ERRORS AHEAD
-
-
Isang bulungan ang gumising saakin ng umagang iyon, bulungan na parang nagtatalo."Hawakan mo nalang, baka magulat siya at tumaob ang cake!" Bulong ng isa.
"Ang bobo naman Lawrence, ang layo ng lamesa sa higaan. Ang OA mo lang."
"Bahala ka nga diyan, ikaw bumili kung matapon 'yan. Isama mo na rin ang paglilinis."
Buong akala ko ay nananaginip lang ako sa bulungang aking naririnig pero nagkamali ako ng isang kalampag galing sa isang bagay ang umalog sa sistema ko.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOOOUU!" Parang masisira ang eardrums ko sa lakas ng Boses ni Thalie habang kinakalampag ang takip ng kaldero, iyon pala ang maingay.
"Thalie!" Sigaw ko sa pagkagulat.
"Oh my! Happy 16th birthday, Mi lady!" Sumampa siya sa kama ko at tumalon-talon na parang idiot. "Gising na, isang magandang simula para sa araw na ito!"
Gusto kong ihampas sa ulo niya ang takip ng kaldero na kaniyang hawak.
"Paano gaganda ang araw ko kung sinira niyo na!?" Inis na sigaw ko pero sa halip na huminto siya ay mas lalo pa siyang tumalon ng mataas sa kama ko habang humahalakhak.
"Hoy Thalie, bumaba kana diyan at sinisira mo araw ni Lady Jenny." Pagbabawal ni Jolo.
Huminto siya at masamang tumingin kay Jolo.
"Sa mukha kong 'to masisira ang araw niya? P're ang ganda ko, baka sa mukha mo." Umirap siya kay Jolo at bumaba na sa wakas sa kama ko.
"Happy 16th Birthday, Mi Lady." Nakangiting nilahad ni Thalie ang cake sa harap ko na may nakasinding kandila.
"Wish before blowing the candle." Ngumiti si Jolo saakin.
"Lawrence, alam mo, talo mo pa ang cake sa tamis ng ngiti mo. Ang creepy e." Pambabara ni Thalie.
Hindi ko na hinayaan pang magtalo pa sila at pumikit na ako. Wala naman akong hiniling, dahil kontento naman na ako kung anong meron saakin ngayon. Kung may darating man, thankful ako. Hindi gano'n kagaan ang loob ko ngayon dahil sa nakaraan, at hindi rin naman gano'n kabigat. kahit sa murang edad ay nakaramdam ako ng pagkabilanggo sa tarangkahan, may mga alaala parin ako na masasabing naging masaya ako sa bilangguang iyon. At iyon ang Lola ko at ang mga kaibigan ko na nasa tabi ko ngayon.
Pagkatapos kong ihipan ang kandila ay lumabas muna sila para makapag-handa ako. Naligo ako at nagsuot ng simpleng Black high waisted jeans, blue semi-Croptop and White sneakers.
Pagbaba ko dala ko na ang maliit na backpack saaking likod dahil wala naman kaming klase ngayon at isasama ako ni mia sa raket niya kaya dapat hindi gaanong mabigat ang dala ko.
"Sa'n punta?" Agad na bungad saakin ni Jolo sa hapag.
"Makatanong naman. Jowa ka?" Pambabara ni Thalie pero hindi naman siya pinansin ni Jolo.
"Ah sa school. Tutulong sa preparation sa booth ng grade 10." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko pweding sabihin sakanila na sasama ako kay Mia para maghanap ng pera, gusto kong maranasang pagpaguran ang perang gagamitin ko.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...