Chapter 38

2.7K 29 9
                                    

Rhian's POV

Pagkauwi namin sa bahay ay naabutan namin silang masayang naliligo sa pool.

"Wow! Family bonding?"

"Daddy!"

Tumakbo ang anak ko palapit sa kanila. Umahon naman si Dramon na agad pinigilan ng mag-ina.

"Mon, honey, where are you going?"

"Daddy! Come back here!"

"He's not your daddy!"

Pagalit na sigaw ng anak ko at nagpabuhat sa ama. Umahon si Coleen habang ang bata ay ayaw umahon.

"No! He's my daddy!" Ganting sigaw ng batang babae, galit na tumingin samin ng anak ko.

"Stop it. Coleen, Amara," lumapit ito sakin at hinawakan ako sa bewang.

"This is my wife and daugh----" 

"He-help, d-daddy!"

Gulat kaming napatingin sa pool. Madaling ibinaba ni Dramon ang anak at agad tinakbo ang anak na nalulunod.

Hindi, naglulunud-lunuran.

"Dramon! Oh my god! Our daughter!"
Histerikang sambit ni Coleen.

Kami ay muli na namang nakatingin ng anak ko sa kanila na parang hindi kami kasali sa bahay na ito.

Daling iniahon ni Dramon ang bata.

"Mommy?"

Napatingin ako sa anak ko. Hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"Let's go inside."

"But daddy might need our help!"

Umiling ako sa anak. Binuhat ko siya at umalis doon.

"They don't need our help."

They are getting their way to get the attention of Dramon. May salbabida yung bata. Bakit tinanggal pa kung alam nitong malulunod siya?

"How's your other family?"

Yan ang bungad ko sa kanya pagkapasok nito sa kwarto. Agad nangunot ang noo nito.

"My daughter is safe already."

Mapakla akong napatawa. Mapait na ngumiti.

"Yeah, your daughter."

Seryoso itong napatingin sa akin.

"Rhian," anito sa mababa ngunit mariing boses.

"What? Daughter mo nga. Anak mo, anak niyo."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa nagbabadyang luha. Akma niya akong lalapitan ng lumayo ako.

"Maligo ka na. Titignan ko lang ang anak ko."

Hindi ko na narinig ang sagot nito dahil mabilisan akong lumabas at nagtungo sa kwarto ng anak ko. Lalo pa dahil may naririnig akong away.

"This is my room!" Sigaw ng anak ko habang nakatayo sa gitna ng kama.

"Well, from now on, this will be my room." Matapang na sagot ng batang babae.

"No! This is my room! This is mine!" Galit na sigaw ng anak ko.

Ang mariin na pagkakahawak ni Coleen sa anak ko ang naabutan ko.

"What are you doing to my daughter?"

Nilapitan ko ang anak at niyakap.

"She hurt me, mom"

"Well, gusto ng anak ko dito sa kwartong 'to matulog. Their are no other rooms available. So I guess, yeah, we can stay here."

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon