ERRORS AHEAD
-
-
Jolo is kinda weird after he met Pain, he told me that I should avoid Pain because I do not know him well. He's too cold to me. I could even see his expressionless face when he look at me.Stared blankly to the black roses on my vase. Ang weird lang kasi sa tuwing sasapit ang Birthday ko ay nakakatanggap ako ng itim na roses. Inabot saakin ito ni Jolo pagkapasok namin sa bahay noong Birthday ko.
"Wag kang mag-alala do'n nagtatampo lang sa'yo 'yon kasi sinundo ka niya noon sa school pero wala ka, tapos naabutan ka pa niyang may kausap ka pang lalaki. Ayon nagselos ang tanga." Hindi nakatakas saakin ang pagliit ng boses niya sa mga huling salita.
"A-ano kasi... baka no'ng pumunta siya ay wala pa kami no'n ni Mia, s-sinamahan ko kasi siya umuwi sandali." Pagsisinungaling ko.
Hindi na nagsalita si Thalie pero ang mga mata niya nag-aakusa. Sa halip na makipag talo pa kay Thalie ay agad ko ng kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng pinto.
"Pahalagahan mo si Lawrence, matagal ng naghihintay sa'yo 'yon." Huling rinig kong sabi niya bago ako lumabas ng pinto.
Pagdating ko sa school ay may kaniya-kaniyang gawain ang mga kaklase ko. May nagsusugal, kumakanta na akala mo singer, may nagtitirintasan ng buhok, may tahimik na parang may sariling mundo katulad ko, nagchi-chismisan, may nagbabasa at marami pang iba.
"Basta sa haunted room tayo bukas ah, pupunta dito jowa ko." Rinig kong sabi ni Xandra na kanina pa hindi matapos-tapos sa kaka-kwento tungkol sa jowa niya.
Marahan akong yumuko at sinubsob ang aking ulo upang makatulog. Saktong makukuha ko na sana ang tulog ko ng bigla silang natahimik lahat.
"Grade 10 silver, anong ginagawa niyo? Bakit hindi man lang kayo tumutulong sa booth niyo?" Agaran akong umupo ng matuwid ng marinig ang boses ni ma'am Cubar, isa sa mga striktong teacher sa grade 10.
Akmang magsisitayuan na kaming lahat ng umalingawngaw ang matinis niyang boses.
"What do you think you're doing, students? Kung kailan tapos na sila sa booth niyo tsaka kayo magsisipunta? Go to the Grade 10 comfort room! Siguraduhin niyong malinis at mabango ang bawat cubicle ha? At kapag may tumakas sa inyo, bagsak kayo sa subject ko. Miss President, kapag may tumakas ilista mo at kaming dalawa ang magtutuos!" Pabagsak niyang isinara ang pinto habang namutawi naman sa apat na sulok ng kwarto ang bulong-bulungan.
"Ang baho do'n! Wala pa naman akong extrang shirt pampalit." Maktol ni Joyce.
Papunta kami sa Cr ng Grade 10 at ilang distansya pa lang ang layo namin mula roon ngunit umaalingasaw na ang baho.
I wanna puke!
In-assign kami ng President sa kaniya-kaniyang gawain at kaming dalawa ni Xandra ang na-assign sa mga basahan at map.
Kuskus dito, kuskus do'n, siguro umabot kami ng tatlong oras para lang sa dalawang comfort room. hindi kasi pinaghiwalay ni President ang babae't lalaki dahil kapag nagsama-sama ang mga lalaki ay wala itong matatapos.
Ibinabalik na namin ni Xandra ang mga basahan at map sa stock room sa may bandang likod ng Cr na kung saan medyo malayo.
"Ang baho ko na 'di ba?" Tanong saakin ni Xandra kaya nilingon ko siya.
"Hindi naman, ayos lang. maganda ka parin." Tipid akong ngumiti ng pabiro siyang umirap saakin.
Hindi naman ako loner, nakikipag-usap naman ako sakanila minsan pero hindi gano'n kalapit.
Nang maibalik na namin ang mga basahan at map ay doon ko lang napansin na nakalag ang sintas ng sapatos ko kaya huminto ako sandali at yumuko.
"Mauna na ako, Jenny. Nagugutom na ko e." Paalam niya kaya tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagsisintas.
Hindi pa nag-iisang minuto ng umalis si Xandra ay bumukas ulit ang pinto at may pumasok, nasa pangalawang sapatos na ako kaya nanatili parin akong nakayuko.
"Akala ko mauuna kana?" Tanong ko sa pag-aakalang si Xandra ang pumasok, dumetso siya sa may bandang dulo ng stock room.
Wala akong natanggap na sagot mula sa sakaniya, tsaka ko lang narealize na ang tangkad naman yata ni Xandra? Maliit at med'yo chubby si Xandra kumpara saakin na payat at matangkad. At isa pa, hindi naka-uniform si Xandra ngayon.
Mabilis akong tumayo para tingnan kung sino ba ang pumasok. Kahit saang sulok ako tumingin sa stock room ay wala akong makitang bakas ng kung sino man na pumasok bukod saamin. Med'yo malawak ang stock room na kung saan ay may mga iilang sirang armchair na nakalagay rito, maliwanag din ang silid at tahimik.
Nagsimula na akong mag-panic dahil baka isa na namang kaluluwa iyon na gustong magpakita saakin.
Tumalikod ako at iniyuko ang aking ulo para hindi na makita kung sino man na espirito ang gustong magparamdam saakin, masyado na 'kong pagod sa araw na ito para maka-encounter pa ako ng mga negatibong enerhiya. ngunit hindi pa naman ako nakaka-tatlong hakbang ng may mabunggo ako.
"S-sorry." Nanginginig na sabi ko.
Tsaka lang naproseso ng utak ko ang taong nakatayo sa harap ko ngayon. Unti-unting umangat ang ulo ko sa kuryosidad.
Habol-habol ko ang aking hininga habang nilulukob ng takot sa sistema ko.
"Ahh!" Napasigaw ako sa sobrang takot. ang nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang babaeng naka-uniform na nakita ko kanina habang wala ang kaniyang ulo sa dapat paglagyan nito kundi nakaipit sa kaniyang kanang braso habang nakangisi ang bibig nito saakin.
"Ahh!" Mas lalong lumakas ang sigaw ko ng unti-unti siyang lumapit saakin habang ako naman ay umaatras.
"Akin ang katawan mo.." usal ng ulo habang may bumubulwak na dugo galing sakaniyang bibig.
Tumulo na ang luha ko na kanina pa nagbabadya. Sobrang takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, ito ang pinaka-worst na multo na na-encounter ko!
"Saakin na ang katawan mo!" Sigaw niya at bigla tumawa.
Akmang aabutin na niya ako nang biglang tumalsik sa pader ang pintuan sakaniyang likuran at ang kaluluwang nasa harapan ko ay biglaang nawala saaking harapan at natagpuan ko nalang na hawak na siya ni Pain.
"Welcome to hell." Nagsitayuan ang mga balihibo ko sa katawan ng banggitin niya iyon. At sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang takot at excitement sa nakikita ko ngayon.
Hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil mismong mga mata ko ang nakasaksi sa pagbabago ng mga mata niya. Mula sa normal na kulay ay napalitan ng kulay itim.
"Run, poor spirit before I throw you to land of fire."
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...