ERRORS AHEAD
-
-
Halos araw-araw ay may nababalitang namamatay at itinatapon nalang ang katawan na wala nang laman loob at hindi makilala ang mukha, durog ang mga buto at hiwa-hiwalay ang iba't ibang parte ng katawan.Isang walang puso ang gumagawa niyon kung kaya ako ang sinusundan ng mga kaluluwa sa hindi malamang dahilan. Hindi lang isa, kundi marami na sila ngayong nakasunod saakin.
Wala naman silang ginagawa saakin kundi tumitig lang hanggang sa mailang at matakot ako sakanila. Hindi ko alam kung bakit ba ako ang sinusundan nila. Pero kadalasan, kapag nakikita ko si Pain o nakakasama, bigla nalang silang naglalaho na parang bula. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanila pero isa lang ang kumpirmado ako, dahil iyon kay Pain.
"Pain, saan ka nakatira?" Tanong ko.
"Gusto mong makita? Come with me." Seryosong sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
I don't know but whenever I saw his serious eyes, I felt so drowning. Jeez, what's wrong with me?
He ruffled my hair that makes me stiffed. His touch gives me butterflies in my stomach.
"You're really cute." He pinched my cheeks.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge ko pero tila natuod ako at hindi magawang gumawa ng hakbang para maka-iwas sa titig niya.
"You're blushing, amore." He stood up and leaned forward to my face. "People really fall in a simple gestures huh?" He smirked.
Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam, kahit kay Jolo noon, hindi ko naranasan ang ganitong pagtibok mg puso ko na parang gusto nang lumabas sa kinalalagyan nito.
Buong maghapon akong lutang sa practice ng graduation march dahil sa ginawa ni Pain. Alam ko, at sigurado ako sa paraan ng pagtibok ng puso ko ay may nararamdaman ako para sakaniya. Hindi lang basta paghanga, kakaiba. Hindi ko mapangalanan dahil ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko.
Handa na sana akong lumabas sa room para umuwi ng matanaw ko si Pain na naglalakad sa corridor, akmang itataas ko na ang kamay ko nang may biglang sumulpot sa tagiliran niya at pumulupot sa braso niya.
May ibinulong ang babae at kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano siya ngumiti at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ng babae sakaniya. Nakaramdam ako ng biglaang pagkirot ng dibdib ko. Bigla akong nakaramdam ng insekyuridad sa sarili.
Sabagay, they're perfectly fit to each other. She's fine woman and neat. Classmate niya yata ito noon, pero dahil repeater siya ay mas ahead na ito sakaniya.
Mahaba ang brown at kulot-kulot niyang buhok na nagdedepina sa maganda niyang pangangatawan na walang panama ang straight at itim na buhok ko na hanggang bewang, hindi rin ako mahubog katulad ng babaeng kasama niya. Ang balat niyang kumikinang sa pagka-morena ay nagbibigay ng insecurity saakin na mayroong maputlang balat. Ang kaniyang taas ay sakto lang kumpara saakin na pwedi ng isabit sa pintuan ng room sa sobrang taas.
Not that I'm taller to Pain, siguro ay hanggang baba niya ako. Mas perfect kasing tingnan kapag ang babae ay gaga-dibdib lang ng lalaki diba?
Bakit ko ba pinagkukumpara ang sarili ko sa mga babaeng nakakasama niya? Siya na rin naman ang may sabi na hindi siya nagjo-jowa, kumbaga fling lang niya 'yan.
Lumabas na ako ng room at lumiko sa ibang direksyon, mukhang hindi naman nila ako napansin dahil busy sila sa paglalandian.
Bakit ba ako biglang nawala sa mood? Nakakainis pero... bakit masakit?
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman. Ang bilis ng tibok nito ay nagbibigay ng patalim na tumutusok saakin, kaya ang malumanay na paglalakad ko ay naging lakad-takbo na hanggang sa namalayan ko nalang na tumatakbo na ako.
The pain is unbearable, my tears is completely falling, My vision were blurry. He's giving me the pain he've felt.
Mabigat ang bawat hakbang ko habang ninanamnam ang magaang dampi ng hangin saaking balat. May sumabay saakin na alam kong hindi na nabibilang sa mundong ito, pero kung normal na araw lang ito, malamang takot na takot na ako. Pero dahil sa bigat ng aking nararamdaman, hindi ko man lang magawang lingunin ang mga kaluluwang gusto akong takutin.
"Thank you for your presence, nac-comfort niyo ako." walang gana kong sinipa ang bato saaking dinadaanan.
Wala akong natanggap na sagot mula sakanila, sa halip nakaramdam lang ako ng malamig na hangin.
"Mabigat ang dibdib ko ngayon dahil sa nakita ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakaniya, pero nagagawa niya akong pasayahin at saktan sa mga simpleng bagay lang." Tumawa ako ng mahina na salungat sa patuloy na pagpatak ng luha ko.
Kung may tao man na makakakita saakin ngayon ay aakalaing nababaliw na ako.
"Ito ba 'yong tinatawag nilang Love? Pero kung pagmamahal ito, bakit kaya akong saktan ng pagmamahal na nararamdaman ko?"
Hindi ako dumiretso sa bahay, sa halip ay tumambay ako sa Park. Tahimik kong minamasdan ang mga bata na masayang naglalaro habang ang iba naman ay masayang nakikipag-tawanan sa Kaibigan, pamilya, at Kapareha.
What a peaceful sight, right?
Their laughter and smile, it's comforting. I took a deep sighed and gulp to put some moist in my throat.
They say, Opportunity knocks once, so grab it. But what if that opportunity isn't the opportunity you've been hoping for? But an opportunity that will make you insane rather than keeping you sane?
Love is opportunity to us, but this opportunity makes me insane. It gives me a lot of equations that I don't even know the answers. It's killing me. The way my heart crumpled when I saw Pain and that girl, I felt the searing pain in my chest.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasiaDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...