Wakas (Last Part)

203 14 3
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Sa dalawang taon kong wala sa tabi niya'y ang aking nasasakupan ang aking inintindi. Si Jelal na hindi makontrol dahil iniwan siya ng kaniyang mate. Si Acre na halos isumpa siya ng kaniyang mate, si Trae na halos patayin si Rukia dahil sa pangingialam nito sakaniyang mate at ang panghuli'y ang isyu ng magkapatid sa trypa na nasauli kay Ryzen.

Hindi ko na alam kung paano pa lulutasin ang lahat dahil ako at si Canah nalang ang natitirang matino at nakakapag-isip ng tama. Dumagdag pa ang pagkalap ng mga impormasyon ng mga bounty hunter may kinalaman kung saan matatagpuan ang Kólasi underworld.

Pilit kong pinapalinis kay Canah ang mga bakas na maaring maging sanhi ng pagtugis kay Jenny Tan. Mula sa malayo'y minamasdan ko siya na naghihirap dahil sa negatibong epekto ng trypa. Gusto ko siyang damayan ngunit paano? Mas lalong magiging delikado kapag ngayon ako nagpakita!

Halos araw-araw ay laman ng balita ang pagpaslang ng isang nilalang na kumakain ng tao. Alam ko, siya iyon dahil sa muling pagkikita namin, tumambad siya na nakahiga sa oval ng school habang napapalibutan ng mga tao at ang pag-flash ng mga camera.

Gusto ko siyang itakbo ngunit kapag ginawa ko iyon, sigurado akong makakaagaw kami ng maraming atensyon at maghihinala ang mga hunter na si Jenny Tan ay isa nang converted demon.

Ilang beses kong sinubukang makabalik sa buhay niya ngunit laging humaharang ang takot at pangamba saakin. Pinaghahanap na ngayon ng mga tao sa Ierí póli village sina Lawrence dahil sa mali niyang pag-aakala. At isa pa, kumikilos na rin ang mga hunter upang hanapin ang nilalang na mag-uugnay sakanila sa Kólasi underworld, Si Jenny Tan.

Kaya ng makita ko siyang tumatakbo ay agad ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.

"Amore... you have to come with me. They're searching for you and use you to beat us. Your statement will lead them to the victory, no. I can't lose you." I whispered.

I can risk my own life to save her. Hindi ko kaya na habang ako ay prenteng nanonood sakaniya tapos siya'y tinutugis ng mga hunter.

Simula noon ay saakin siya tumira, nagsalo kami sa init at lamig ng gabi. Hindi ko maitatangging simula ng nasa tore siya'y tila nabuhayan ang walang buhay na tore noon. Siya din ang nagpapaingay sa tahimik kong kwarto at nagdudulot saakin ng matinding kaba.

"I love you, amore." Hindi ako magsasawang sabihin iyan sakaniya dahil kung pagbabasehan ang sitwasyon ng ko ngayon, masasabi kong hinding-hindi na ako makakaahon pa mula sa pagkalunod sakaniya.

At ang lahat ng saya na aking naramdaman pagkaalis ko upang daluhan ang nagwawalang si Jelal ay nawala nang madatnan kong tahimik ang tore.

"Amore!" Tawag ko pagbukas ng pinto saaming kwarto.

Kahit saang sulok ng tore ay hinanap ko siya ngunit wala akong nakita. Tanging amoy lang ng metal at upos na sigarilyo ang aking nadatnan sa ikaapat na palapag.

"Ihanda niyo ang sarili niyo at kukuhanin natin si Jenny Tan." Malamig na sabi ko sakanila.

Ilang araw bago kami nakapasok at masira ang namamagitan sa Ierí póli at sa outsiders. Gusto ko siyang hagkan at halikan muli ngunit nangialam ang mga hunter.

Sa lahat ng naranasan kong sakit, ang pagtangis niya ang hindi ko nakayanan ng makita siyang tumatangis sa bangkay ng kaniyang kaibigan, si Lawrence. Simula ng mawala ang mga bakal saaking katawan, nagsimula muling hindi ko makontrol ang halimaw sa loob ko, at isa na nga roon ang pagpaslang sakaniyang kaibigan.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon