ERRORS AHEAD
-
-
Hindi ako makapaniwalang sa loob ng labing dalawang taon ay makakalabas ako sa aming Village. Ang pinaghalo-halong kaba, excitement ang siyang nararamdaman ko habang papalapit na kami sa bukana ng gubat na kung saan ito nagtatapos.Tahimik lang ako buong paglalakbay dahil bukod sa kaba at excitement ay may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Wala sa sariling napahawak ako saaking dibdib. Alam kong napapansin na ni Jolo ang mga kinikilos ko kanina pa, lagi akong wala sa sariling lumilingon-lingon sa kagubatan na para bang may hinahanap ako. May hinahanap akong presensya ngunit hindi ko alam kung kanino.
"Are you hungry, mi Lady?" I only shook my head to give him an answer.
The sun set is really beautiful but the view gives me a sad vibe. The memories is hitting me. I was a fragile little girl when I discovered my talent about dyeing some clothes from plants, but I already forget it all, because that was forbidden talent. We're not allowed to wear anything we wanted.
The memories screamed so painful but unforgettable one.
"Naghihintay saatin sa dulo nito sina Thalie at ang parents niya. Kung hindi ako nagkakamali, baka sampong minuto lang makakarating na tayo roon." I was supposed to nod but suddenly, he slid his fingers on mine.
My heart skipped when his warmth hand feels mine. I feel so comfortable.
Ilang minuto lang at natatanaw ko na ang tatlong taong naghihintay saamin. Gusto kong maiyak at magalit at the same time.
Isang malaking lagapak sa pisngi ni Thalie ang isinalubong ko sakaniya. What a stupid girl!
"Ang ganda naman ng salubong mo, mi Lady." Sarkastikong sabi niya kaya inirapan ko nalang.
Maya-maya lang ay niyakap ko siya ng mahigpit at sumubsob sa balikat niya habang umiiyak.
"Nakakainis ka! Ang tigas-tigas ng ulo mo!"
Hindi na siya sumagot sa halip ay isang mahigpit na yakap ang iginanti niya.
Ilang minuto lang ang nilakad namin at nakarating kami sa malaking bahay na hindi ko alam kung saan nila nakuha ang pambayad sa ganitong klaseng modernong bahay.
May malambot at komportableng upuan sa Sala at may isang malaking kahon na may salamin sa harap nito.
"Ang tawag diyan ay Television o TV. Diyan kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng panonood." Paliwanag ni Thalie kaya tumango ako.
Lumapit ako roon at hinaplos-haplos. Paano ba gumagana ito? Bakit sa tagal ko ng namumuhay sa mundong ito, hindi ko alam ang mga bagay na ito?
Itinapat ko ang tainga ko sa salamin at hinihintay gumana ito. Nakarinig naman ako ng sunod-sunod na tawanan ni Thalie at Jolo.
"Stop laughing! Jolo didn't know how to operate this, too!" Sigaw ko kaya napangiwi sila.
"Who's Jolo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Thalie.
Inilayo ko ang sarili sa TV at tumayo sa gitna ng dalawa.
"Jolo is a short version of John Lawrence. See how genius I am?" Mayabang na sabi ko at hindi naman nakaligtas sa gilid ng mata ko ang pag-face palm ni Jolo.
"You mean, How weird you are, mi Lady?" Nakangising tugon ni Thalie.
Arrghh! Kung hindi lang kita kaibigan matagal nakitang kinalbo!
"Look, who's talking." I rolled my eyes to make her more uncomfortable.
"Am I weird to—"
"Stop that Thalie, I think I like being called Jolo—but only Lady Jenny's allowed to call me that name."
Nginitian ko ng malawak si Thalie na para bang nanalo ako sa isang paligsahan.
Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Dahil siguro sa paninibago ko sa lugar na ito kaya ang ending mukha na akong Zombie kinabukasan dahil sa laki ng eyebags ko.
"You look—ahm nevermind. Bilisan mo diyan Jenny at ipapasyal kita rito. Tandaan mo, hindi kana especial sa lugar na ito. Hindi kana yung apo ng Elder na kilala ng lahat." Tumango lang ako at lutang na sinubo ang pagkain.
"Si Jolo rin naman apo rin ng Elder—" protesta ko na agad namang pinutol ni Thalie.
"Madalas nang magawi rito si Lawrence kaya kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya."
Halos tatlong linggo palang ang nakakalipas simula ng tumakas si Thalie sa Village pero alam na niya ang pasikot-sikot rito. Nakapag-adjust na rin siya ng gano'n kabilis kaya naka-adopt na siya ng iba't ibang gawain dito.
"Y-You look... stunning." Komento ni Jolo ng lumabas ako sa fitting room sa isa sa mga boutique rito sa mall. Niyaya kasi akong mamili ni Thalie kanina dahil nakakasawa raw sa mata ang purong puti na suot ko.
"O ang mata, baka lumuwa. Takpan rin ang bunganga baka pasukan ng langaw." Komento ni Thalie na naka-upo sa tabi ni Jolo.
Medyo nagtagal kami sa pamimili ng damit ko kaya ginutom kami. Pumasok kami sa isang Restaurant na kung titignan ay mukhang may kaya lang sa buhay ang dapat kumain rito.
Hinila ko ang laylayan ng damit ni Jolo. "Bakit nandito tayo? Baka wala tayong pambayad."
Nahihiya kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng resto.
"Don't worry. Maraming reserba ang mga ninuno natin kaya mababayaran natin kahit ilang order pa ang gustuhin mo." Naka-ngisi niyang hinablot ang kamay ko na nakahawak sa damit niya.
Pinaghila niya ako ng upuan na ikinataas ng kilay ko.
"I can be a gentleman just for you, mi Lady." Napaiwas ako ng tingin ng ngumiti siya.
Gosh! Mukha naman idiot 'to!
Pinag-order na nila ako kaya hindi ko na kailangan pang tumingin sa menu. Nang makaalis ang waiter ay agad ko silang hinarap.
"Saan galing ang mga pera niyo? Anong pinagsasabi nitong si Jolo na maraming pera ang mga ninuno natin?" Tanong ko.
"Ninuno niyo lang, hindi ako kasama." Maiksing sagot naman ni Thalie.
"For your information mi Lady, ang lahat ng ito ay naka-plano na. Matagal nang binabalak ng mga Elder na ilabas kana sa Village." Naguguluhan kong tiningnan si Jolo.
"B-bakit?" Tanong ko muli.
"For your protections. Hindi kana ligtas sa lugar na iyon at isa pa, kung hindi ka paaalisin sa Bayan baka madamay pa ang mga naninirahan roon. That village is for your safety. May basbas ang bayang iyon, dahil kung hindi ako nagkakamali ikaw ang target ng mga Halimaw."
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...