ERRORS AHEAD
-
-
Pagkatapos orasyunan ni Mia ng kung ano-anong dasal si Michelle ay sa wakas umalis na rin ang matandang manghuhula na nasa loob ni Michelle na dating nakatira sa bahay na iyon.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng mga sinabi ng matanda saakin.
Bakit nila ako hahanapin kung pinayagan naman na ako ni Lola na umalis sa bayang iyon? Ang sinasabi ba niyang kukuha saakin ay ang mga tao sa bayan na pinanggalingan ko?
"Kanina ka pa tahimik diyan." Pagbasag ni Mia sa katahimikan.
"Iniisip ko lang ang mga sinabi ng bata saatin." Maiksing sabi ko, ayoko ng kalkalin pa at buksan ang usapan may kinalaman sa nakaraan ko.
"Ah 'yon ba? Minsan hindi totoo ang mga hula ng tao. Kaya nga hula e, kasi fifty fifty." Paliwanag niya at namewang sa harap ko.
"Alam mo, sa totoo lang, ang mga ginagawa kong pagpapaalis ng mga espiritu sa katawan ng tao ay tiyamba lang. hindi ko alam kung paano ko iyon nagagawa. Nag-umpisa iyong mga gano'n na pangyayari sa buhay ko noong Twelve years old ako." Pag-uumpisa niya sa kwento.
"Anong ibig mong sabihin? Na niloloko mo lang ang mga tao?" Nagtataka kong tanong.
"Sabihin na natin na gano'n. kasi ako 'yong taong lapitin ng tiyamba. Alam mo 'yon? Tiyamba-tiyamba lang kapag raket. Imposible naman na umalis sa katawan ng tao ang espirito sa pamamagitan ng orasyon ng isang batang katulad ko na wala pang sapat na kaalaman diba? Kaya ang matatawag ko sa gano'n tiyamba!"
Nang makasakay kami sa jeep hanggang sa pagbaba namin sa gate ng school ay nanatili parin kaming tahimik hanggang sa inabot niya saakin ang hati ko sa pagsama ko sakaniya.
"Pasensiya na medyo malaki ang akin, magbabayad pa kasi ako ng renta sa boarding ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi ka nakatira sa bahay niyo?" Tumango lang siya bilang sagot. "Bakit?"
"Anong bakit ka diyan, malamang aalis ako sa bahay namin dahil ako lang mag-isa. Multuhin pa ako ng mga espiritong pinaalis ko sa malaking bahay na 'yon eh."
Mag-aalas sinco na ng hapon kaya magpapaalam na sana ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko kaya nilingon ko siya.
"Happy birthday, Jenny." Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya saakin bago siya nagpaalam.
Ang gaan ng loob ko kapag kasama ko siya, hindi ko naiisip na ilayo ang sarili ko sakaniya. Siguro dahil pareho kami ng napagdaanan? Si Mia ay wala ng mga magulang, ang mommy niya ay namatay sa panganganak sakaniya habang ang Daddy niya ay nag-suicide dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ng asawa niya. Tanging ang lola nalang niya ang nagpalaki sakaniya, tapos noong Grade 9 kami ay namatay na ito. 'Yon ang sabi ng mga tao.
Pero sa pagkakaalam ko at ayon na rin sa mga nalaman ko sakaniya ay namatay ang mga magulang niya dahil sa aksidente, base sa nalalaman ko may sumira daw ng preno ng sasakyan ng mga magulang niya kaya nag-crash ito at tuluyan na ngang kinuha ang buhay nila.
Habang naglalakad ako pauwi nang mamataan ko ang isang lalaki na nakaupo malapit sa bahay namin na kumakain ng cotton candy.
Enjoy na enjoy ni Pain ang pagnguya niya sa cotton candy pero bakit kunot na kunot ang noo?
Nilapitan ko siya.
"Hoy, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nakapamewang.
Tumaas ang tingin niya saakin at ang ekspresyon niya kanina ay tila nagbago. Ang mukha niyang naka-busangot at kunot na kunot na noo ay tila umaliwalas.
Ngumisi siya kasabay ng pagkislap ng kaniyang hikaw.
"E ikaw bakit nandito ka rin?" Tanong niya pabalik.
Umirap ako at bumuga ng malalim na buntong hininga.
"Malamang dito ang bahay namin—"
"Weh? Talaga? Saan bahay niyo?" Lumingon-lingon siya na parang idiot na para bang mat hinahanap.
"Doon oh!" Turo ko naman. "Eh ikaw, bakit ka ba nandito ha?"
"Wala lang, naghahanap lang ako ng magandang pwesto para kainin ang cotton candy ko." Kibit balikat niyang sabi.
Kailangan ba talagang maghanap ng magandang pwesto para sa pagkain ng cotton candy? O siya lang ang gumagawa no'n?
Akmang magsasalita pa ako ng tumayo siya at isinubo saakin ang kapiraso ng cotton candy. doon ko lang napansin na nakatanggal ang long sleeve niya at ang nagsisilbing pantakip sa mga tornilyo sa kaniyang braso ay ang mga bendang kulay puti na nakapatipot mula sa braso hanggang kamay niya.
"Masyado mo ng kina-career ang pangalan mo at ginagawa mo ng hobby ang pananakit sa sarili mo. Para kana tuloy suman." Pagbibiro ko.
Ngumiti ako ng malawak pero ang tanging natanggap ko sakaniya ay isang marahang haplos saaking pisnge at tipid na ngiti.
"Feel the pain, think about pain and accept the pain. It's my way to understand the pain on my surroundings." He said softly.
My heart raced and I think I could pass out here in front of him. I couldn't even breathe properly!
"Too many countries, too many people that I've encountered in a different situations but still, I had the privilege of meeting you." He added while staring directly to my eyes like he's reading my soul.
My heart convulsing out of control and my mind couldn't function.
"Lady Jenny!" Isang malakas na sigaw ang nagpalayo saaming dalawa.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at bumungad saakin ang kunot na kunot na noo ni Jolo.
"Let's go, they're waiting for you." Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon at tsaka niya matalim na tiningnan si Pain.
I don't why but I feel the tension atmosphere between them.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasiDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...