Kabanata 22

112 10 1
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Hila-hila ako ni Pain habang naglalakad sa stall ng mga street foods. Kailan pa naging adik sa street foods ang isang demonyo?

Siyempre ngayon lang, nang makilala ko si Pain.

"Do you want to taste Orange waffles?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong orange waffle ang pinagsasabi nito?

Huminto kami sa fishball stall at nakipagbiruan pa sa tindero ang Demonyong kumag na kasama ko.

"Girlfriend mo, Toy?" Tanong ni manong habang sinesenyas ako ako.

Tumawa si Pain habang naiiling-iling kay manong. Tumaas ang kilay ko ng biglang makaramdam ng inis. Mukha ba akong hindi ka-jowa jowa at kung makailing ang kumag na 'to ay wagas?

Gusto ko siyang batukan sa hindi malamang dahilan.

"I don't do girlfriend thingy, manong." Nahihiya siyang napakamot sa batok habang namumula ang tainga.

I don't do girlfriend thingy ka pang nalalaman ah. E baka naman puro fling lang ang inaatupag ng kumag na 'to!

At ano namang tingin niya saakin? Fling niya? Inaamin kong hindi ako gaanong kagandahan, pero ang ganda ko ay pang-fling!

"Neng, baka matunaw." Inis akong napabaling kay manong.

Did I stare him?

Alam ko naman na maraming nagkakagusto sa Demonyong kumag na 'to, inaamin ko rin na gwapong-gwapo ako sakaniya pero hindi ko siya type!

"Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, malamang patay na 'tong si Totoy." Humagalpak ng tawa si manong na sinabayan ni Pain.

Nakakainis!

"Manong, ten pieces of orange waffles and two cups of palamig po." Order niya habang tinuturo iyon.

"Anong orange waffles ka diyan, e kwek-kwek lang 'yan e. Arte nito!" Inirapan ko siya at akmang dudukot sa wallet ko ng pigilan mo ko.

"Wag mo naman akong insultuhin sa first date natin—"

"Anong first date ka diyan, date mo mukha mo." Kulang nalang mahilo ako kaka-irap sa buwiset na 'to.

Bagay nga sakaniya ang pagiging demonyo!

Nang makuha na ang order namin ay agad naman niya akong hinila sa malapit na bench malapit sa cotton candy stall.

"I want you to try one of my favorite street food. Pagkatapos mo diyan bibili tayo ng Soya bean curd." Napangiwi nalang ako.

Hindi pa ako tapos sa kinakain ko ng inaya na naman niya ako harap ng stall ng cottong candy na kung saan naroon si manong, prenteng naka-upo sa bench at nagpapahinga.

"Manong, Dalawang tag-twenty na Soya bean curd po—"

"Ang arte mo, taho lang 'yan. Pinaarte mo pa!" Gusto kong matawa sa reaction niya dahil mukhang gulat siya at namumula ang dalawang tainga.

"Shaho—what?" Hindi ko na napigilan at humagalpak na ako ng tawa dahil sa reaction niya. Kunot na kunot ang noo niya habang naguguluhan.

Talaga bang hindi niya alam?

Hawak-hawak ko na ang tiyan ko kakatawa pati na rin si Manong ay nakitawa na rin sa naging reaction ng Demonyong kumag na 'to.

"Wala bang gan'yan sa impyerno?" Biro ko kaya tumalikod siya saakin habang pulang pula ang kaniyang mukha.

"No. It's soya. Matagal na akong bumibili niyan at wala naman nagsabing mali ang tawag ko. So it's soya bean curd." Aniya.

Hanggang sa makuha na namin ang binili niya ay hindi ako matapos-tapos sa kakatawa dahil busangot parin siya hanggang ngayon.

"Stop laughing!" Usal niya tsaka nagkamot sa kaniyan ulo na naging dahilan ng pagkagulo no'n.

My lips left half opened just because he's so hot when he's in the messy hair! Parang nag-slow motion ang pagtingin ko sakaniya habang ginugulo ang kaniyang buhok sa sobrang inis.

Ngumisi siya.

"Stop staring, it will fall you hard and deep." Banat niya kaya napa-iwas nalang ako ng tingin.

He held my chin to lift up my face. Just because of the sudden action, my heart pulsating out of control! I couldn't even breathe properly.

Alas kwatro ng hapon ay papauwi na kami, sa buong biyahe namin ay tila nalunok ko ang aking dila dahil puro pagtango at iling ang nagagawa ko sa mga sinasabi niya.

Sino na naman ang hindi maiilang kapag nakaramdam ka ng kaba sa oras na hindi mo inaasahan diba?

Teka, nakit nga ba ako kinakabahan?

Napahawak akong bigla sa dibdib ko ng may kumirot mula sa loob noon.

"Are you okay?" Napatitig siya sa kamay ko na tila may hinahanap siya mula roon. "It's Trypa. Nag-uumpisa na siyang mag-glow pagsapit ng tamang panahon, and today is your 18th birthday."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya, pero parang pamilyar saakin ang Trypa parang narinig ko na 'yon sa kung saan.

Habang nasa loob ng jeep ay tila nagbabaho ang aura ng mga tao, parang iba ang atmosphere. Hindi ko alam kung ako lang na ang nakakaramdam nito pero nakakaramdam ako ng pagka-uhaw at pagkagutom sa hindi malamang dahilan.

Uminom ako saaking bottled water pero hindi niyon masapatan ang uhaw na nararamdaman ko. Nag-iinit na rin ang loob ko sa hindi malamang dahilan.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Pain saaking kaliwang kamay, ramdam ko ang malakas na pwersa na pumasok sa loob kaya ang nararamdaman kong init sa katawan ay naglaho na parang bula.

Malakas kong ibinuga ang mainit na hangin, tila nabunutan ako ng tinik. Nanatili ang kamay niya na nakahawak saakin kaya nakaramdam ako ng kapayapaan sa init na nanggagaling sa kaniya.

Pero ang kapayapaan na natamo sa kamay ni Pain ay nawala ng mabaling ako sa mismong pinto ng jeep. Ang babaeng nakita ko kanina sa tabi ng TV ay nakaupo sa dulo at ang nanlilisik niyang mga mata ay nakapukol saakin.

Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan habang nakikipag tagisan ng titig sa naturang babae. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ng pasugod siyang lumapit saakin. pero nang ipitik ni Pain ang kamay niya sa ere, tila isang usok nalang siya ng makalapit saakin.

Malamig siyang bumaling saakin.

"Come with me, and let's live together."

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon