Rhian's POV
Agad akong umuwi ng matapos akong maghapunan sa bahay. Ayokong maulit yung nangyari kahapon.
Pagkarating ko sa bahay nakita kong wala pa ang sasakyan nito. Pati kahapon hindi ko rin nakita kaya akala ko hindi pa siya nakakauwi.
Nasaan naman kaya ang sasakyan nito?
Bago ang sasakyang gamit nito mula ng maaksidente ito.
Anong ginamit niyang sasakyan nung umalis siya kaninang umaga?
As usual, nagluto ako ng pagkain para kahit wala na namang kasiguraduhan kung kakainin niya. Nasasayangan na nga ako sa mga pagkaing niluluto ko kapag hindi siya kumain. Hindi ko naman nakakain lahat.
"Meow...meow"
Napatingin ako sa pusang nasa paanan ko at nakatingala sakin. Yung mukha niya na nanghihingi ng pagkain. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Ayoko nga. Tinakasan mo ako kanina." sagot ko pa sa pusa na para namang naiintindihan ako
Iwinawagayway pa niya ang buntot saka siya naupo sa harap ko.
"Bahala ka dyang magutom." sabi ko saka siya tinalikuran at pinagpatuloy ang paluluto
Naramdaman kong may kumikiskis sa binti ko. Pagtingin ko nakita ko yung pusa na parang naglalambing upang bigyan ko ito ng pagkain.
"Asus. Marunong ka pa sa amo mong maglambing."
Binuhat ko ito at nilagay sa island counter bago ako kumuha ng pagkain niya.
Nilapag ko sa harap niya na agad naman niyang sinunggaban.
Hinahaplos ko ang balahibo niya ng maisip ko ulit yung gusto kong gawin sa kanya. Napangiti ako bago mabilis na tinapos ang pagluluto.
Nagshower muna ako bago ko hinanap si Kitty. Nakita ko naman itong natutulog sa sofa. Binuhat ko ito na siyang kinagising niya. Hinaplos haplos ko nalang ang ulo niya para ipagpatuloy nito ang pagtulog. Nagtagumpay naman ako na patulugin siya muli.
Tumigil ako sa tapat ng tindahan malapit lang sa bahay. Baka lang may tinda silang pagkulay ng buhok. Dito ko naman kasi nakikita yung mga kabataan na bumibili ng pangkulay nila sa buhok.
Bumaba ako ng sasakyan dala-dala ang pusa na tulog pa rin. Tinanong ko yung ale na nagtitinda kung may kulay sila ng buhok na kulay white at red.
"Wala na ineng ubos na. Kukulayan mo ba ang buhok mo? Naku! Wag ineng sayang ang kulay ng buhok mo mukha pa namang natural ang pagkakaitim nito." sabi ng ale
"Hindi po para sakin. Para po sana dito sa pusa." nakangiti kong sabi
Napapantastikuhan naman itong tumingin sakin at sa pusa. Hindi naman na siya nagsalita pa kaya nagpaalam na ako.
Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa may mabili ako sa department store.
Pauwi na sana ako nang mapadaan ako sa isang tindahan ng cake. Gusto ko ng strawberry flavor.
Iniwan ko muna si Coleen sa kotse bago nagtungo sa loob ng tindahan.
"Pabili nga po ng isang buong cake. Strawberry flavor." Sabi ko dun sa lalaking nagbabantay habang nakatingin pa rin sa cake.
Napansin ko namang hindi siyang gumagalaw sa kinatatayuan niya.
Umayos ako ng pagkakatayo. Nakita ko siyang nakatitig lang sakin kaya napakunot ang noo ko.
Anong problem niya?
"Bakit?"
"W-wala po" sagot nito na may alanganing ngiti.
Tumango nalang ako pero siya nakatitig pa rin sakin. Nainis naman ako kasi mukhang nakalimutan na niya yung binibili kong cake.
"Yung cake ko, pwede ko na bang makuha?" Hindi ko alam kung mababakas sa boses ko na naiinis na ako. Kanina pa ako naghihintay pero nakatayo lang siya at nakatitig sakin.
"A-ah, oo nga po pala. Pasyensya na po." Nagmamadali naman itong kumuha ng box ng cake saka inilagay doon yung strawberry cake na binibili ko.
Naiinip na ako kasi ang tagal niya at parang ngayon lang ako nakaramdam ng inis at gusto ko siyang sigawan pero syempre hindi ko ginawa. Hindi naman ako iskandalosa.
Inabot nito sakin kaya naglalaway na naman ako. Gusto ko ng makauwi agad para makain ito. Inabot ko ang bayad saka mabilis na naglakad pero narinig ko pa yung lalaki na sumigaw.
"Ma'am balik po kayo ulit." sigaw nung lalaki
Depende kung masarap itong cake na tinda niyo.
Hindi ko na ito pinansin at dumeretso na ako sa kotse pauwi.
*****
Wala pa ulit siya nung makauwi kami ng pusa niyang si Kitty. Binuhat ko ulit ito sa kusina dahil balak kong ubusin yung cake.
Hindi naman nagreklamo yung pusa, mukhang alam niyang kakain ako ng masarap. Malakas ang pang amoy eh.
Kumakain kami sa may sala ng marinig ko tunog ng sasakyan ni Dramon. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 8:23 na. Ito ang makalawang gabi na umuwi ito ng hindi lalampas ng 11 pm. Ngayon at kahapon na medyo nagkasagutan kami.
Nakatingin lang ako sa front door at inaabangan ko ang pagpasok niya. Kung noon kapag naririnig ko ang tunog ng sasakyan nito ay lumalabas ako para salubungin siya, ngayon, parang ayoko muna.
Pumihit ang siradura at pumasok ang pasuray suray na si Dramon. Napangisi ng mapatingin sa direksyon ko.
"He-*hiccup*hello there wife *hiccup*" nakangisi at namumungay ang mga mata niya
Hindi ko ito pinansin. Nakatitig lang ako sa kanya dahil himala yata na maaga siyang umuwi at hindi niya ako binibigyan ng cold treatment. Well, ewan ko nalang kung anong treatment ito.
"Ohh, my wife *hiccup* is ignoring me." Bigla nalang niyang ibinagsak ang katawan sa tabi ko.
Ang kamay nito ay nasa sandalan ng sofa, nakalaylay ang ulo. Kinakabahan ako na ewan. Para kasing iba ang ikinikilos nito ngayon.
"K-kumain k-ka na ba?" pilit kong tanong dito dahil nababahuan ako sa kanya. Pabango pa rin naman niya ang naamoy ko pero nababahuan ako.
May kakaibang ngisi sa mga labi niya nang itagilid nito ang ulo at tumingin sakin.
Inilapit nito ang mukha sakin kaya halos takpan ko ang ilong ko ng maamoy ang alak na nainom nito.
"I want to eat you instead." bulong nito sa tainga ko
Napatayo naman ako agad habang siya nakatingala sakin at parang nagpipigil ng tawa. Maya-maya ay natawa na nga ito.
"Your expression *hiccup* is priceless *hiccup*"
Alam ko, dahil siguradong namumula ang mukha ko sa sinabi niya. Ano ba naman kasing nakain niya at ganun ang sinasabi niya?
"M-maghahanda n-na ako ng p-pagkain mo."
Nagmamadali akong nagtungo sa kusina at hinanda ang niluto kong pagkain. Hindi pa nga rin ako kumakain pero ayoko rin namang kumain ng kanin. Gusto ko yung cake lang.
Dinig ko pa rito sa kusina ang tawa niya at nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos niya.
Bakit kaya bigla nalang siyang naging mabait? Mabait na nga bang maituturing ang hindi nito pagsasabi sakin ng mga masasakit na salita? Ang hindi nito pagpapamukha sakin na ako ang may kasalanan kung bakit nakatali siya sa taong hindi niya pinangarap?
Haysss buhay.
Bumalik ulit ako sa sala at naabutan ko itong natutulog katabi yung pusa niya na nakakandong sa kanya.
Swerteng pusa, nakapakandong habang ako ni hawakan nga siya nagagalit na.
Tinapik tapik ko ang pisngi niya para gisingin. Iminulat naman niya ng kaunti saka ito tumitig sakin.
Matamis itong ngumiti sakin.
"I miss you" nakapikit nitong sabi
Gulat pa ako sa narinig ko pero bigla nalang naglaho yung tuwa na naramdaman ko sa sunod nito sinabi.
"Coleen"
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
