Kabanata 25

111 6 0
                                    

WARNING: Ang kabanatang ito ay maselan at may tema ng karahasan. Kung isa ka sa mga sensitibo, maaaring i-skip nalang ang kabanatang ito. Salamat!

ERRORS AHEAD

-
-
Faking smile is easier than explaining why you're sad, right?

"Do you have feelings for him, don't you?" He said breaking the silence between us.

I pulled away to him and smiled bitterly. I nodded.

"He's not good for you, he's just hurting you. Why don't you try to look around and search for somebody who truly love you?" He said.

I stiffed. He carries my wet cheeks and wiped all my tears. Akmang ibubuka ko ang ang bibig ko upang magsalita nang may tumawag saakin.

"Jenny, mag-uumpisa na. Kanina pa kita hinahanap!" Ngumiti lang si Jansen kay Jolo at tuluyan na akong hinila.

Wala naman sigurong kahulugan ang mga sinabi ni Jolo 'di ba? Mali ako ng iniisip.

Buong practice ay hindi ko na nakita pa si Pain. Gusto ko siyang makita pero parang ayoko rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. lingon ako ng lingon kahit papauwi sa bahay, umaasang baka matagpuan ko siya ngunit ni anino ng Demonyo ay wala akong makita.

Napabuntong hininga ako at nagdiretso nalang nang tingin sa daraanan.

Ilang hakbang nalang ang layo ko mula sa bahay nang matanaw ko ang pigura ni Jolo na may kausap sa isang gilid.

Itataas ko sana ang kamay ko para kumaway ng ma-realize ko kung sino ang kausap niya.

"Pain.." mahinang tawag ko sakaniya pero hindi ko inaasahang lilingon siya saakin.

Malamig, at nakakapanlambot ang bawat tingin niya saakin. Ang dating mapang-asar na awra niya ay hindi na mababakas sa paraan ng pagtitig niya saakin.

The way he glanced at me is like a dagger to my chest.

Nakasandal siya sa isang poste habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Gulo-gulo rin ang buhok at may sira rin ang kaniyang polo na para bang kagagaling lang niya sa gulo. Ang bandages niya ay kitang-kita mula sa kinatatayuan ko.

Ilang minuto akong nakatayo roon at pinapanood sila hanggang sa tumayo na ng matuwid si Pain at pinagpagan ang balikat at naglakad papalayo.

Hindi man lang niya ako nilingon..

Abot tanaw ko siya hanggang sa tuluyan ko nang hindi makita ang pigura niya, tsaka ko lang na-realize na nakatanaw rin saakin si Jolo.

"I thought that the biggest curse in life is loosing someone you love, but I was wrong. It's not seeing love by someone you love." He whispered but enough to hear.

"Yeah. It's sucks right? Seeing him in love with someone else." Ngumiti ako ng tipid at nauna nang pumasok sakaniya.

Alam kong hindi pa nararamdaman ni Jolo ang nararamdaman ko dahil lahat naman yata ng nagugustuhan niya ay nagugustuhan siya. Hindi na ako magtataka kung naaawa siya saakin.

"What's up?"

Hindi ko pinansin si Thalie at nag-diretso na sa kwarto. Alam kong hindi pa kami okay ni Thalie, pinipilit lang niyang ayusin kung anumang napag-awayan namin. Well, okay lang naman saakin pero hindi pa ako handang makipag-usap ngayon. Wag muna ngayon, dahil punong-puno na ko. Masyado nang mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang dalhin ito.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon