Chapter 9

2.7K 37 2
                                        

Rhian's POV

Busog na busog ako at halos hindi na ako makatayo sa kinauupuan ko. Sa dami ba naman ng kinain ko.

Ilang minuto pa akong nanatili sa kinauupuan ko. Naiisip ko na naman kung saan na naman nagpunta si Dramon. Kumain na kaya siya?

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip.

Naglalakad na ako papunta sa may cooking area para tumulong sa pagluluto kahit pinagbabawalan nila ako ng may mahagip ang mata ko na pamilyar na kotse.

Medyo malapit sa restaurant ko kung saan huminto ang sasakyan. Nakita kong bumaba doon ang isang lalaki at umikot ito papunta sa passenger's seat na sa tingin ko ay may pagbubuksan.

Halos mapaatras ako ng biglang may bumunggo sakin.

"Waaaaaaahhh" umiiyak na sigaw ng batang nakaupo sa sahig.

"Baby, wag ng umiyak. Saan ang masakit?" tanong ko ng makalapit ako sa batang lalaki

Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. Marami na rin ang napaptingin sa gawi namin.

"Mommy" sabi nito saka nagsimula na namang umiyak.

Natataranta naman akong binuhat siya at pinaupo sa upuan na malapit samin.

"Asaan mommy mo baby? Siya ba ang kasama mo? Tahan na." sabi ko habang inaalo siya

"Gusto mo ba ng ice cream?" nakangiti kong tanong sa kanya

Natigil siya sa pag-iyak saka napatingin sakin. Sunod-sunod naman itong napatango.

"Sige, pakuha tayo kay ate."

Tinawag ko naman si Inna saka sinabing kumuha ng ice cream para sa bata.

"Anong pangalan mo little boy?" tanong ko sa kanya na nakapagpasimangot dito

"Wredddd" bulol na sagot nito

Napangiti naman ako na mas lalong ikinasimangot niya. Kaya naman pala nakasimangot.

"Ok Red, tama ba baby?"

Tumango ito at napatingin sa ice cream na dala ni Inna. Nagningning ang mga mata niya at nakangiting tumingin sakin.

"Can I?" tanong nito na sa ice cream nakatingin

"Sure, sayo iyan Red."

Sinimulan naman nitong kainin ang ice cream at ako naman ay pinagmamasdan lang siya.

Ang gwapo niyang bata. Ang nakaagaw talaga ng atensiyon ko ay ang mamula-mula nitong pisngi na ang sarap panggigilan.

Aabutin ko sana ang pisngi niya para panggigilan ng mapaangat ang tingin nito sakin.

"Why?" inosenteng tanong nito na nakatingin sa dalawang kamay kong nakaangat malapit sa pisngi nito.

"Ah, hehe wala, pupunasan lang kita dahil nagkalat na ang ice cream sa pisngi mo." alanganin pa akong ngumiti sa bata

Inilabas ko yung panyo ko saka siya pinunasan. Nakalimutan ko na ang mga itatanong ko sa kanya dahil naaaliw akong pagmasdan siya.

"Baby Red, sino nga palang kasama mo at bakit ikaw lang ma—"

"Red! Susmaryosep itong batang 'to. Andito ka lang pala kanina pa kami naghahanap sayong bata ka, oo." mabagal na tumakbo ang isang medyo may edad nang babae sa direksyon namin na siyang pumutol sa sasabihin ko.

"Nanay Luz" mabilis na bumaba si Red sa kanyang upuan saka yumakap sa tinawag nitong nanay Luz.

Ako naman ay napatayo sa kinauupuan ko kanina at nakangiting humarap kina Red.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon