Rhian's POV
Tulad nga ng sinabi ni aling Lita, ipinagluto niya ako ng ginataang gabi habang ako naman ang pumalit sa ginagawa niya.
"Ineng, gutom ka na ba? Halika, kumain ka na at luto na yung ginataang gabi." sabi ni aling Lita dala ang isang bowl na sa tingin ko ay laman ang ginataang gabi.
Nakangiti ko naman siyang sinalubong at kinuha sa kanya ang mangkok.
"Salamat po."
"Naku, ako dapat ang magpasalamat dahil mukhang ikaw ang swerte namin ngayon. Tignan mo ang daming tao, ngayon lang nangyari ito." natutuwa nitong sabi habang pinagmamasdan ang mga taong kumakain.
"Hindi naman po." natatawa kong sabi
Baka naman nagkataon lang. Napakaimposible namang nang dahil lang sakin ay marami ng tao.
"Siya, kumain ka na at tanghali na." sabi niya saka bumalik sa pwestong pinalitan ko kanina.
Tiningnan ko pa siya, sila, na mukhang hindi pa kumakain at wala ng oras kumain dahil dagsaan ang pagdating ng mga estudyanteng dito napiling kumain.
Naupo ako sa isang tabi at sinimulang kumain. Inamoy ko pa ang ulam kong ginataang gulay na talagang ang natural na gata ng niyog ang nilagay at hindi ang nabibili. Ginanahan akong kumain dahil doon.
Masaya kong tinapos ang pagkain saka lumapit kay aling Lita para magbayad.
"Aba'y hindi ko matatanggap yan." sabi niya nang iabot ko ang bayad
"Hindi naman po ata tama yon, kumain po ako at dapat lang pong bayaran ko yun." giit ko
"Marami ka naman nang naitulong kaya ok lang."
"Pero nak-------"
"Salamat ineng pero isipin mo nalang na iyon na rin ang bayad mo sa pagtulong sa amin." nakangiting sabi ng kasama ni aling Lita at talagang hindi tinanggap yung bayad ko.
"Tutulungan ko nalang ulit kayo para naman makakain na rin kayo. Alam ko kasing hindi pa kayo kumakain."
"Naku wag na, kaya na namin at mukhang pagod ka na. Hindi ka ba papasok sa restaurant mo?" tanong ni aling Lita
"Hindi po kaya tutulong nalang po ako tutal wala naman na po akong gagawin."
"Sige na po payagan niyo na po akong tumulong." pagpupumilit ko ng makita kong mukhang wala silang balak patulungin ako
"Mapilit kang bata ka. Mabuti ka pa't gustong-gusto mong tumulong samantalang yung ibang mga kabataan dyan, ikinakahiya ang paggawa ng ganitong bagay." naiiling na sabi ni aling Lita
Nakangiti naman akong lumapit sa kanila at tumulong. Narinig ko ang tawanan at kwentuhan ng isang grupo na kapapasok lang sa walang pintuang kainan. Wala itong pintuan kaya malayang nakakalabas masok ang mga tao.
Naupo sila sa bandang harapan at ilang dipa lang ang layo kung saan ang pwestong kinaroroonan namin kaya rinig ang tawanan at kwentuhan nila.
"Wala pare, talo ka pala." asar ng lalaking nakabukas ang butones ng suot na uniform sa isang lalaking nakauniform rin na ngingiti-ngiti sa sinasabi ng kaibigan.
"Baka naman pinagbigyan lang." Natatawang hayag naman ng isa na nakapaharap ang upuan sa kanya.
"Shems, type mo ba men?" nakangising tanong ng kulay gold ang buhok
Naiiling lang ang isang lalaki sa pinagsasabi ng mga kaibigan.
"Tumigil na nga kayo, umorder ka na nga lang Goldie." natatawa nitong sabi
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
