Chapter 35

3.2K 32 1
                                        

Rhian's POV

Ang kaninang masayang ngiti nito pagbaling sakin ay biglang nawala. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pero mas mukha siyang paa.

"Who are you? Naligaw ka yata Miss." Sandali itong natigilan na parang may naalala.

"Right! Ikaw yung may-ari ng cheap na restaurant." Bulalas nito at nakakainsulto akong tinitigan.

"Anong ginagawa mo dito?" Bagkus ay tanong ko kahit kating kati na akong kalmutin siya sa mukha para naman hindi lang makapal na make-up ang nandun.

"Oh well, I'm visiting my boyfriend and soon to be husband. How 'bout you? What is a cheap restaurant owner doing here? Are you here to tell Dramon na panagutan ka dahil buntis ka ng anak niyo, kuno? Hah! Ilusyunada! Dream on girl." Saka maarteng hinawi ang buhok na akala mo naman merong nakatabing sa mukha nito.

Ako pa ngayon ang ilusyunada! Pero siya itong nagsasabing girlfriend siya ng asawa ko.

Ilusyunadang mukhang paa na gustong magkaroon ng mukha.

"I'm the wife."

Taas noo kong sabi saka naglakad papasok at naupo sa swivel chair na upuan ni Dramon.

Nang iinsulto naman itong tumawa.

"Sinabi nga sakin kanina na may naghahanap kay Dramon. Buntis at mukhang nagpapaako ng kalandian."

Galit ko siyang binalingan ng tingin.

"Kaya sabi ko, paalisin na dahil baka isa na namang ilusyunadang nilalang katulad ng mga babaeng dumadating dito para magpaako sa kalandian." Tumawa pa ito.

Pinaikot ko naman ang upuan at ng bumalik sa dating pwesto ay saka ako napatayo.

"Well, it's for me to know and for you to find out. Ilusyunadang mukhang paa!"

"What? How dare you? Ikaw ang ilusyunada at mukhang paa! Ay hindi, mukha kang palaka. Matabang palaka!"

"Mukhang kalyong paa. Ilusyunada pa!"

Galit itong sumugod sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin at itinuro ang teleponong nandito sa opisina ni Dramon.

Boses ng sekretarya nito ang bumungad.

"Uh, yes Mrs. Greyson? How may I help you Ma'am?"

Dahil malapit lang sakin ang babaeng ilusyunada ay alam kong rinig nito ang sinabi ng nasa kabilang linya.

"May I speak with my husband? Is he there?"

"Y-yes po, Ma'am."

Sandaling tumahimik sa kabilang linya. Siguro ay tinawag pa ito.

Ano ba kasing ginagawa niya sa baba?

Ang babaeng nasa tabi ko naman ay nakataas ang kilay. Hindi naniniwala.

Tindi, ayaw pang maniwala eh sa sekretarya na nga nanggaling na tinawag akong Mrs. Greyson.

Gusto mo pa ng patunay? Pwes, ibibigay ko sayong babae ka!

"Baby, is there a problem?" Malumanay na tanong ng nasa kabilang linya. Napangisi ako ng makita ang gulat na mukha ng ilusyunadang babae.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Ano, maghihintay na naman ako dito? Kasama itong," napatingin din ako sa babae mula ulo hanggang paa, "Babaeng mukhang paa?" Napabaling ako sa kanya ng hablutin nito ang telepono.

"Dramon, she's insulting me." Pagsusumbong nito sa kabilang linya.

Nagkibit balikat ako at naupo pabalik sa swivel chair.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon