ERRORS AHEAD
-
-
Lalo akong nagpumiglas at naghuhumiyaw nang biglang sumabog ang wire at umatungal ng napakalakas si Pain.Tumalsik ang mga taong malapit sa nangyari kaya nagkagulo. Natutop ko ang aking bibig ng makitang tumalsik kasama ng mga tao ang mga tubo at turnilyo na nakakabit sakaniyang katawan.
Umalulong siya na tila siyang naging hudyat sa mga demonyo upang paigtingin ang depensa. Ang kaniyang mga matutulis na kuko ay kumikislap dahil sa dugo.
"Pain!" Nagpumiglas ako at nakawala sa bisig ni Jolo.
Pag naalis ang mga tubo at turnilyo sakaniyang katawan ay babalik ang walang awa at walang pusong demonyo na nakapaloob sakaniya!
Habang tumatakbo ako papunta sakaniya, nasaksihan ko kung paano niya pugutan ng ulo ang mga tao at kainin iyon. Nagwawala siya at inahampas-hampas niya sa lupa ang mga lumalapit sakaniya.
Naiiyak nalang ako sa nakikitang sitwasyon ngayon ni Pain.
"Pain!" Iyak na sigaw ko.
Pilit kong kinukuha ang atensyon niya ngunit patuloy parin siya sa paghampas sa lupa ang huling lumapit sakaniya.
"Pain! Parang awa mo na, lingunin mo ako..." Tuluyan na akong humagulgol habang paulit-ulit akong tinatawag nina Lola at Jolo.
Nanginginig kong niyakap ang kaniyang baywang mula sa likod. Ang kaniyang pakpak ay nalagasan na ng mga balahibo habang ang isa naman ay nagdurugo dahil sa pagkaputol.
Nang maramdaman niya ang aking yakap ay kusa na niyang binitawan ang kaawa-awang hunter na ngayon ay hindi na makilala dahil sa durog-durog na kaniyang katawan at mukha.
Hinawakan niya ang aking mga kamay na nakayakap sakaniya at humarap saakin. Dinala niya ang aking kanang kamay sakaniyang kaliwang pisnge.
"Amore.." magaspang na tawag niya saakin.
Ang kaniyang mga mata na napakadilim ay tila kumislap ng makita ako. Tumango ako sakaniya habang bumubuhos parin ang luha.
"Amore.." tawag niya muli saakin. Ngumiti ako sakaniya.
"Pain, umuwi na tayo.." Tumulo ang kaniyang itim na luha habang hawak ang aking kamay na nasa kaniyang pisnge.
"Uwi na tayo?" Tanong niya muli kaya tumango ako.
Pero akmang yayakapin ko siya nang makarinig ako ng mga mabibilis na hakbang patungo saakin.
At sa isang iglap, napaupo ako sa sahig habang ang katawan ni Jolo ay nasa sahig at naliligo sakaniyang sariling dugo.
Mabilis ang pangyayari at hindi ko man lang nakita na papalapit saamin si Jolo. Dinaluhan ko siya at ang kaniyang katawan ay ipinatong ko saaking mga hita.
"J-Jolo.." nanginginig kong hinaplos ang kaniyang duguang katawan.
"M-m-mi... l-lady.." lumabas ang dugo sakaniyang bibig habang marahang nakangiti saakin.
Nang makita ang lagay niya ay hindi ko na alam kung paano pa siya hahawakan, kaya hikbi nalang ang naitugon ko sakaniya.
"S-saan ang masakit? Teka dadalhin kita sa clin—" mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay na nasa kaniyang pisnge.
"I-I told.. y-you, I c-could die j-j-just.. to protect y-you." Nahihirapang saad niya.
Umiiling ako habang patuloy parin ang pagtulo ng luha.
"W-wag kanang magsalita." Humagulgol ako ng ilapat niya ang aking kamay sakaniyang mga labi.
"M-mahal na.. m-mahal k-kita—" hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang habulin na niya ang kaniyang hininga.
"Jolo!" Tinapik-tapik ko ang kaniyang pisnge.
"Lawrence!" Kasabay ng sigaw ni Thalie ay ang pag-atungal ni Pain.
Nawala ang atensyon ko kay Jolo nang makitang pina-ulanan ng mga palaso si Pain.
"Pain!" Sigaw ko.
Napaluhod si Pain ng tumama ang malaking palaso sakaniya dibdib na tumagos sakaniyang likod.
Gusto kong daluhan si Pain ngunit hindi ko maiwan si Jolo na naghihingalo na rin ngayon. Napahagulgol ako sa kalituhan kung sino ba ang pipiliin ko sakanila.
Sinong ang ililigtas ko?
"L-Lawrence.. no!" Inagaw saakin ni Thalie si Jolo na patuloy sa paghabol ng kaniyang hininga.
Hindi na ako nag-atubili pa na puntahan si Pain nang makita ang itim na likido na lumabas sakaniyang bibig. Ang kaniyang kamay ay naiwan sa ere na para bang inaabot ako.
Hindi ko na alam kung ano bang mararamdaman ko. Ang bigat, ang sakit, parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makitang unti-unti na siyang natutunaw at nagiging abo.
Ang kaniyang kamay na umaabot saakin ay nagiging abo na tinatangay ng hangin. Agad ko siyang dinaluhan at inalis ang mga palaso na nakatusok sakaniya, ngunit sa bawat pag-alis ko ng palaso ay tanging abo nalang ang lumalabas mula sa sugat.
"No, Pain. Please.. don't d-die.. uuwi pa tayo 'di ba?" Hindi ko na magawang hawakan siya dahil sa bawat haplos at pagdampi ng aking mga kamay ay nagiging abo ang anumang mahawakan ko sa katawan niya.
"A-a-amore—" hinawakan niya ang aking pisnge gamit ang isang kamay niya.
Mahina niya akong kinabig at lumapat ang kaniyang mga labi saakin. Sa paraan ng paghalik niya'y naiparamdam niya saakin ang iba't ibang emosyon. Pagkasabik, pangungulila, at labis na pagmamahal.
Kaya sa gitna ng aming halik ay pumatak ang aking mga luha. Pinutol niya ang halik at ang kaniyang mga kamay saaking pisnge ay unti-unti ng nagiging abo kaya humagulgol ako.
Habang minamasdan ang unti-unting pagkatunaw ng kaniyang katawan ay ramdam ko ang pagkadurog at paghinto ng tibok ng puso ko.
"Pain.. baby.. No." Sa huling pagkakataon, naglapat muli ang aming mga labi hanggang sa pagbukas ng mga mata ko ay tuluyan na siyang tinangay ng malamig na hangin.
I screamed in pain. Ang kaninang mga abala sa pakikipaglaban ay natigil dahil sa matinding sigaw ko.
Tuluyan na akong napaupo sa lupa dala ng panghihina. Labis na sakit. Ang paghinto ng aking puso ay nagbibigay ng matinding sakit.
"Jenny!" Sigaw sa kung saan.
Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Canah pero hindi ko siya pinansin.
"N-nasaan si Pain—" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makita ang iilang abo sa lupa. "No!" Iling niya.
Umalulong siya na para bang nais ipabatid sakaniyang mga kasamahan na wala na si Pain. Masiyadong mabilis ang pangyayari at namalayan ko nalang na lumilipad na papalayo ang mga demonyo.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...