Kabanata 43

90 5 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
"I'm sorry.." He said hanging his head low.

"Jolo, I'm so sorry. You'll find someone you really deserve." Hinawakan ko ang kamay niya habang sinasabi 'yon. Alam kong Masasaktan siya pero eto lang ang natatanging paraan para hindi na siya umasa pa.

"Pero para sa'kin ikaw ang deserve ko." I bit my bottom lip and tried to smile.

"Akala mo lang 'yon, Jolo. Alam mong sa umpisa pa lang ay hindi na ko ang nararapat saiyo—" Napayuko ako ng putulin niya ang sinasabi ko.

"Dahil ba sa age gap natin?" Umiling ako at muling inangat ang aking paningin at nagtama ang aming mga mata.

"Alam mong hindi 'yan ang nasa isip ko. Jolo, deserve mo 'yong paglalaanan ka ng effort na katulad ng ginagawa mo saakin, dahil hindi ko kayang ibigay saiyo iyon." I couldn't keep my head raised just because of his eyes is full of pain.

Bigla nalang nag-flashed sa utak ko ang mukha ni Thalie habang tinitingnan kaming nag-uusap ni Jolo.

"K-kahit konti ba Jenny, hindi mo 'ko nagawang mahalin? Ilang taon akong naghintay saiyo, itinakas kita dahil alam 'kong... may nagmamay-ari na saiyo. Gusto kitang maging malaya, pero sa huli ako pala ang ikukulong mo sa... kalungkutan." Pumyok ang kaniyang bose kaya na-angat ulit ako ng tingin at bumungad saakin ang kaniyang namumuong luha.

"I'm so sorry Jolo." Tanging naiusal ko nalang. "I love you, because you are my friend." Huminga siya ng malalim at tumango na tila naiintindihan ang nangyayari.

Tumalikod siya saakin at rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya.

"I understand, but that doesn't mean I let that demon win this time." Naglakad na siya papalayo at hindi man lang ako nilingon.

Sa dalawang araw kong pamamalagi sa village ay walang palya ang pagbibigay niya ng bulaklak at chocolate. Kaya nang dumalaw siya sa bahay, agad ko siyang kinompronta sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko kayang tignan siya na umaasa saakin kahit na wala naman siyang pag-asa. Hindi ko maatim na habang may umaasa saakin ay may taong nasasaktan at umaasa rin sakaniya.

Nanatili lang akong nasa bahay hanggang sa sumapit ang gabi. Akmang ipipikit ko na ang aking mga mata nang biglang bumukas ng pabalya ang pinto ko at iniluwa noon si Lola at ang isang lalaki. Napabangon ako sa sobrang gulat.

"Jenny! You need to hide" hinila ako ng lalaki na hindi ko man lang kilala.

Kumunot ang noo ko sa mga nangyayari.

"L-lola—"

"Kailangan mong magtago dahil nandito na sila!" I gritted my teeth while breathing fast.

Hindi na kailangan ng maraming paliwanag upang matukoy kung sino man ang tinutukoy ni Lola. Hindi siya ganito kumilos kung normal na pangyayari ang nagaganap.

Inilabas nila ako sa bahay at dinala sa pangatlong street ng village, ang kaliwang bahagi ng Village na kung tawagin ay Odós ergasiomanís o Kalye de workaholika.

Rinig mula rito ang sigawan ng mga tao at ang iba't ibang tunog katulad nalang ng mga baril at espada. Palakas ng palakas ang mga pagsabog at ang mga hiyawan at iyakan ng mga villager dahil sa mga nasasawi.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nasaksihan. My body's shaking uncontrollably and my lips is trembling. I'm having a stiff muscles and joints that's why I stop walking.

"Jenny!" Bulyaw saakin ni Lola pero hindi ko siya magawang tapunan ng tingin dahil sa malakas na pagsabog saaming likuran.

Wala akong sapin sa aking paa at tanging puting dress lang ang aking suot kaya ng umihip ang malamig na hanging-panggabi, nanginig ako.

Ang katahimikan ng gabi'y sinira ng matinding kaguluhan saaming bayan, dahil sumalakay ang mga demonyo upang kuhanin ako at ibalik sa kung saan ako nararapat.

Sa halip na pakinggan ko si Lola ay tumalikod ako sakanila at kumaripas ng takbo pabalik sa Odós párti o mas kilala sa Kalye de piesta na kung saan dito nakatirik ang mga bahay ng bawat pamilya na ngayo'y nanginginig sa takot.

Narinig ko pa ang ilang beses na sigaw niya saakin pero hindi ko na siya pinakinggan dahil nakatuon na ang aking pansin sa mga lalaking may sungay na nakatalikod saakin.

"Jelal! Acre!" Mukhang narinig naman nila ako kaya napaharap sila saakin.

Umatungal ng malakas si Jelal kaya nakuha niya ang lahat ng atensyon ng mga demonyo pati na rin ang mga tao.

Hindi pa ako nakakaabot sa kung nasaan sila Jelal ay may dalawang bisig na ang yumakap saakin at inangat ako mula sa ere.

"Amore..." usal niya sa tainga ko.

Nilingon ko siya at doon ko lang napansin ang kabuuan niya ngayon. Ang kaniyang mabalahibong kulay itim na pakpak ay nakalantad at nagsusumigaw ng awtoridad sa ibabaw ng hangin.

Ngayon ko lang nakita ang kaniyang mga pakpak, ni hindi ko nga alam na may pakpak pala ang mga demonyo. Rinig kong may umatungal na naman galing sa baba kaya sumagot naman si Pain sa mas paos at madignidad na atungal.

"We're going home, amore. Hindi kana nila maaagaw muli saakin." Malumanay na bulong niya saakin.

Kusang nanubig ang aking mga mata at mahigpit na hinawakan ang kaniyang braso na nakayakap saakin mula sa likod.

Kita ko mula sa itaas ang mga demonyong nakikipag-laban sa mga hunter at ngayon ko lang napansin na dumoble ang bilang ng mga demonyo at hindi lang sina Jelal, Acre ang nakikita ko kundi iba-ibang mukha.

Muli, umatungal si Pain kaya sabay-sabay na nagsilabasan ang mga gray na pakpak ng mga demonyong nasa baba.

"Jenny! 'Yong apo ko!" Rinig kong pagmamakaawa ni Lola sa mga tao habang naka-upo sa sahig.

Umangat na sa ere ang mga demonyo at handa nang umalis sa village habang bitbit ako. Akmang liliko na si Pain sa kabilang direksyon nang may nakatakas na palaso na dumaan saaking mukha.

"Pain!" Sigaw ni Canah.

Umatungal si Pain tanda ng sakit na natamo sa pagsalag ng palaso para saakin. Bumubulusok kami pababa at ramdam ko na ang mahigpit na yakap ni Pain saakin.

Ang kaniyang mga pako, turnilyo at tubo sa katawan ay nadidiin saaking katawan kaya napapapikit nalang ako sa sakit.

Paikot-ikot kami sa himpapawid at doon ko napansin na wala na ang isang pakpak ni Pain. Ang isang pakpak niya ay nakapatipot saakin upang protektahan. Kita ko naman na mabilis kaming sinusundan ng mga demonyo pero hindi parin sila nakaabot.

Bumagsak ako sa damuhan habang si Pain ay nasabit sa wire na may kuryente na inihanda ng mga hunter.

Mula sa nanghihina kong katawan ay nasilayan ko kung paano sumigaw sa sakit si Pain habang nangingisay sa kuryenteng dumidikit sakaniyang katawan.

"P-Pain.." Pinilit kong tumayo kahit duguan ang aking ulo at puro gasgas ang aking mga braso't binti.

Naramdaman ko ang braso ng isang lalaki na bumuhat saakin ngunit nagpumiglas ako.

"Mi lady—"

"Let me go, Jolo!" Umiiyak na sabi ko habang minamasdan kung paano lumalaban si Pain sa mga kuryente sakaniyang katawan.

May mga bakal at tubo sakaniyang katawan kaya madali lang siyang matusta!

Alam kong hindi siya pababayaan ng kaniyang mga kaibigan ngunit busy rin sila ngayon upang ipaglaban ang kanilang sarili.

Eto na naman ang pakiramdam na wala akong magawa kundi ang panoorin sila na naghihirap habang ako ay wala man lang magawa kundi ang tumulala sa mga nangyayari.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon