganung posisyon habang inaalo ang asawa.

Damn, it's hard to tame a woman than I thought.

Akala niya ay ganun lang kadali dahil hindi naman niya nasubukan kahit sa dating kasintahan.

Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap sa kanya ng asawa para maghanda ng kakainin nila ngunit mahigpit pa rin itong nakayakap. Problemado itong napabuntong hininga.

"Baby, I'll just prepare our food."

Naramdaman niya itong umiling ng ilang beses.

"Ayoko. Iiwan mo na naman ako." Saka nito isiniksik ang mukha sa leeg.

"We'll get hungry including our baby if we keep hugging here. Let's eat first." Masuyo nitong sabi sa asawa saka hinaplos ang buhok.

"Ayoko nga sabi! No food."

"You didn't cook? I thought you will."

Siguro nga'y hindi na ito nakapagluto sa kadahilanang iniisip nito na iniwan na naman niya ang asawa.

"Alright. I'll order our food, what do you want?"

"You" walang preno nitong sabi na ngayon ay inaamoy amoy na ang leeg na asawa na katulad din ng ginagawa nito. Hindi na nito maamoy ang pabango nito bagkus ay ang kanyang natural na amoy ang naaamoy.

"Later, baby." He chuckled.

"You can eat your fresh green apples and strawberries while waiting. Wait me here and I'll just wash it."

Akma na naman niyang tatanggalin ang pagkakayakap ng asawa ngunit kinagat lang nito ang kamay.

"What was that for?"

"Ayoko nga!" Halos marindi na siya ng isigaw nito iyon sa tapat ng tenga niya.

Napapailing siya dahil hindi niya maintindihan ang mood ng asawa. Alam naman niyang mabait ito at mapagmahal, maalaga pa. Ngunit ngayon lang niya nakita ang ganitong side ng asawa. Siguro ay dala na rin ng pagbubuntis nito. Mood swing.

Nilabas niya ang cellphone sa bulsa para mag-order ng pagkain nila habang nakayakap pa rin ang asawa sa leeg niya. Ayaw siyang pakawalan.

Pagkatapos mag-order ay tumayo siya habang yakap-yakap pa rin siya ng asawa. Walang kaso sa kanya ang pagbubuhat sa asawa ngunit nahihirapan siyang gumalaw.

Kaya't habang hinuhugasan ang mga prutas para sa asawa ay pinaupo niya ito sa sink ng lababo. Pagkatapos ay binuhat na naman niya ito dala ang mga prutas at pinaupo sa counter table.

Para itong batang nakayakap sa magulang at ayaw magpabuhat sa ibang tao. Ayaw pa rin siyang bitawan.

"Hindi ka na mabaho, ang bango mo na." Humagikhik pa ito habang inaamoy amoy siya sa leeg.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon