ERRORS AHEAD
-
-
Prente akong nakaupo sa naka-assigned na table para sa mga sophomores habang iniinom ang juice ko. Kabadong-kabado na ako dahil gabi, at hindi ko mapipigilan ang aking sarili kung umatake ang halimaw sa loob ko.Hindi na dapat ako aattend sa paty na ito, ngunit mababawasan ako ng malaking points sa lahat ng subject ko at baka May possibility pa na ibagsak nila ako.
Titig na titig ako sa wall clock ng stadium habang namamawis ng malamig. Marami ng nag-alok saakin na mag-sayaw ngunit hindi ako pumayag, baka ipahiya ko lang sila at ang sarili ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa orasan ng may mahagip ang aking mata na isang pigura ng nilalang na hindi ko aakalaing makikita ko sa ganitong lugar. Kumurap ako ng dalawang beses ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa gitna ng maraming tao na parang may hinahanap.
Napatayo ako at akmang lalapitan siya, pero napaatras rin ng makitang may pumulupot na kamay sa braso niya, It's Canah. Sino pa bang aasahan kong babae na makakasama niya diba?
Pasalampak akong umupo sa upuan at pilit iniiwasan na huwag silang panoorin. Parang niyamukos ang puso ko sa tuwing mahahagip sila ng mga mata ko.
10:33 pm but still I'm in the party, enjoying the taste of Juice while playing my fingers on the top of table.
I saw him, lookin' brand new, he look so happy with his new—Lemme rephrase that—with his special someone. I caught him looking at me but when our gaze met, he didn't look twice.
I love him but this is over, my pen's run out of the ink. I'm ready to gain my senses and throw all the nonsense like this love shit.
Nagkakasiyahan ang lahat, iilan nalang ang nakikita kong nakaupo at hindi nagsasayaw sa gitna ng bulwagan but Here I am, smiling like an idiot while my soul shattered into pieces.
Nakakapagtaka lang dahil sa ganitong oras dapat ay naging Demonyo na ako, pero isang himala at hindi pa ako nilalamon ng pagkagutom at pagka-uhaw sa tao. Kapag naging halimaw na ulit ako, ang una kong kakainin ay 'yong si Canah!
Tumayo ako at naglakad paalis sa stadium. I can't breathe in this snugged and overcrowded room, Lalo na pareho kaming ng nilalanghap na hangin ni Pain. Hindi ko kaya.
Pigil ang emosyon ko hanggang sa marating ko ang oval ng school. Bilog na bilog ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Malamig ang hangin na humahaplos saaking balat.
Nang humampas sa mukha ko ang malamig na hangin ay tuluyan na akong bumigay. I swallowed my pride and kneeled down in front of the moon while the tears' overflowing in my eyes.
Nakakainis lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na may nangyayari na sakanila simula palang ng grade 12 kami.
How can I forget, while I'm cleaning up the messed in my mind and starting to figure something inside my chest. there he are, he's taking off her dressed!
Call me what you want. I know, it's too much time to suffer by his cuts and dealing with myself, but you can't blamed me.
I wanna hold him near, but he keep running away from me. All this time I stood at the four corners of my house drowning by my tears.
Ilang minuto kong pinagsawa ang mata sa kakaiyak nang maramdaman ko ang pamilyar na init saaking dibdib. Sumasakit ang aking ulo dahil sa paglabas ng dalawang sungay na nagtatago sa pagsapit ng umaga. Ang pantay-pantay kong ngipin ay nag-uumpisa nang manulis katulad ng matalim na kutsilyo.
Luminga-linga ako kung may tao ba ngunit tila nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang dalawang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan. Mababakas sakanilang mga mukha ang pagkagulat at takot sa nangyari.
Akmang tatalikuran ko na sila upang umalis sa unibersidad nang isang hampas sa ulo ang natamo ko. Buong lakas kong pinigilan ang sariling sunggaban ang dalawang lalaki ngunit mas namutawi ang pag-aasam na higupin at kainin ko ang mga laman nila.
"Halimaw k-k-ka!" Sigaw ng lalaking nangahas na humampas sa ulo ko.
"D-demonyo—" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang itusok ko ang mahaba kong kuko sakaniyang noo.
Bumagsak ito sa damuhan habang ang isa naman ay tigagal na umatras upang makalayo saakin. Ngunit gamit ang bilis at liksi ng aking katawan, nakuha ko siyang hiklatin at ipaharap saakin.
"A-ahh!" Sigaw niya na nagpangiti saakin.
"Hindi ko hahayaang makaligtas ang taong nakakita nang aking tunay na kaanyuan." Malamig at mariing usal ko.
Naglalangit-ngitan ang aking ngipin sa sobrang pagkaasam sa kanilang laman.
Umiling lang siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
"H-hindi. H-h-hindi ko s-sabihin kahit k-kanino, J-Jenny. P-please... don't k-kill me—"
Hindi ko na siya pinatapos sa halip ay ibinaon ko sakaniyang lalamunan ang aking dalawang daliri at hinila ang kung ano man ang mahawakan ko.
Bumulwak ang kaniyang dugo na siyang hinigop ko. Dinilaan at ninamnam ko ang kaniyang matamis na dugo kasabay ng pagsubo ko ng kaniyang laman-loob.
Sinimot ko ultimo-kaliit liitang bahagi ng kanilang malambot na parte ng kanilang katawan. Wala akong pinalampas.
Sa sobrang kabusugan, nahiga ako sa damuhan at minasdan ang kabilugan ng buwan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising sa ingay na narinig mula sa kung saan.
Pagdilat ng mga mata ko, iilang click ng camera ang nabungaran ko. Para akong nabuhasan ng nagyeyelong tubig ng matanto kung nasaan ako at kung anong sitwasyon ko ngayon.
Nanginginig ako at nangingilid ang luha habang umiiling sakanila. May itinatanong sila ngunit ni-isa ay wala akong maintindihan, tanging ang naririnig ko nalang ay ang hagulgol ko at ang malakas na pintig ng aking puso.
"Mi Lady!"
"Tan!"
"Jenny!"
Ilang tawag ang narinig ko ngunit ni isa sakanila ay wala akong nilingon. Hinaplos ko ang aking braso sa panlalamig.
"Stop it!" Boses ni Jolo ang namutawi sa Oval.
"What the hell are y'all doing, Humans!?" Dumagundong ang boses ng lalaking hindi ko inaasahang narito upang masaksihan ang kalagayan ko.
Naramdaman ko nalang na umangat ako sa kinauupuan habang nakayuko ang aking ulo.
"Amore, this is not your fault." Sa simpleng salita lamang ay tila nawala ang lahat ng takot saakin at napalitan ng malakas na pagtambol ng aking puso, hindi sa takot kundi sa saya at pagkamangha sakaniya.
Tumaas ang ulo ko at tiningnan ang lalaking nagmamay-ari ng boses.
"P-Pain.." yumakap ako sa leeg niya at roon umiyak sa pinaghalo-halong emosyon.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...