Chapter 7

2.9K 38 1
                                        

Rhian's POV

Pagkagising ko ay ginawa ko na ang daily routine ko. Pagkatapos magluto ay umakyat ako sa aming kwarto para maligo.

Napatitig pa ako sa kama dahil wala akong katabi ng magising ako. Inaasahan ko naman na iyon dahil kahit iisa lang ang kwarto namin ay madalang lang kaming magkatabi. Kadalasan pa ay kapag lasing ito.

Siguro ay natulog na naman siya sa opisina niya dito sa bahay.

Napatungo nalang ako saka naglakad patungo sa banyo para maligo. Magsisimba kami ngayon ni daddy as our bonding kasi nga ay hindi na ako nakakadalaw sa kanya nitong nagdaang araw.

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress saka ako bumaba para sana kumain.

"Where are you going?"

Halos mapalundag naman ako sa gulat ng marinig ko siyang magsalita sa likod ko.

"A-ahm magsisimba sana ako kasama si daddy." sabi ko ng makaharap ako sa kanya

Bagong paligo rin siya dahil basa ang buhok nito at may nakasampay na maliit na tuwalya sa balikat niya.

Tumango siya saka ako nilampasan at nauna ng bumaba ng hagdan.

Hindi ko naman mapigilang ngumiti dahil at least ngayon, nagtatanong na siya kung saan ako pupunta na hindi niya naman madalas gawin noon.

Bumaba na rin ako para kumain at nagulat pa ako na makita siya sa dining area at kumakain.

"Don't stare at me like that. Your cooking skill sucks." sabi nito pero patuloy pa rin naman siyang kumakain.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya dahil alam ko namang kahit papano, ang pagluluto ang pwede kong maipagmalaki.

Paupo palang sana ako ng bigla siyang tumayo at naglakad paalis ng hapag.

Nakayuko naman akong umupo at napatitig sa pinggang pinagkainan niya.

Malaki ang tiwala ko sa skill ko sa pagluluto pero ngayon, parang duda na ako.

Medyo marami pa ang natirang pagkain sa pinggan niya at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako masanay sanay na ganito talaga ang ugali niya.

Akala ko pa naman kakainin na niya lahat ng niluto ko pero sinong niloko ko. Sarili ko lang din.

Napatitig naman ako sa pinggan kong wala pang laman. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo na ako sa sinimulang magligpit.

"What the hell are you doing?" may diing sabi niya mula sa pinto ng dining area.

"I-ililigpit k-ko na sana ito?"

Nagsalubong naman ang kilay niya at matalim ang mga matang tinignan niya ako.

"Are you blind? Can't you see that I'm not yet done eating." galit na sabi niya sabay turo sa pinggan niya.

"A-akala k-ko k-kasi ayaw m-mo ng kumain." sabi ko saka ako napayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

Hindi naman siya umimik kaya napaangat ako ng tingin at nakita kong masama pa rin ang tingin niya at salubong  pa rin ang kilay.

"Nevermind" sabi nito saka naglakad paalis

Naguguluhan na ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para naman hindi na siya magalit.

Ilang sandali pang napatitig ako sa nililigpit ko bago ko ipinagpatuloy ang pagliligpit.

Umakyat na ako sa taas matapos magligpit. Naabutan ko naman siyang nagsusuot ng medyas. Nakapang opisina siya.

"May pasok ka pa rin ba ngayong linggo?"

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon