Chapter 11

3.1K 44 7
                                        

Warning: Bawal sa bata! B-A-W-A-L!

Rhian's POV

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Where have you been, you bitch?" madiing tanong nito mula sa dilim

Hindi ko siya kita pero alam kong nasa may sofa siya.

Magsasalita palang sana ako ng may kung ano siyang ibinato sa direksyon ko. Napasinghap at napahawak nalang ako sa braso ng maramdaman kong ito ang tinamaan bago ko narinig ang pagkabasag na bote na siyang alam kong ibinato niya.

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na papalapit sa direksyon ko.

"Ano? Hindi ka magsasalitang puta ka. Saan ka galing at gabi kang umuwi? Nagpakasarap ba kayo ng lalaki mo? Ano, sum—"

Sinampal ko siya ng malakas. Nagulat pa ako sa nagawa ko pero hindi maiibsan nun ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko man kita ang mukha niya dahil sa dilim pero alam kong nagulat din siya.

"Kahit kailan ay hindi ko naisip na manlalaki. Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sakin? Pasensya ha, hayaan mo sa susunod  aagahan ko ang pag-uwi." pigil ang iyak na sabi ko kanya habang napailing iling

Ano na ba ang dapat kong gawin?

Marahan akong naglakad palampas sa kanya ng makaramdam ako ng hilo habang hawak-hawak ko ang braso ko na tinamaan ng bote na ibinato niya.

Hindi ko kita ang expresyon ng mukha niya dahil kulang ang mga ilaw sa labas ng bahay para makita ito.

Nakatayo lang siya doon habang naglalakad na ako paakyat ng hagdan.

Malapit na ako sa pinto ng kwarto namin ng biglang tumindi ang hilo ko. Umiikot na ang paningin ko kahit wala akong gaanong makita sa dilim.

******

Nakatayo lang siya kung saang banda siya iniwan ng babae. Halos mahimasmasan siya sa kalasingan sa tindi ng sampal ng babae sa kanya.

Napalingon pa siya sa taas ng makarinig siya ng tunog na parang may bumagsak.

Mabalis niyang hinagilap ang remote control para buksan ang mga ilaw sa kabahayan na sinadya niyang wag i-on.

Hindi niya sana papansinin ang tunog na narinig niya ng mapansin niyang parang hindi naman sa loob ng kwarto nila nanggaling ang tunog dahil malakas ang tunog. Isa pa, soundproof ang silid nila.

Kunot noo naman siyang umakyat ng hagdan habang nakakaramdam ng hilo dahil sa alak na nainom. Hindi naman siya ganun kalasing para hindi makaakyat at hindi makita ng malinaw ang babaeng nakahiga sa sahig at walang malay.

Tumakbo siya palapit dito saka binuhat. Nag-iisip pa siya kung dadalhin niya sa ospital ang babae o sa kwarto nalang nila?

Sa huli ay napagpasyahan niyang dalhin nalang sa kwarto nila.

Binaba niya sa kama ang walang malay na babae saka ito pinakatitigan.

Maganda ito sa simpleng ayos lang niya, hindi niya yun itatanggi pero hindi mawala ang galit niya dahil ito ang dahilan kung bakit ito kasal sa babaeng hindi niya pinangarap.

Iisang babae lang ang pinangarap niyang makasama at pakasalan. Iyon ang babaeng hinihintay niya.

Napakunot ulit ang noo niya ng mapansing parang malakas ang pumipintig sa may leeg ng babae. Isa sa mga parte kung saan tinitignan ng mga doktor o rescuers kung buhay pa ang isang tao.

Parang dalawa pa ang pumipintig sa bandang ito ng babae.

Hindi nalang niya iyon pinansin sa pag-aakalang normal lang iyon sa mga babae.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon