Rhian's POV
Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Oo, katabi ko siya pero alam kong wala lang iyon sa kanya at ang dati pa rin nitong kasintahan ang laman ng puso't isip.
Ngayon ko nalang ulit siya nakatabing matulog. Gusto ko pa siyang yakapin habang natutulog pero natatakot ako na baka magalit na naman siya kahit na medyo ok na kagabi.
Biglang bumukas ang pinto kaya gulat akong napahawak sa dibdib ko. Sinulyapan lang ako nito saka siya naglakad patungo sa banyo.
Akala ko umalis na siya?
Bumaba ako ng kama saka hinanap yung panloob kong tsinelas pero hindi ko mahanap.
"Nasaan naman kaya ang tsinelas na yun?"
Sinilip ko pa sa ilalim ng kama pero wala talaga. Bumaba nalang ako para tingnan kung nasa baba ito.
Nahanap ko yung isa sa sala pero yung isa hindi ko nakita. Nagkakutob na ako kung sino ang kumuha kaya inikot ko ang bahay para hanapin siya.
Lumabas ako ng bahay para hanapin siya at ayun, nakita ko siyang nakikipaghabulan sa kapwa niya habang kagat kagat ang hello kitty kong tsinelas.
Ang pusang 'to humaharot na.
"Hoy Kitty! Bakit mo kinagat ang tsinelas ko?" Naiinis kong sigaw sa pusa na patuloy sa paghahabulan.
Lumapit ako na siyang kinaatras niya. Natakot ata na baka paluin ko. Umupo ako para kunin yung tsinelas pero umatras lang ulit siya. Yung kahabulan niyang pusa kumaripas na ng takbo natakot yata.
Hinawakan ko yung tsinelas at hinila pero talagang ayaw niyang ibigay at nakipag hilaan pa sakin.
"Akin na ang tsinelas kong pusa ka. Naiinis na ako sayo, tignan mo may bakat na ng ngipin mo."
Ayaw niya pa ring ibigay kaya pinitik ko ang noo nito at mukhang nasaktan siya kaya nabitawan niya ang tsinelas ko.
"Ahhh! Tignan mo may hiwa na palitan mo yan." Sigaw ko at galit na binato ang tsinelas sa tabi niya.
"Meeeeooooww"
"Meeeeooooww"
"Meeeeooooww"
Umiiyak na sigaw ng pusa na mukhang nasaktan sa pagpitik ko sa noo at mukha ding nagulat dahil muntik na siyang tamaan ng tsinelas.
Galit ako kasi sinira niya ang paborito kong tsinelas. Inaalagaan ko ang lahat ng mga gamit ko, ayokong may nasisira sa mga ito.
Mukhang narinig ni Dramon ang pag iyak ng pusa niya kaya lumabas ito ng bahay. Lumapit naman siya sa pusa niya saka ito binuhat. Hinahaplos haplos ang ulo na mukhang pinapatahan saka ito tumingin sakin.
"What's going on?" tanong nito bago binalik ang tingin sa pusa niya na mukhang nagpapatulong. Napaismid naman ako.
Naiinis ako sa pusa sa hindi malamang dahilan at parang gusto ko itong awayin.
"Eh kasi naman yang pusang yan kinagat ang tsinelas ko tapos nung kukunin ko nakipag agawan pa kaya ayan, tignan mo nasira na ang tsinelas ko." naiinis na paliwanag ko
"Just because of that nakikipag away ka na sa pusa?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Anong just because of that? Mahalaga sakin lahat ng gamit ko kaya ayokong nasisira ang mga ito kaya naiinis ako sa kanya." Sabi ko saka matalim na tinignan si Kitty.
"She has no fault. She was just playi-----"
"Pinagtatanggol mo pa siya, ganun?"
Naiiling niya akong tinignan na parang dismayadong sa ganong kaliit na bagay ay nakikilagtalo ako. Nagulat pa yatang sinasagot sagot ko na siya ngayon. Pati ako'y hindi ko alam kung saan nagmumula ang tapang kong sagutin siya. At hindi ko nga rin alam kung bakit sa ganong kaliit na bagay ay nagagalit ako.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
