Rhian's POV
Umalis na rin si Petra mga ilang minuto lang matapos makaalis ni Ion. Nahihiwagaan ako sa sinabi niyang, ang hirap makipagkompetensiya sa taong hawak na ng iba.
Tama nga naman dahil alam ko yung pakiramdam na nakikipagkompetensiya ka gayong alam mong ang puso at isip nito ay hawak na ng iba.
"M-ma'am ito na po yung mansanas niyo." Nabalik ako sa realidad ng makita ko ang hinihingal na si Inna sa harap ko.
"Hinihingal ka. Tumakbo ka ba?" kunot noong tanong ko
"Aaahh hah hah hoo. Grabe ma'am matutusta ako sa init ng araw kakahanap ng mansanas niyo sa palengke. Tanghaling tapat pa naman." nakabusangot na hayag niya, naawa naman ako sa itsura niya. Namumula ang mukha at tagaktak ang pawis sa mukha nito.
"Pasensya ka na Inna. Yaan mo, dadagdagan ko sahod mo."
"Hala ma'am, ok lang po yun. Wag niyo na po akong intindihin maliit na bagay lang naman po yung ginawa ko."
"Hindi, bibigyan kita ng bonus. Wag ka ng tumutol dahil hindi ako papayag."
Kinuha ko yung mansanas na kulay green saka lumakad patungo sa room ko. Lumingon ako bago lumiko sa daanan at tinawag siya.
"Inna, diba maliit na bagay para sayo ang paghahanap ng mansanas ko?" nakangiti kong tanong
"Uhh uhh o-opo naman po" alanganin pa itong ngumiti
Nginitian ko siya ng matamis, "ikuha mo nga ako ng suka, lagyan mo ng asukal at asin. Pakihugasan na rin pala 'to" sabi ko bago tumalikod
"Ma'am!" rinig kong pagmamaktol nito
Tinawanan ko lang siya. Tinatamad akong dumaan sa kusina para kumuha ng sawsawan ko.
Dinala naman agad niya sakin kaya sinimulan ko ng balatan at isawsaw sa suka.
Nawiwirduhan naman akong tinignan ni Inna.
"Bakit? Gusto mo? Masarap, try mo"
"Wag na madam, mukhang kulang pa sa inyo yang binili ko"
Nagkibit balikat nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
"No offense ma'am ah, pero tumatakaw kayo sa pagkain"
Natigil naman ako saka siya tinignan ng masama.
"Sabi ko nga tatahimik na" saka umarte pang sinisiper yung bibig niya.
Ano namang masama sa pagiging matakaw?
Nakangiwi namang umalis si Inna. Hindi ko nalang pinansin.
Pagkatapos kong kumain ng mansanas lumabas naman ako para icheck kung ayos lang ba ang mga kasama ko.
Saktong paglabas ko ay siya namang pagpasok ni Kleyne kasama si Red.
Nahihiwagaan pa rin ako kung bakit niya piniling maging nanny kaysa sa pagiging nurse. Sa pagkakaalam ko andyan din naman si nanay Luz na nagbabantay kay Red.
Well, it's not for me to think.
"Kleyne, napagawi kayo dito" sabi ko nung makalapit ako sa kanila. Hawak- hawak nito ang kamay ni Red.
"S-si Red, dito daw niya gustong kumain"
"Hello Red, how are you?" nakangiti kong tanong saka yumuko para magpantay kami.
"I'm fine. Thank you."
Natawa naman ako sa sagot niya kaya pinanggigilan ko ang kanyang pisngi.
"Aww. You're hurting me." Nakabusangot nitong inaalis ang kamay ko sa kanyang pisngi.
"I can't resist your cuteness.What do you want to eat?" Natatawang sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.
"Hmm, lemme think." Nakabusangot pa din siya saka pinupunasan ang pisnging hinalikan ko.
"I want a chocolate cake. That's yummy!" Maya-maya'y sabi nito.
"Sure, you can have that. Kleyne, may gusto ka bang kainin?"
"Ayos lang ako. Sinamahan ko lang talaga si Red."
"Nini Kleyne, let's go find a seat." Sabi ni Red saka hinila si Kleyne na nakatitig lang sa bata. May kung anong kislap sa kanyang mga mata.
Napailing nalang ako sa tumalima upang kunin ang chocolate cake ni Red.
Ipinahatid ko naman sa isa naming waiter ang order ni Red saka ako nagpasyang umuwi.
Inaantok na kasi at parang ang sarap talaga matulog buong maghapon.
Deretso nga ako sa kwarto pagkauwi at saka agad humiga. Hindi na ako nag-abalang magbilis man lang dahil hinihila na ako ng antok.
Bigla naman akong nagising sa malalakas na kulog at kidlat kasabay ng malakas na ulan.
"8:03 na? Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko." Napabangon naman ako at napahawak pa sa tiyan.
"Higit tatlong linggo na bakit hindi pa rin umuuwi si Dramon? Sobra ba siyang busy kaya hindi siya nakauwi agad?"
Para na akong sira na kinakausap ang sarili habang nakatanaw sa bintana dito sa kwarto namin.
Bigla naman akong napatakbo pababa ng may sasakyang papasok dito sa bahay. Iniwan ni Dramon ang sasakyan niya kaya tiyak kong sasakyan yun ni Warren dahil siya naman itong kasama niyang umalis.
Ngunit ganun nalang ang panlulumong naramdaman ko ng makitang si Warren lang ang lumabas.
Ang nakangiting mukha niya noong bago sila umalis ni Dramon ay napalitan ng pagkaseryoso.
Napalingon lingon pa ako sa likod niya noong makalapit siya sakin para makita kung lalabas doon si Dramon.
"Pumasok ka na sa loob baka magkasakit ka pa."
"Si Dramon? Hindi mo ba siya kasamang umuwi?" Pambabalewala ko sa sinabi niya saka tumingin ulit sa likod niya.
"Teka, pumasok ka muna at basang basa ka na. Bakit ba kasi di ka gumamit ng payong?"
Paalis na sana ako para kumuha ng tuwalya ng pigilan niya ako. Seryoso niya akong tinignan. Walang mababakas doon kundi kaseryosohan. Wala yung masiyahing aura ni Warren. Bigla akong kinabahan sa klase ng paninitig niya.
"A-ano...ayos ka lang ba Warren?" Tinitigan lang niya ulit ako.
"Sobrang ganda ko ba kaya ka nakatitig nalang? Naku, maganda talaga ako kaya wag mo na akong tignan ng ganyan." Kunwari natatawang sabi ko dahil abot abot ang kabang nararamdaman ko.
Bigla naman akong napaseryoso ng makita ang ekspreyon niya.
"Sabihin mo na kung ano man yun, Warren. Anong dapat kong malaman?" Napatingin ako sa malayo.
"He went abroad." Sabi nito saka tumabi sakin at tumingin din sa malayo.
"He's looking for Coleen. Iyon ang lagi niyang ginagawa kada linggong wala siya."
Bigla na naman akong nakaramdam ng sakit. Unti-unting bumuhos ang aking mga luha habang nasa labas lang kami hindi alintana ang kulog at kidlat pati ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Mapait naman akong napangiti.
"Iyon ba ang pinuntahan ninyo at hindi sa Palawan?"
Napailing naman ito saka ito bumaling sakin. Maya-maya'y napatingin ulit siya sa malayo.
"Totoong pumunta kami sa Palawan. Naclose pa namin ang deal pero pagkatapos nun ay bigla siyang umalis. Hindi niya sinabi sakin kung saan siya pupunta. Basta't ang sabi niya ay pupunta siyang ibang bansa para hanapin si Coleen."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Masakit. Sobrang sakit. Na kapag nagtuloy tuloy ay pakiramdam ko mamamanhid na ako.
"I-I...need to rest." Sabi ko saka walang sabing pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko na hinintay pang makaalis si Warren.
Napahagulgol nalang akong napaupo sa hawig. Napapasuntok sa dibdib dahil halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak.
Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan, Dramon?
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
Ficção GeralRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
