Kabanata 34

103 5 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Iniwan 'kong mag-isa si Pain sa kwarto dahil sa hiyang aking nararamdaman.

Bakit ba naroon ang dalawa sa likod ng pintuan? Anong pinakikinggan nila? Dumagdag pa ang mga sinabi ni Pain na mas nagpatindi sa hiyang aking naramdaman.

Ilang beses na akong huminga ng malalim para makalma ang sarili, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pamumula ng mukha ko.

Minasdan ko ang pagsayaw ng mga bulaklak, ang banayad na agos ng ilog at ang malamig na haplos ng hangin. Napaka-payapang tanawin.

Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa kakaibang naramdaman. Biruin mo nga naman, simula nang umalis ako sa village at sa ilang taon kong pamamalagi sa tinatawag nilang outside world, napakaraming nangyari saakin.

Life is a maze and love is a riddle. Life makes love look hard, from the challenges I'd encountered, the every decision I've made. The challenges and difficulties will make us tough, honestly.

Remember that smooth waters can't made us skillful sailor, that's why there's a maze that we need to analyze to find the final exit. Every people has their own riddles, we have to solve and solve to make our life happier and easier.

"Why are you alone?" A low baritone wake up my senses.

"Ahm, gusto ko lang pagmasdan ang—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang kabuuan ng lalaking bumati saakin.

Namulsa siya at sumandal sa pinto ng Tower. Med'yo malayo ako sakaniya dahil nilapitan ko ang mga bulaklak na nagsusumigaw sa kagandahan.

"I'm sorry about earlier, I just remembered someone on you. I'm Jelal, and you are?" He smiled at me to lighten up the mood.

"Jenny—" nahihiyang sagot ko.

"You're his mate, right? I'm sorry for cutting you but I'm just curious, paano mo napalambot ang puso niya?" He asked that makes me uncomfortable.

Paano nga ba? Hindi ko nga din alam eh. Basta ang alam ko lang marami siyang turnilyo at tubo sa katawan para makaramdam, 'yon ang sabi niya noong saakin. Noong una nga ay hindi ako naniniwala at inakala ko pang baliw siya. Basta hindi ko alam.

Akmang ibubuka ko na bibig ko nang may tumikhim saaming likuran.

"We're just talking some things—" paliwanag ni Jelal na agad namang pinutol ni Pain nang tingnan niya ito ng masama.

Umiiling-iling lang si Jelal at umalis.

"Flirting with my territory is strictly prohibited" he said emphasizing the two last words.

Napakunot ang noo ko. Did he just call me as his territory?

"Huh?"

He cleared his throat.

"Y-Yung ginagawa niyo ni Jelal ay bawal—"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nakaramdam ng pagka-inis.

"Pain, ma-walang galang na ha? Pero pakikipag-landian na pala ang pag-uusap sa tao." Inis na sagot ko.

"He's not a human." Bored niyang sabi na lalong nagpasiklab ng inis sa loob ko.

Umayos ako ng tayo at pinapagaan ang damit ko at taas noong sinalubong ang mga mata niya.

"Kung ganon, huwag mo na rin akong kausapin, dahil kapag kinaka-usap mo pala ako ay nilalandi mo na ako." Masungit kong sabi at nilampasan siya.

Hello! Alam kong matagal ko siyang hinintay at matagal ko itong pinangarap pero hindi naman tama na sabihin niyang pag-aari niya ako. Walang nagmamay-ari saakin kundi ako lang, ang sarili ko lamang. Hindi siya, hindi si Lola, at hindi ang kung sino man kundi ako lang!

Padabog kong sinara ang pinto ng isang kwartong pinasukan ko na hindi ko alam kung kanino ba kwarto ito. Gusto ko sanang umakyat sa tuktok ng tore kaso baka abutin ako ng ilang araw.

Hindi ko na inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto dahil sa inis na nararamdaman.

Isa pa, hindi porket na sinabi niyang ako ang mate niya ay magpapakampante na ako. Paano ako magpapakampante kung wala naman siyang sinabi na mahal niya ako o kahit umamin man lang na crush ako ay wala siyang nabanggit.

Baka nga sa huli, ako lang ang masaktan dahil umasa ako. Walang assurance kaya hindi parin ako dapat magpakampante baka talo na naman ako.

Isang katok ang nagpabalik saakin sa reyalidad.

"Hey, I'm sorry.." marahan niyang usal sa likod ng pinto.

"Flirting is STRICTLY.PROHIBITED" I said, mimicking what he said.

"What the.." rinig kong bulong niya.

He cleared his throat again to compose himself.

"If that's what you want... then I'm flirting with you."

A long silence filled the room.

Sa halip na mainis ako sa mga sinabi niya pero ang puso ko ay salungat sa kagustuhan ng aking utak. My heart raced uncontrollably.

Damn this demon!

"Amore, if you're doubting my feelings for you then let me tell you what's in my mind.."

Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang kaniyang buntong hininga saaking utak.

"Ngayon, binuksan ko na ang koneksyon nating dalawa. You can read what's on my mind whenever you want, amore. You can hear my heartbeat too."

Katulad ng sinabi niya ay naging matalas ang aking pandinig at pinakinggan ang mabilis na tibok ng puso niya.

"May puso pala ang mga demonyo?" Kuryosong tanong ko pero ang natanggap kong sagot ay mahinang pagtawa lang saaking isipan.

"The Demon's heart will beat when they found their mate. Hindi titibok ang puso ng mga demonyo hangga't hindi pa nila nahahanap ang kanilang mate. And my heart is racing just because of you, you made it move like a roller coaster."

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Gosh! Kinikilig ako.

"I was a heartless full blooded Demon before, but your voice pulls me to my senses like a wake-up call. That's why Trypa chose you as my mate. I love you amore. Kahit wala ang Trypa, palagi akong mahuhulog sa'yo dahil ikaw ang hininga ko."

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon