Kabanata 11

163 15 3
                                    

So ito gusto ko lang i-share lol. Sinulat ko 'tong kabanatang ito ng maga-alas tres na ng madaling araw. At dahil takot ako sa multo ngayon, isasama ko rin kayo. Dapat hindi lang ako ang takot, dapat kayo rin. Matakot tayong lahat Lol.

ERRORS AHEAD

-
-
Natahimik kami ng ilang minuto bago niya inilabas ang reserbang damit niya at inaya niya ako paalis.

Saktong nag-bell tanda ng pagtatapos ng klase sa araw na iyon kaya nakalabas kami sa gate. Bitbit niya ang bag niya samantalang dala ko rin ang saakin, dinaanan namin kanina sa classroom.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Gutom ako. Gusto ko ng cotton candy." Sagot niya at hinila ako palapit sakaniya.

Bumili siya ng anim na cotton candy, ang isa ay para saakin at ang lima ay para sakaniya. Umupo kami sa isang bench sa park at natutuwa ko siyang minasdan habang masayang kinakain ang cotton candy.

"Diba ang demonyo ay hindi kumakain ng pagkain ng mga tao?" Wala sa sariling tanong.

Huminto siya sa pag-nguya at ibinaling saakin ang atensyon.

"Kumakain ako ng fresh na laman. Pero hindi naman masama kung kakain din ako ng pagkain niyo, isa pa, masarap naman ang cotton candy."

I spend my time with him. He's eating his cotton candies while I stared at his face. Para siyang bata.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko na sa tuwing naiisip ko ang mukha niyang putok ang mga labi at kilay habang kumakain ng cotton candy ay natutuwa ako at nangingiti kahit na mag-isa lang ako o kahit anong ginagawa ko.

"Ngumingiti na siya ng mag-isa, kabahan kana Lawrence!" Pang-aasar ni Thalie.

"Shut up, Thalie!" Sigaw ko sakaniya.

"Eh ba't na kase ngumingiti ka mag-isa d'yan? Ano may nanliligaw na ba sa'yo?" Usisa niya pagkalapag ng snack sa coffee table.

"Wala! May naalala lang!" Busangot ko.

"Sus! Alam mo ang hina mo Lady Jenny. Sa ganda mong 'yan imposibleng walang nagkakagusto sa'yo." Sabi niya ulit at sumubo ng cookies.

"Marami ngang nagkakagusto pero todo bakod naman ang isa d'yan." Singit ni tito June na umupo na rin sa single sofa dito sa sala.

"Tito June!" Rinig naming sigaw ni Jolo galing sa kusina.

Nakitawa nalang ako sakanila. Alam ko naman na inaasar lang nila kami pero sa totoo lang, alam ko naman na hanggang kapatid lang ang turing saamin ni Jolo. Balita ko nga may nililigawan siya ngayon eh.

"Child abuse, Lawrence!" Pang-aasar muli ni Thalie.

Sabado ngayon at dahil sumakto din ang day off at walang pasok si Jolo ay napag-isipan namin na mag-movie marathon. Minsan hindi ko maiwasang mainggit kay Thalie dahil may mga magulang pa siyang umaalalay sakaniya, samantalang ako nakiki-hati lang sakaniya.

Umupo sa tabi ko si Jolo at umakbay siya saakin. I once liked Jolo, he's so caring and thoughtful. He always think what's good for us, he's been there since then. He's so protective to me, kaya nga minsan pinaghihinalaan kami ng iba na may relasyon.

But my feelings faded when I met his girlfriend, Leslie. She's almost perfect! Maganda, matalino, mabait, mahinhin. She's perfectly fitted to Jolo. Hindi ko nga alam kung bakit sila ng nagbreak.

"Nanonood ka ba, Thalie? Puro cellphone lang inaatupag mo." Puna ni tita Cherry kay Thalie.

"Baka ka-chat o ka-text ang jowa, Tita." Sabi ko at ngumisi kay Thalie na inirapan ako.

"May jowa ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jolo.

"Wow naman! Kung makatanong 'to. Mukha ba akong hindi kajowa-jowa, Lawrence?" Thalie's fired back.

"Anong mukha? Hindi ka talaga kajowa-jowa." Pang-aasar muli ni Jolo kaya binato siya ng unan ni Thalie.

"Kung ako hindi kajowa-jowa, ikaw hanggang friend ka lang!"

Sa halip na manood ay napuno ng tawanan ang sala ng dahil sa bangayan ng dalawa. Pagkatapos namin ng manood ay nagkumpulan naman kami sa terrace ng bahay, wala naman kaming ginawa kundi mag-kwentuhan tungkol sa school at trabaho nila tita, minsan nauuwi sa tawanan dahil nagbabarahan ang dalawa pero hindi ko maitatangging isa sa gabing ito ang paborito ko.

Nakangiti akong pumasok sa kwarto ko habang hihikab-hikab dahil sa kaantukan. Nahiga ako sa kama at handa na sanang matulog ng may nahagip ang mata ko sa may ceiling. Hindi ko alam kung reflections lang yon ng ilaw sa lamp pero tinitigan kong mabuti.

Nawala bigla ang antok ko ng kakaiba itong ngumisi saakin.

"You can't sleep without playing with me..." usal ng isang batang babae na nakasabit sa ceiling habang ang lubit ay nakapulupot sakaniya leeg.

Pumikit ako ng mariin at inisip na guni-guni ko lamang ito. Pero ano nga bang inaasahan ko? Simula ng sumampa ako sa ikalabing limang taon ay hindi ko na maiwasan makakit ng ganito.

"Help me.."

Napakapit ako ng mariin saaking kumot ng marinig ang kaniyang bulong. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may nakasabit sa kwarto mo na ganito? Isa pa alas tres na ng madaling araw!

"Help me.." bulong niya ulit na nagpakunot sa noo ko.

Nagtatakha ako sa tuwing nakakakita ako ng multo, lagi silang humihingi ng tulong saakin o nagpaparamdam na parang hindi sila matahimik? Katulad ng batang nakita namin nila Teacher Carreon noon, napag-alaman namin na hindi pa natatagpuan ang gumahasa sa batang iyon. Pangalawa, yung boses ng bata sa Cr, posible kayang naghahanap siya ng kasagutan kung bakit siya ipinalaglag ng kaniyang ina? Marami pa akong na-encounter pero halos lahat sakanila ay iisa lang nais ipahiwatig.

Marahan kong iminulat ang aking mata bumungad saakin ang batang nakasabit habang nakapan-tulog, maputla ito at malalim ang mga mata, wala ni isang galos ngunit nangingitim ang kaniyang leeg na pinagtalian ng lubid.

Huminga ako ng tatlong beses at niharap ang bata kahit may takot ako sa dibdib.

"A-anong kailangan mo?" Tanong ko.

Dahil sa tanong ko ay nag-iba ang reaction niya, para siyang maiiyak o magagalit dahil roon.

"Those bully killed me. I'll never ever forgive them."

Akmang magsasalita pa ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Mi lady? Sinong kausap mo?" Boses ni Jolo ang narinig ko sa likod ng pintuan.

Tumayo ako at pinagbuksan siya, bumungad saakin ang matamis niyang ngiti.

"Ah wala. Ano lang magme-memorized lang, may quiz kami sa lunes." Palusot ko.

Tumango lang siya at nagpaalam na rin na matutulog na rin daw siya. Nang sulyapan ko ulit ang ceiling ay wala ang batang babae.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon