Chapter 2

3.5K 47 2
                                    

Rhian's POV

Paggising ko para magluto ng agahan, nagulat ako ng may marinig akong mahinang paghilik pagtingin ko si Dramon pala. Akala ko nga nakaalis na siya kasi hindi pa ako nagigising eh wala na siya sa bahay kaya nagtaka ako na ngayon ay hindi pa ito nakaalis at mahimbing ang tulog.

Siguro dahil na rin sa pagod at pag inom niya kaya mahimbing ang tulog nito. Well, lagi naman siyang lasing pag umuuwi pero ngayon lang ata siya hindi umalis ng maaga.

Bumaba na ako para magluto. Habang nagluluto ako naisip ko kung kakain ba siya. Kakainin niya ba ang lulutuin ko?

Pagkatapos kong maghain sakto naman na pababa na siya. Nakacorporate attire na ito. Seryoso ang mukha at mukha itong galit. Naglakad naman ako sa may puno ng hagdan saka ngumiti.

"K-kain ka muna naghanda ako ng agahan."sabi ko. Nagpatuloy naman siya sa pagbaba hanggang sa nakalapit na siya sakin.

"Why didn't you wake me up, huh?" nang uuyam nitong sabi. Napayuko na naman ulit ako. Nang hindi ako nagsalita nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Why? You want me to join you eating? Tss, desperate bitch" sabi nito saka ako tinitigan ng masama. Hindi nalang ulit ako nagsalita, kinimkim ko nalang ulit yung sakit na nararamdaman ko.

"Know what? I will never ever fall for a desperate bitch like you. Never." sabi nito saka ako tinalikuran. Bago pa siya lumabas ng bahay nagsalita siya.

"Hindi ako kakain baka nilagyan mo pa ng gayuma yan saka may pupuntahan pa kami ni Jenny." nakangising sabi nito saka tuluyang umalis.

May nahulog na tubig sa kamay kong nanginginig. Pagsapo ko sa mukha ko basa na pala ito dahil sa luhang walang tigil sa pagpatak.

Bakit ba ganun kasakit ang mga salitang naririnig ko sa kanya? Ganun na ba ako kadesperada sa paningin niya. Hindi ko naman sinasadya na siya ang napakasalan ko. Hindi ko naman alam na siya ang pakakasalan ko dahil wala naman akong alam sa mga kabusiness partner ni dad. Wala rin akong alam sa business world dahil hindi ako sumasama kay dad sa mga okasyon na pinupuntahan niya. Mas gusto ko pang magluto nalang sa restaurant ko kaysa sumama sa kanya. Oo may restaurant ako pinagawan ako ni daddy nung magtapos ako sa kurso kong culinary. Hindi naman ako tinutulan ni daddy sa kursong pinili ko bagkus ay sinuportahan niya ako.

Siguro ay dahil dadalawa nalang kami. Wala na kasi si mommy, namatay ito pagkatapos akong ipanganak.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko saka ako nagtungo sa kusina para kumain. Konte lang ang kinain ko dahil tulala lang ako habang kumakain saka nawalan na rin ako ng gana.

Naligo at nagpalit na ako ng damit saka ako dumeretso sa restaurant ko.

Pagkapark ko ng kotse ko natanaw ko ang isang pamilyar na kotse ilang metro lang ang layo nito mula dito sa pwesto ko. Hindi ko kita ang loob nito dahil tinted ito. Nakatanaw lang ako ng ilang minuto sa kotse ng magpasiya akong pumasok na sa loob. Hindi pa ako nakakalayo ng makarinig ako ng tawa ng isang babae. Isang maharot na tawa na akala mo kinikiliti na ewan. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Good morning ma'am, Rhian" nakangiting bati ni manong Jun, ang security guard namin.

"Good morning rin po kuya" nakangiting bati ko rin saka ako pumasok. Ito ako, kailangang ngumiti para itago ang tunay na nararamdaman.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon