Chapter 15

2.7K 31 0
                                    

Rhian's POV

"Siya ang nanay?" gulat kong tanong habang nakatingin pa rin sa dalawang papalapit.

"Hindi" umiling nitong sabi

"Private nurse?"

Nagtataka naman itong umiling.
"Bakit naman ako kukuha ng private  nurse eh wala namang sakit ang anak ko?"

Ako naman ang naguluhan dahil sa pagkakaalam ko, nurse siya.

"Eh ano?"

"Nanny siya ng anak ko." kaswal niyang sabi

"Ano?" mababakas sa tinig ko ang gulat kaya napatingin ito sakin

"Why? Hindi ba kapani-paniwala na sa ganda niyang yan eh isa siyang nanny ng anak ko?"

"Ahehe oo nga."

Maganda naman talaga siya. Noong una palang na nakita ko siya sa ospital noong naospital si dad nagandahan na ako sa kanya. Pero  hindi yun ang pinagtataka ko, nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko ilang araw palang noong naospital si dad at sigurado akong nurse pa siya nun.

Baka naman sideline niya?

Pero imposible, sa pagkakaalam ko malaki ang sahod ng nurse o mali lang ako.

"Daddy! Daddy!" tumatakbong sigaw nung bata na Red ang pangalan sa pagkakaalala ko.

Umupo naman yung lalaki, teka, di ko nga rin pala alam ang pangalan ng lalaking ito.

"Nixxer, baby" agad nitong sinalubong ng yakap ng anak

Tumayo itong buhat ang anak saka tumingin sa kasama ng anak.

"Kleyne," tumingin ito sakin saka ako itinuro, "this is..." nangunot ang kanyang noo ng hindi malaman ang idudugtong.

"Rhian" ako na ang nagtuloy

Inilahad ko ang aking kamay at pansin kong mukhang naiilang ito. Nag iwas ito ng tingin bago kinuha ang kamay ko.

"K-kleyne"

"Nice to meet you Kleyne." nakangiti kong sabi

Tipid itong ngumiti at tumango.

"Teka, magkakilala na kayo pero sakin hindi ka man lang nagpakilala." kunwaring nagtatampong sabi nito. Nangunot ang noo ko. Bakit naman ako magpapakilala sa kanya?

"Hindi ka naman kasi nagtatanong." natatawang sabi ko nalang

"Okay, okay. Hi, I'm Nirron and you are?" mayroon itong matamis na ngiti habang ang kamay ay nakalahad sakin.

"Rhian Greyson" sabi ko saka tinanggap ang kamay niya

"Nice to meet you Ms. Greyson."

"Hah! May asawa na ako." natatawa kong hayag

Naghugis O pa ang labi nito sa gulat.

"Hindi halata," naroon pa rin ang kanyang ngiti, "well, nice to meet you Mrs. Greyson." Pagtama nito sa sinabi kanina

"And this is my son, Nixxer Red Arevena." pakilala nito sa anak na kasalukuyang lingon ng lingon.

"Nakilala ko na siya noong minsang maligaw siya sa restaurant kasama si nanay Luz."

"Nakwento nga ni nanay Luz yan. Makulit talaga itong batang ito kung saan-saan nagpupunta."

Nakangiti akong sumang-ayon bago bumaling kay Kleyne na nagmamasid lang samin. Napansin nitong nakatitig ako sa kanya kaya nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri. Mukha siyang tuliro.

"Daddy, where's my pen?" tanong ng batang paslit sa ama kaya nabaling sa kanila ang tingin ko

Nagtataka ako kung nasaan ang mommy ng bata pero hindi ko na ulit magawang magtanong ulit. Ipinagkibit balikat ko nalang ang tanong sa aking isip.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon