ERRORS AHEAD
-
-
It's been a month since I've met that guy named Pain, I don't even know his real name but whenever I'm in the library, I found myself searching for him.It's just a guilt, okay?
Hindi ko na ikinuwento kila Thalie ang mga nakita ko dahil baka pagtawanan na naman nila ako.
Tahimik akong naka-upo sa upuan ko at katatapos lang ng klase sa Filipino subject namin. Prente kaming naka-upo sa kaniya-kaniyang upuan habang ang teacher naman ay nagche-check ng notebook. Maulan ngayon at kokonti lang ang pumasok, sa tingin ko ay mga sampo lang kami. half day lang dapat kami ngayon pero dahil malakas ang ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat ay hindi pa kami makakauwi, gano'n rin siguro sa kabilang section at grade.
"Wait lang mga anak, nasaan pala ang pinaikot niyong attendance?" Tanong ni Mrs. Carreon kaya tumayo na ako at iniabot sakaniya ang papel.
Nang maibigay ko, agad na akong bumalik sa aking pwesto sa tabi ng bintana.
"Okay, bago magtapos ng tuluyan ang ating klase. Igu-grupo ko kayo para sa reporting next meeting. Pero bago iyon, bilangin niyo muna kung ilan kayo, let's count miss president." Tumango ako sa sinabi niya.
"One!" Sabi ko at sinundan naman ng mga classmates ko.
"Nine!"
"Ten!"
"Eleven.."
"Twelve.."
Nagtakha ako kung bakit medyo humina ang pagbibilang sa Eleven at Twelve kaya napalingon ako.
"So twelve kayong lahat." Binuksan niya 'yong attendance paper na binigay ko sakaniya. "Mga anak, sino pa ang hindi nag-attendance diyan? Sampo palang ang pangalang nandito."
At doon na nag-umpisa ang bulong-bulungan.
"Ma'am, lahat naman po kami ay nakapag-attendance na." Sabi ni Mia na nasa huling upuan.
"Ulitin nga ang pagbibilang anak." Napapakamot na ng ulo si ma'am mukhang naguguluhan na.
"One!" Ulit ko na sinundan naman nilang lahat. This time sinusundan na ng mata ko ang mga nagsasalita para hindi na muli maulit ang pagbibilang.
"Eleven.."
"Twelve.."
Ang pang-sampong estudyante sa room ay si Mia pero ang sumunod ay wala na.
"M-ma'am.. ang creepy." Halata ang takot sa boses ni Irish ng marinig ang dalawang boses.
Ngumiti lang si ma'am at naupo na ulit sakaniyang upuan.
"I'll send the groupings on the GC later." Halata sa mukha ng Ginang ang pamumutla at panginginig.
Ilang oras pa ang itinagal namin sa room at ang nangyari kanina ay tuluyan ng nawala dahil may kaniya-kaniya nang mundo ang bawat estudyante. May mga kaibigan ako pero hindi ako gaanong nakikipag-bond sakanila dahil hindi ko masabayan ang mga ginagawa nila.
Tahimik akong nakatingin sa bintana pinapanood ang pagbagsak ng ulan galing sa bubong ng room, nang unti-unti akong nakakaramdam ng panlalamig sa may paang bahagi ng aking kinauupuan.
Ang weird dahil doon lang ako nakakaramdam ng lamig, kaya bumaba ang tingin ko mula sa bintana papunta saaking paa, doon bumulaga saakin ang namumutlang kamay na nakahawak saaking dalawang paa. kumurap ako ng dalawang beses at ng nakumpirma ang nagyari ay doon na ako nakaramdam ng sobrang takot.
"Ahh!" Napasigaw ako habang nagtatatalon sa sobrang gulat. Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase at guro ko pero wala akong pakealam.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero dalawang beses akong kumurap at naroon parin sa paa ko ang kamay!
Tinuro ko ang upuan ko na ngayon ay bumagsak.
"M-ma'am Carreon..m-merong—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may itinuro si ma'am sa bandang likuran ng room na kung saan walang estudyante at bukas ang pintuan.
"M-mga anak.. kaninong kapatid 'yan? B-bakit niyo hinayaang maligo sa... ulan?" Sa tono ng boses ni Ma'am ay halatang nanghihingi siya ng kumpirmasyon na hindi totoo ang aming nakikita.
"Ma'am.. hindi nagpapa-pasok ang guard ng hindi guro at estudyante sa school." Kumpirma ni Joshua.
At dahil sa sinabi ni Joshua ay agad kaming nagtakbuhan sa gawi ni ma'am.
"Let's pray, hingin natin ang presensya ng Diyos." Deklara ni ma'am kaya sabay-sabay kaming yumuko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at iminulat ko ang aking mata at doon ko nakita ang kabuuan ng bata.
Nakasuot ito ng uniform sa dinadaanan naming kinder school. May putik ito sakaniyang paa hanggang sa tuhod habang basang-basa ang kabuuan niya. May tali ito sakaniyang leeg at gulo-gulo ang kaniyang buhok na may ribbon.
Ngumisi ang kaniyang maputlang labi saakin.
"Iuwi mo na ko, hindi ko alam kung saan ang bahay namin.." nanigas ako saaking kinatatayuan ng unti-unti siyang lumalapit saamin habang nakalahad ang maputla niyang kamay.
S-sakaniya ang mga kamay na humawak saakin kanina!
Para akong hihimatayin ng umikot siya sa aking pwesto at hinawakan ang laylayan ng palda ko.
"Uwi na tayo.." mahinang usal niya.
Mariin akong pumikit at pilit pinapakinggam ang prayer ni Ma'am Carreon.
"Iuwi mo na ko, Ate.." bulong niya saakin na para bang nage-eco ito saaking utak habang marahan siyang humahagikgik.
Tinakpan ko ang tainga ko, nagbabaka-sakaling hindi ko siya marinig.
"Ate, Iuwi mo na ko. Hindi ko alam kung saan ang bahay namin." Pag-uulit niya.
Kahit takot ay iminulat kong muli ang mata ko at bumungad ang malapit niyang mukha saakin.
"Tumigil kana!" Sigaw ko kasabay ng pagtatapos ng prayer ni Ma'am Carreon at pagkawala ng bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/302609980-288-k454951.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasiDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...