Chapter 21

2.6K 29 1
                                    

Rhian's POV

Pagkatapos ng gabing yun ay hindi ko na nga siya mahagilap. Kahit gaano ko kagustong makita siya at malaman man lang ang kalagayan niya ay hindi ko magawa. Wala na akong lakas gawin yun. Bigla nalang akong iniwan sa ere ng walang paalam.

"Hija, hindi ka pa kumakain. Halos magdadalawang linggo ka ng walang ganang kumain. Nag aalala na ako sayo, anak." Si daddy na kapapasok lang sa kwarto at may dalang pagkain.

Nakatanaw lang din ako dito sa bintana ng dati kong kwarto dito sa bahay nila daddy.

"Ayos lang ako dad."

"Anak, magkakasakit ka niyan. Kumain ka naman kahit konte." Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses ni daddy.

Noong kinaumagahan ng gabing umuulan ay siya ring punta ko dito. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag ako lang mag-isa sa bahay.

Hindi na nagtanong si daddy pagkakita sakin bagkus ay niyakap niya lang ako saka ako tuluyang umiyak.

"Daddy, sa tingin mo kailan yung oras para bumitaw?"

Napabuntong hininga ito saka lumapit at tumabi sakin.

"Kapag hindi mo na kaya, kapag wala ng paraan para maayos pa, bumitaw ka na. Bitawan mo yung sakit, yung galit. Wag mong hahayaang lamunin ka ng galit. Bitawan mo pero wag mong pakawalan."

Napabaling naman ako ng tingin kay daddy. Naguguluhan sa kanyang sinabi. Bitawan pero wag pakawalan? Hindi ba't iisa lang yun? Tingin ko'y nasabi na niya 'to pero hindi ko lang maalala.

May maliit na ngiti sa kanyang labi ng balingan niya ako saka ginulo ang buhok ko.

"Naguguluhan ka ba sa sinabi ko?" Natatawa nitong tanong. Napatango naman ako.

"Ako din naguguluhan." Saka ito tumawa ng malakas kaya napatawa na din ako.

"Kita mo na natatawa ka na din. Galing ko talaga!"

"Ang gulo niyo kasi daddy. Hindi ko magets yung huling sinabi niyo."

"Well, it's for me to know and for you to find out."

"Pinapahirapan niyo pa akong mag-isip dad eh." Natawa lang ito saka ako hinila palapit sa bilugang mesa dito sa kwarto.

"Halika na nga, kumain na tayo. Nagdala na ako ng pagkain natin dito para sabay na tayo. Ayaw mo naman kasing bumaba."

"Tinatamad ako at wala akong gana."

"Kaya ka nangangayayat. Kumain ka na at samahan mo si Manang Martha mamili mamaya."

"Ikaw nalang dad tutal hindi ka naman pumasok sa trabaho."

"Nag-aalala nga ako sayo dahil sabi ni Manang Martha halos hindi ka na kumakain. Papasok ako mamaya pagkatapos nating kumain kaya samahan mo na siya mamili para naman malibang ka."

"Tinatamad ako dad. Ayoko din nitong pinakbet."

Nangunot ang noo nito saka tumigil sa pagkain.

"Kailan ka pa naging tamad? At kailan ka pa naging mapili sa pagkain?"

Napasimangot naman ako.

"Dad, ayoko talaga."

"Walang kasama ni Manang Martha sa pagdadala ng mga bibilhin niya kaya samahan mo na. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Kawawa naman siya, matanda na at ayaw man lang tulungan."

Nangonsensya pa talaga!

"Oo na po sasamahan ko na po."

Kumain na din ako pero hindi ko inulam yung pinakbet. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Sadyang hindi ko lang talaga siya bet ulamin ngayon.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon