Kabanata 45

84 6 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Ilang linggo akong hindi lumabas kwarto ko, kahit nang ilibing ang labi ni Jolo ay hindi ako pumunta dahil gusto kong manatili siyang buhay saaking isipan. Ayokong mabura ang mga ngiti at ang malumanay niyang mga mata saaking memorya.

Labis na pagkapagod, sakit, at paghihirap ang aking naramdaman simula ng mangyari ang paglusob ng mga demonyo. Ang aking puso'y nananatiling patay at tumigil sa pagtibok. Siguro nga, ito ang senyales na wala na ang aking kapareha. Wala na si Pain.

Halos wala na akong nagiging tulog at laging nilulunod ang aking sarili sa mga luha at sakit ng Kahapon. Hindi ko parin matanggap na sa kabila ng binigay saaking pagpipilian kung sino ang aking dadaluhan, sa huli'y wala parin akong nailigtas.

Namatay sa aking bisig ang pinakamalapit na kaibigan ko at ang lalaking pinakamamahal ko ay naging abo habang magkalapat ang aming mga labi.

Saan pa ba ako lulugar kung ang ibinigay na pagpipilian ay wala namang kasiguraduhan? Pareho kong naiwala ang dalawang pinaka-importanteng lalaki saaking buhay. Kahit wala naman akong pinili sakanila, pareho ko naman silang dinaluhan at pilit na iligtas pero bakit nawala parin sila saakin?

Siguro nga ay hindi tamang timbangin ang dalawang bagay dahil sa huli'y malilito ka lang kung sino ba dapat ang iyong pipiliin. Kapag pumili ka, may isang mababalewala't masasaktan. Pero kapag hindi ka pumili sa dalawa, pareho mo silang mawawala. Ang hirap, sobra.

Araw-araw at gabi-gabi akong kinakatok ni Lola, walang palya upang dalhan lang ako ng aking makakain. Ngunit ni isa sa mga araw na iyon ay hindi ko siya pinagbuksan, ni silip ay hindi ko siya pinaunlakan. At hindi pinalampas ni lola ang pagkakataon ngayon.

I heard a faint knocks on my door, but this time I wanna face her. I immediately wiped my tears off on my face.

"B-bukas po 'yan, Lola." I stated. I waited for her to go inside.

She handed me some meal. She even cooked so many foods for me even I don't think I could finish all of it.

Umupo siya sa kama ko at nilapag sa bedside table ang pagkain.

She let out a deep sighed.

"Why are you chaining yourself in this room?" She started.

Her forehead's creased and I avoided her gazed.

"Kanino ka ba nagluluksa? Sa pagkawala ni Lawrence o... sa pagiging abo ng isang demonyo?" Pumyok ang kaniyang boses nang banggitin niya ang mga huling salita.

My dead heart ached when I heard her sincere questions. I didn't answered her.

"I can't stand seeing you like this, Tan. Ikinukulong at sinasaktan mo ang sarili mo para sa nilalang na siyang... umubos sa p-pamilya natin." Her tears fell.

Mabilis ko siyang binalingan ng tingin, my dead heart crumpled like a paper. It hurts seeing her broken like this. I know that it will break her more if she sees me while she's hurting.

"Those demons killed your parents and your grandfather.. they took my happiness... and as my revenge, I'd took their happiness, too. Itinago kita para maranasan nila ang paghihirap ko ng pinatay nila mga magulang at lolo mo!"

Hindi man lang ako nakaramdam ng galit sa mga sinabi saakin ni Lola. Hindi ako naglabas ng kahit anong salita kahit noong nagpaalam na siya saakin na lalabas na saaking kwarto.

Normal lang naman makaramdam ng galit kaya naiintindihan ko si lola sa mga hinanakit niya sa mga demonyong kumitil saaking mga magulang at kay lolo. Ngunit mas nangingibabaw parin saakin ang pangungulila sa mga bisig ni Pain.

Why has done to be this way?

It was a bitter night just like this, The stereo was left on, playing a Christmas song and all of the villager was roaming around outside our house. Dito kasi napag-usapan na i-celebrate ang pasko saaming village.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot pagkatapos ng insidente. Maraming nasawi, maraming nagdusa dahil sa mga nasawi ng kanilang minamahal.

Paano nila nagagawang mag-celebrate sakabila ng kanilang pangungulila?

Because I can't. I'm still hurting.

Lumabas ako upang kumuha ng makakain. Simula nang mawala si Pain, hindi ko na magawang magpalit-anyo. Ang nararamdaman ko sa aking dibdib noon ay tila naglaho. Kasabay ng pagkawala ni Pain ay ang paglaho rin ng liwanag ng trypa.

I can't feel it inside my heart. Dahil wala na ang trypa, hindi na rin ako makapagpalit ng anyo katulad ng dati. Pero nagugutom parin ako sa karne ng mga tao at nauuhaw sa dugo nito. Lagi ko itong nararamdaman kaya minsan ay tumatakas ako para kuhanin ang karne na naka-stock sa ref at patagong kumakain ng sariwang karne.

Tumingin ako sa kahit saang sulok ng bahay upang hanapin si Lola, nabuhayan ako nang makitang ako lang mag-isa rito sa loob ng bahay. Lahat yata sila ay nasa labas upang i-celebrate ang Christmas.

I excitedly opened the fridge and took anything I want. Habang inaalis ko ang mga plastic na nakabalot sa karne ay masaya kong dinidilaan ang bawat pinag-suputan nito.

What a refreshing snacks.

Takam na takam kong nginuya ang sariwang karne at ninamnam iyon. Para akong hindi kumain ng ilang araw samantalang kakakain ko lang naman kanina.

Pero ang page-enjoy ko saaking kinakain ay tila nawala ng makarinig ng singhot sa may bukana ng pinto.

Naiwan sa ere ang aking kamay na duguan habang hawak ang isang piraso ng karne. Laglag ang pangang nilingon ko si Lola na ngayo'y hawak-hawak ang kaniyang dibdib habang umiiyak.

"L-lola.." tanging sambit ko sa pangalan niya.

Mabilis kinain ng kaniyang paa ang aming distansiya at dinamba niya ako ng mahigpit na yakap.

"Masiyado na pala akong nahuli... isa kana rin sakanila." Humagulgol siya habang yakap ako.

Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil sa pagkabigla at takot na lumukob saakin.

"Pero kahit ganiyan ka, hindi kita isusuko... ilalaban parin kita." Mariing sambit niya sa gitna ng paghikbi.

Alam kong nagulat siya sa mga nangyayari pero hindi ko akalain na sa kabila nang nalaman niyang isa ako sa mga nilalang na kinamumuhian at isinusumpa niya'y narito parin siya at handa akong ilaban.

"Ilalaban kita.. kahit makalaban ko ang ang mga hunter. Hindi ako papayag na pati ikaw ay mawala saakin."

Tuluyan nang napigtas ang pisi ng aking luha kaya tumulo na ito ng walang palya. Sa lahat ng taong binigo ako at iniwan, tanging si Lola lang ang tangi kong natatakbuhan. Kahit noong mga panahong bata pa ako, kahit masiyado siyang strikto, alam kong mahal niya ako at ngayon ay ilalaban niya ako. Lalaban siyang kasama ako.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon