Kunot noong pumasok si Dramon sa bahay nilang mag-asawa. Hindi nakalock ang pinto ng pumasok siya sa loob ng bahay. Papunta na sana siya sa kwarto nilang mag-asawa ng mahagip nito ang kwarto kung saan nakatago ang mga pictures nila ng dating kasintahan.
Sira ang pinto at sira lahat ng nandoon sa loob ng kwarto. Bigla siyang kinabahan kaya napatakbo siya agad sa kwarto nila. Tinignan niya kung may nawawalang gamit ngunit damit lang ng asawa niya ang nawawala. Mayroon pa rin namang natitirang damit ng asawa ngunit halos lahat ng damit niya ay wala.
Tinawagan niya si Ken na agad namang sumagot.
"Where's my wife?"
Ramdam niya ang sarkastiko nitong pagtawa.
"Why are you asking me? You should know because in the first place you're the husband." Ramdam niya ang galit sa boses nito pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang malaman ay kung nasaan ang asawa nito.
"I don't have time for shit, Samonte." Gigil nitong sabi.
"Then fuck you! I don't have time for your shit too Greyson. But one thing is for sure, you're wife is broken as fuck!" Halos sigaw na niya itong sinabi kay Dramon. Pinatay nito ang tawag at dali daling nagtungo sa bahay ng biyenan ngunit walang tao kahit pa ang nag-iisang kasama nila sa bahay na si Manang Martha.
Nagdrive naman siya papunta sa kompanya ng biyenan. Halos paliparin na niya ang sasakyan sa kagustuhang makarating agad.
"Is my father-in-law there on his office?" Tanong niya sa sekretarya ng biyenan.
"I'm sorry Mr. Greyson but Mr. Salazar is on a business trip in Europe together with his daughter." Sagot ng medyo may katandaang sekretarya.
"For how many days?"
"For five days Sir. It's been three days since they went there." Imporma nito sa kanya.
Umuwi siya ng bahay nila at napagpasyahang hintayin nalang ang asawa. Tutal ay ilang araw nalang at uuwi na ito.
Ngunit ganun nalang ang galit na naramdaman nito ng lumampas na ng dalawang araw mula sa dapat araw na uwi ng asawa ay wala pa ito. Tinawagan niya ang sekretarya ng biyenan at tinanong kung saan sa Europa naglalagi ang asawa at ama nito na ibinigay naman.
Sariling eroplano ang ginamit papuntang Europa. At ganun nalang ang gulat sa mukha ng asawa ng makita siya nito sa harap ng kanilang hotel room.
******
Rhian's POV"Bakit ka nandito?"
Yan agad ang unang lumabas sa bibig niya pagkatapos makita ang asawa. Anong ginagawa niya dito?
Pumasok ang asawa na nanatiling nakatayo habang nakatitig sa kanya na kumakain ng ice cream, strawberry flavor na tingin niya'y pinaglilihian niya.
"I'm the one who should ask you that. Why are you here?" Walang mababakas na emosyon sa mukha nito katulad ng dati.
"I'm with my father. Sumama ako para mamasyal." Simple kong sagot. Malayo siya sakin dahil ayoko sa amoy niya at ayoko din siyang malapit sakin.
"You're stay here is supposedly for five days only." Giit nito. Anong pinupunto niya?
"Ano naman ngayon? Bawal ba mag extend?" Gulat naman siya dahil nagagawa ko siyang sagot sagutin ngayon. The hell I care!
Tahimik niya lang akong tinitigan habang nakatayo pa rin siya. Bahala siya kung wala siyang balak umupo. Mangalay siya sa pagtayo wala akong pake.
"Kung wala ka ng sasabihin, bukas ang pinto para sayo. Pakisara nalang pag-alis mo." Sabi ko sa kanya saka ako dumeretso sa kwarto ko.
Naligo ako dahil napagpasyahan kong mamamasyal ako. Itutuloy ko yung naudlot kong pamamasyal sana noong nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
Ficción GeneralRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...