Chapter 1

4.8K 55 1
                                    

Rhian's POV

Tulala ako habang umiiyak at naaalala ang gabing binigay ko sa kanya ang lahat.

Flashback
Bigla akong nagising sa lakas at galit na sigaw niya.

"What the hell are you doing here woman?" galit na sigaw niya habang ako napayuko at naluluhang napaupo sa kama.

"Don't cry in front of me as if it's my fault. Dammit!"galit pa ring sigaw niya.

Pinigilan kong wag maiyak pero hindi ko magawa, kung kagabi puno ng pagmamahal ang mga titig niya ngayon puno naman ng disgusto. Siguro ay dahil sa kalasingan kaya mapagkamalan niya ako. Marami ngang nagsasabi na may hawig kami ng ex niya.

Alam nitong mahal ko siya dahil nagtapat ako sa kanya nung umalis yung ex niya pero parang wala itong pakialam.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko para depensahan ang sarili ko dahil totoo naman ang sinabi niya. Nakayuko lang ako habang umiiyak.

"Get out and forget what happened between us" he said in a dangerous tone. Dali dali ko namang hinanap ang mga damit ko habang siya pumasok sa banyo.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang lumabas siya sa banyo.

"One more thing" he said.

"Kapag nabuntis ka, abort-------"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil dali dali akong lumabas ng bahay niya habang umiiyak. Hindi pa nga ako buntis pero pinapatay na niya yung batang walang muwang.

         *****************

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang malakas na ulan sa labas. Hindi ako mapakali dahil hinihintay ko siya umuwi. Gabi na pero wala pa siya, palagi namang ganito eh. Uuwi siyang lasing sa gabi at aalis naman ng madaling araw. Naalala ko pa kung gaano siya kagalit nung nalaman niyang ikakasal kami.

Arrange marriage to be exact. It's clichè, right? Nakakatawa lang isipin na kung ano yung nababasa mo sa wattpad nangyayari yun sa totoong buhay.

The thing is, hindi ako magkakaroon ng happy ending katulad sa wattpad. I don't want to believe that like in a wattpad stories where the guy would fall in love with the whom he despise. Believing would only crush my little hope.

One month na ang nakakaraan noong ikasal kami. Two weeks nung may nangyari samin ng sabihin ni dad na ikakasal ako sa malapit niyang kaibigan at kabusiness partner.

Tulala lang ako noon at hindi na tumanggi noong sabihin ni dad na ikakasal na ako dahil iyon sana ang paraan ko para malimutan siya, ang ibaling sa iba ang atensyon ko pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana. Hindi ko rin alam kung bakit kami ikinasal basta ang alam ko lang nagkausap na ang mga magulang namin tungkol sa kasal namin.

Galit na galit nga siya nung malaman niya yung tungkol sa kasal. Hindi ko naman siya masisisi lalo na at may mahal siyang iba pero nagulat ako na natuloy parin yung kasal. Akala ko hindi siya papayag pero nagulat ako nung sabihin sabihin ni daddy na tuloy ang kasal.

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang ulan at naghihintay sa asawa ko.

Maya maya ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Dali dali akong kumuha ng payong at lumabas ng bahay. Nakita ko naman ang kaibigan niya na si Ken, naging malapit na rin ito sa akin kaya kilala na rin niya ako.

"Lasing na naman siya." sabi ko habang tinutulungang si Ken na akayin ang asawa ko.

"Tss, gago kasi nitong ungas na to ang sarap basagin ng mukha." asar na sabi nito. Nang maihiga namin ang asawa ko saka ko hinarap si Ken.

"Salamat sa paghatid sa kanya, pasensya na rin sa abala" sabi ko saka alanganin pang ngumiti.

Seryoso naman siyang nakatitig sakin kaya napayuko ako.

"Kung hindi mo na kaya hiwalayan mo na siya." sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagtatanong naman ang tingin kong napatingin sa kanya sa nagsalita siya.

"Alam kong alam mo ang pinag gagagawa ng asawa mo. Papasok palang ako ng makita ko siyang may kahalikang babae. Sa inis ko sinuntok ko siya at nagsuntukan nga kami sa bar. Ang gago kasi nitong asawa mo hindi man lang iniisip ang nararamdaman mo. Pagkatapos naming nagsuntukan hinayaan ko siyang uminom mag isa, sobra na ang ginagawa niya sayo. May asawa na siya pero ganyan kung umasta, tss" inis na sabi ni Ken.

"Hindi ko siya masisisi dahil alam kong ayaw niya sa set up naming ito. Napilitan lang siyang pakasalan ako dahil sa mana niya" yan ang mapait na katotohanan.

Napabuntong hininga nalang si Ken at nagboluntaryo pa siyang tulungan ako sa pagdadala kay Dramon pero sinabi kong ako nalang dahil masyado na siyang naabala.

"Una na ako. Ikaw na bahala dyan sa kumag na yan." paalam niya saka ginulo ang buhok ko

Naglakad naman na siya sa kotse niya na nakaparada sa labas ng bahay.

"Salamat ulit sa paghatid sa kanya" sabi ko habang nakatayo sa may gate. Itinaas niya lang ang kamay niya at kumaway saka pumasok sa kotse nito. Nagbusina pa ito bago umalis.

Pagkasara at pagkapasok ko sa bahay ay inakyat ko naman si Dramon sa kwarto namin, nahirapan pa akong iakyat siya sa hagdan dahil mabigat siya. Hiniga ko siya sa kama at hinubaran ng damit.

Napalunok ako at hindi ko maiwasang titigan ang maganda niyang mukha hanggang sa may dibdib niya. Dali dali na akong bumaba para kumuha ng maligamgam na tubig at pamunas bago pa ako makagawa ng kasalanan na ikagagalit niya.

Napailing iling nalang ako sa naisip kong yun dahil talagang magagalit siya pag pinagnasahan ko siya at gumawa ng kababalaghan.

Nahiga na rin ako pagkatapos ko siyang punasan at gamutin ang pasa niya sa gilid ng labi nito. Araw araw ko ring hinihiling na sana maging maayos na ang pagsasama namin.

Sana lang talaga.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon