ERRORS AHEAD
-
-
"Sige puruhan niyo ng magtanda ang mayabang na 'yan!"Gusto kong matawa sa mga tangang bumubugbog saakin. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko kung bakit kapag nakikita nila ako ay mayabang o maangas ang tawag nila saakin?
Pinaulanan nila ako ng suntok ngunit ni-hindi man lang ako nasasaktan.
"Ano? Nasa'n angas mo ngayon? Transferee ka lang dito kung makaasta ka akala mo kung sinong matapang, wala naman binatbat!" Tawanan ang namutawi sa lugar na iyon.
Ngumisi ako. Mas masakit pa ang pagsikip ng puso ko ngayon kaysa sa mga suntok ng mga gunggong na 'to.
"Hurt me more, gusto ko 'yung lumalabas ang dugo para mas dama ko. Mga mahihina." Ngumisi ako para lalo silang mainis.
"Nakakatawa ka pa talaga ah, eto sa'yo!" Naiwan sa ere ang kamao ng pangit na lalaki ng sumigaw ang pamilyar na boses.
Kaya pala sumisikip ang aking puso ay dahil iyon ay nasa paligid lamang siya.
"Stop!"
Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya ng makita ako.
"I'll call the SSG and—"
"Isa na namang pakialamera na inglesera." Nagpanting ang aking pandinig ng marinig iyon.
"Bago ka pa makapagsumbong, uunahin kana namin." Isinenyas niya si Tan kaya binitawan nila ako pero iyon rin ang naging dahilan upang sugurin ko sila.
"Not that girl." Usal ko.
Bago pa man sila makaabot kay Tan malakas kong hinila ang kanilang kwelyo at malakas na binalibag sa pader ng abandonadong classroom.
Hindi na nakatayo pa ang dalawa kaya napabaling ako sa lalaking sumuntok saakin kanina.
"S-subukan m-mong lumapit tatawag ako ng SSG.." takot na sabi niya saakin.
"Isang suntok lang, para sa pagbabanta mo sa aking pag-aari." Malamig na tinig na banta ko, napangisi ako ng makita ang takot sakaniyang mga mata ng tingnan ko siya gamit ang aking itim na mga mata kaya lalo siyang natakot saakin.
Kumurap siya ng dalawang beses kaya ibinalik ko ang normal na kulay ng aking mga mata.
Inangat ko ang kamao ko at akmang dudurugin ang panga ng lalaki nang pinigilan ako ng aso.
Isang aso na laging nakabuntot kay Jenny Tan.
Hinawakan niya ako sa braso na kung saan naroon ang mga turnilyo at pako.
"Should I call the guards to chain yo—ouch!" Malamig ko lang siyang pinasadahan ng tingin.
Dinala ni Lawrence sa office ang mga mahihinang nilalang at kaming dalawa nalang ni Tan ang natira kaya nagwawala na naman ang puso ko sa sobrang kaba.
Pinipilit niya akong pumunta sa clinic ngunit anong gagawin ko roon? Anong magiging reaksyon ng mga nurse kung makita nila ang mga nakalagay sa katawan ko? Baka matakot lang sila.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...