Chapter 45

4.9K 54 5
                                    

Rhian's POV

Bigla akong kinabahan ng hindi ko mahanap ang anak ko sa loob ng bahay. Hinalughog ko na lahat ng pwede niyang pagtaguan.

It's Saturday and he asked me to play with him hide and seek. Pumayag ako biglang bonding namin.

Napatingin ako sa gate. Mas lalo akong kinabahan ng makitang nakaawang ito ng konte. Tinawag ko ang pangalan niya pero walang sumasagot.

Napatakbo ako ng makarinig ng pagharurot ng sasakyan at huli na ng makita ko kung sino ang nasa loob nito. Mabilis at natataranta akong bumalik ng bahay para kunin ang kotse ko at sundan ang kotse. Malakas ang kutob kong kinuha nito ang anak ko.

"Mommy, where are you going?" Nagtatakang tanong ni Sashel na kalalabas lang sa loob ng bahay.

"I'm finding your brother."

"What? Is he missing? Oh my god!" Natatarantang pumasok ang anak ko sa loob ng bahay at maya-maya ay lumabas si Nixxon at Red.

"Rhian, what's happening?"

"I don't know! Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan kong mahanap ang anak ko."

"Tutulong ako. Wait for me."

"Mommy, tutulong din ako." Naiiyak na sabi ni Sashel.

"No, dito lang kayo. Baka mamaya biglang bumalik ang kapatid mo. Hindi pa ako sigurado kung may kumuha sa kanya. Sana nga wala."

Naiiyak siya at natataranta. Hindi alam ang gagawin.

"Tawagan niyo ako kung bumalik na ang kapatid mo."

Babalik ang anak ko. Iyon nalang ang naiisip ko. Ayokong mag-isip ng kung ano.

Pumasok ako sa kotse at mabilis itong pinasibad. Naririnig ko pa ang boses ni Nixxon na tinatawag ako.

Napalingon ako sa paligid. Umaasang makikita ko ang anak ko. Binilisan ko ang takbo baka sakaling maabutan ko ang kotseng nakita ko kanina kahit napakaimposible. Nakalayo na ito noong nakalabas ako ng gate kanina.

Asaan ka na ba anak?

I can't help but to cry. Not again. Ayokong dumating na naman sa puntong matatakot ako para sa buhay ng anak ko.

Please be safe anak.

******
He is silently watching his child. He knows now that he was his. Anak niya ito at hindi ang Arevallo na iyon.

"Taste good." He is licking his ice cream. Napatingin ito sa kanya at nahuling nakatitig siya dito.

"You want?" He offered his ice cream.

"No, I'm good. That's all yours."

"Okay." He shrug and continue eating his ice cream.

Napahinto sila sa daan dahil nakakita ang bata ng tindahan ng ice cream. Kaya ngayon ay masaya itong kumain habang siya ay nakatitig lang dito.

Pinagmamasdan niya ito at hindi maipagkakailang anak niya ito. Mula sa mahahabang pilik mata, makapal na kilay, kulay berdeng mata at matangos na ilong ay namana nito mula sa kanya. Ang labing kakorte ng hugis puso ay namana nito sa ina.

"Want to come with me?"

Napatigil ang bata sa pagkain ng ice cream. Nagtataka itong tumingin sa kanya.

"Where?"

"Philippines," gumuhit ang ngiti sa labi ng bata.

"Oh, yes! I heard, Philippines is a wonderful country."

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon