ERRORS AHEAD
-
-
Today is our Halloween Party pero heto ako ngayon bitbit ang isang backpack habang sinusuyod ang kagubatan kasama si Mia at ang kaniyang mga kaibigan.Hindi ko na-feel na out of place ako sa grupo nila dahil lagi akong sinasali o isinasama ni Mia sa kahit anumang usapan nila. Minsan naman kumakawit siya sa braso ko at kami ang magka-usap.
"They're just my friends but you're my best friend. I'm more comfortable with you than to be surrounded by temporary people." She said.
My brows furrowed out of confusion.
"Alam ko iniisip mo, masyado akong advance mag-isip. Not that I'm advance, I just think the possibility of being their companion, they'll leave me. That's all. Pina-plastic lang nila ako, mabuti sana 'yong mga pinagsasabihan nila ng tungkol saakin ay hindi rin sinasabi saakin. Kaso bina-backstab din nila." Kalmadong sabi niya na parang hindi big deal iyon para sakaniya.
I get it now, she's just enjoying their company because of fun. Alam niyang sinisiraan siya ng mga nakakasama niya pero nanatili parin siya. Martyr.
"So desperate huh?" I sarcastically stated.
"Not that, gusto ko lang ibalik sakanila ang mga pinaparamdam nila saakin. I'm giving them the benefit of being my one of my friends. The satisfaction on their faces." A wicked smile formed on her lips.
Hindi na ako nagsalita dahil alam ko naman ang gusto niyang palabasin. Ibinabalik lang niya ang ginagawa sakaniya ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa sinabi niya. Sino ba naman ang may gusto na pumasok sa ganiyang ka-toxic na friendship diba?
"Pagod na ba kayo?" Tanong ni Rukia nang lumingon siya saamin.
She's a bit higher than us. Siguro magkasing edad lang sila ni Sassa na siyang tahimik na kaibigan ni Mia.
Lima kaming magkakasama at katulad nga ng sinabi ni Mia, mga kaibigan niya ito. Nakilala ko sina Venussa o kilala bilang Sassa, si Dawn, at si Rukia. Sila ang kadalasan kong nakikita na kasama ni Mia sa school at sa labas ng school.
Kung titignan mo sila, parang salungat ang description ni Mia sa kanila. Si Sassa kasi ay sobrang tahimik, si Dawn naman ay sakto lang may pagka-weird nga lang minsan. Si Rukia naman kakaiba ang aura, para itong misteryoso na kahit sa pananalita ay maingat.
"I'm tired. Pahinga muna tayo, dapat pala hindi nalang ako sumama—" Reklamo ni Sassa.
"Wag ka ngang reklamador diyan, Sassa. Isa pa, mas enjoy ito kesa sa Party sa school." Pambabara ni Mia.
Hindi na nagsalita si Sassa dahil sa pagkapahiya.
"May malapit na bahay yata do'n, kita niyo?" Turo ni Rukia sa malayo.
"Oo nga, pwedi tayong magpalipas ng gabi roon at—" Ani Dawn na agad namang binara ni Mia.
"Hindi pwedi, Dawn. Hindi pa natin kilala ang mga nakatira roon at isa pa sino naman ang tanga na magpapatayo ng bahay sa ganitong kaliblib na lugar? Hindi naman mukhang bahay 'yan e, mas mukha pang haunted house." Walang habas na sabi ni Mia kaya natameme si Dawn at umiwas nalang ng tingin.
"I-isa pa, masama ang pakiramdam ko sa b-bahay na 'yan." Nahihiyang sabi ni Sassa.
Kumunot ang noo ko. Bakit gano'n tratuhin ni Mia ang mga kaibigan niya?
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...