May madidiligan na naman😂.
Rhian's POV
Nilibot ko ang paningin dahil masyadong malawak ang kabahayan. Hindi ko alam kung saang parte hahanapin si Dramon. Bumaba pa ako ng hagdan para hanapin ang kasambahay na nagdala ng maleta namin kanina. Nahanap ko naman siya sa kusina na nagluluto.
"Ahm, saan po ba ang kwarto ni Dramon?"
Tinigil nito ang paghihiwa ng mga kasangkapan sa pagluluto at naghugas ng kamay.
"Ihahatid ko nalang po kayo Ma'am."
Tipid akong ngumiti bago tumango.
Sinundan ko siya. Nagtataka ako ng lumiko ito pakaliwa dito sa ibabang palapag.
Tinatamad ba siyang bumaba ng hagdan kaya dito nalang siya sa kaliwang kanto ng unang palapag?
Tumigil siya sa tapat ng isang pinto.
"Pumasok nalang po kayo dito Ma'am. Deretso na po ito hanggang sa ikatlong at ikaapat na palapag. Sa ikatlong palapag po kayo huminto. Doon po ang kwarto ninyo si Sir."
Bahagya itong yumuko bago umalis. Ako naman ay nakatunganga lang sa tapat ng elevetor.
Mas malala pa pala sa iniisip ko.
Ikatlong palapag. So sino ang nasa ikaapat na palapag?
Yun ang nasa isip ko habang umaakyat ang elevetor hanggang sa ikatlong palapag ng bahay.
Sila ba? Kaya ba may elevator para di siya mahirapan sa pag-akyat at pagbaba mula sa ikaapat na palapag?
Pilit kong pinakalma ang sarili hanggang sa bumukas ang elevetor at bumungad agad sakin ang malawak na kabuuan ng ikatlong palapag.
Ala Christian Grey ang kabuuan nito. Hindi na rin nalalayo dahil ala Christian Grey din ang may-ari ng bahay na ito. Ang kaibahan ay hindi ako ang masasabing si Anastasia.
"You're here."
Mula sa hagdan ay bumaba ang nakatopless na si Dramon. Basa ang buhok. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka sabihin niya pinagpapantasyahan ko ang abs niya. Hindi naman. Tsk!
"Sinabi mong sumunod ako kaya nandito ako."
Nakapaang naglakad siya sa sala. Palihim ko siyang sinundan ng tingin. Komportable siyang naupo sa mahabang sofa at nagdekwatro.
"You're here to talk. Come." Mukha na naman siyang boss na inuutusan ang isang utusan. Tinapik pa nito ang tabi niya senyas na doon ako umupo.
"Sinabi ko na sayong hindi mo ako utusan."
"And I also told you that you're not. Of course I know that you're my wife."
"Hindi yan ang punto ko." Singhal ko dito at inirapan siya.
"What then?"
"Wag mo akong utusan sa anong dapat kong gawin."
"What's wrong? I only offered you to sit beside me. Baka mangalay ka."
"Wag na. Baka kung ano pang gawin mo."
Baka mas lalo pa akong mangalay.
Binuksan nito ang isang maliit na kahon na nakapatong sa clear glass table. Inilabas nito ang isa sa pinakamahal na alak at naglagay sa wine glass.
Domaine Romanee-Conti also known as DRC which is the most expensive French wine and considered also as the most expensive wine in the whole world.
He stirred the red wine and smelled it like a flower before drinking it up. He look at me and lift the wine glass.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...