Kabanata 20

130 7 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Ang bilis ng panahon, sa sobrang bilis, hindi ko na namalayan. Sa sobrang bilis parang kahapon lang lahat ng nangyari ang lahat. Mula sa pagkawala ni Sassa, ni Rukia, at pati na rin Mia ay nawala pagkatapos ng insidente sa Hotel na iyon.

Pagkagising ko palang sa Hospital noon, hinanap ko na agad sina Dawn at Mia pero sa kasamaang palad, bigla nalang daw naglaho si Mia sa Hospital ng hindi namamalayan. May sabi-sabing kinuha siya ng kaniyang kamag-anak at sa ibang bansa na nag-aral.

Tanging si Dawn lang ang naabutan ko ng mga oras na naroon kami sa Hospital. Paalis na rin siya noon kasama ang Mama niya at kapatid na bunso, iyon na ang huli naming pagkikita. Simula ng umalis siya sa hospital ay wala na akong naging balita sakaniya, tinry kong hanapin siya sa school pero may nakapagsabi saakin na nag-dropped out siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang silang naglaho pagkatapos ng insidenteng iyon. Minsan binabangungot ako na kung saan si Sassa ay inaabot ako ngunit magiging isang mabangis na multo siya. Dahil ba sa hindi man lang namin siya hinintay ng mga panahong makakalabas na rin siya? Nandoon na e, maabot ko na siya, pero bakit hindi ko parin siya nailabas?

"Jenny, tignan mo na sa oven yung cookies. Patay tayo kay Tanya kapag nasunog 'yon." Sabi ni Jansen.

Agad 'kong inahon ang cookies na sinabi niya at inilagay sa isang lalagyan. Grade 12 na kami ngayon at graduating na, kaya ang pinaka project namin sa Entrepreneurship ay gumawa at magbenta ng sariling produkto sa loob ng buong sem. Buti nalang nagkakasya sa schedule namin dahil iilan nalang naman ang subject namin this sem.

Nang matapos na sa pagb-bake ay agad na namin iyon inayos sa itinayo naming maliit na kubo-kubo sa harap ng Cafeteria ng School. Sari-saring tinapay ang naka-display, may buko roll, may putok, Slice cake na sari-sari ang flavors, and my own baked Pag-ibig!

Call me what you want, pero ng ginawa ko ang Pag-ibig bread is a big achievement to me. Todo suporta saakin si Jolo gano'n din si Thalie, kaso minsan naiinis na saakin si Thalie dahil ang stupid ko daw. Ang dali-dali lang raw at hindi ko pa magawa ng maayos at kailangan ko pa raw guluhin si Jolo.

But who cares, right? She's just maarte lang talaga.

Pagod kong tinitigan ang laptop ko para irevise ang Practical Researcher namin, malapit na kasi ang pasahan at kailangan na namin ipa-book-bind. Chine-check ko lang baka may mali sa mga definition, baka kasi kapag nag-defense ay mahilo kami.

"Excuse me? Can I have this two slices of mango cake, and five pieces of buko roll." Sabi ng isang college student.

"Okay, wait a minute."

Mula sa peripheral vision ko ay natanaw ko ang paglapit ni Pain saaming mini Bakery shop. I just rolled my eyes. Simula ng mangyari ang insidente, ang lagi ko nang nakakasama ay si Pain. Lagi siyang nakabuntot kahit saan ako magpunta, kaya nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa paligid ko.

Anyway, siya pala ang nakakita saamin sa gubat at sila rin daw ng mga kaibigan niya ang nagdala saamin sa Hospital. Tinanong ko siya kung anong ginagawa nila roon, pero wala akong nakuhang sagot mula sakaniya. Hindi ko rin matukoy kung sino-sino ba ang mga kaibigang sinasabi niya.

"Thank you!" I smiled widely to the girl before saying goodbye.

"How about you?" Baling ko sa naka-poker face na mukha ni Pain.

"Do you have putok?" Pain asked while keeping his unusual poker face.

Tamad akong tumango sakaniya bilang pagsagot.

"Yuck!" Ani Pain na ikinalaki ng butas ng ilong ko.

"How dare you—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng malakas siyang tumawa.

"So eww, ang tindera sa bakery ay may putok. Hey—" hinila niya ang isang customer na bibili sana saamin. "Wag kang bibili diyan, 'yong tindera may putok."

"What the hell is wrong with you!? I'm gonna burry you jerk in due time!" I shouted to his face.

"Kalma lang, Tan. Gusto ko lang naman matikman ang pag-ibig mo." Nakangisi niyang tugon na mas lalong kinainis ko.

How dare him to call on my second name!? I'm gonna rip his head off!

"Alam mo Jenny, ganiyan nagkatuluyan ang Lolo't Lola ko." Pang-aasar naman ni Jansen na kakapasok lang.

"Shut up!" I rolled my eyes on Jansen.

Pain's sometimes masungit but oftentimes he's pain in the ass. He's so masungit when I talked to Jolo or some other guys in the school but a jerk when he's in his topak mode.

"Let me try your pag-ibig, Tan." Seryoso niyang sabi habang nakatitig saakin.

Hindi ko alam bakit ako pinamulahan sa sinabi niya, ako lang ba ang nakarinig na parang iba ang pagkakasabi niya, ako lang ba?

My beats faster and faster. Gosh, he's getting into my nerves!

Yumuko nalang ako at kinuha ang pag-ibig bread at habang nilalagay ko sa paper bag ang order niya, hindi nakatakas saakin ang marahang paghila niya roon sa lalaki na akmang bibili sana saamin.

Kung hindi niyo kasi naitatanong, hanggang ngayon ay sinusundan ang ako ng jerk na ito. Biruin mo naman, nagpa-repeat sa Grade 12 dahil daw trip niya lang. what a jerk righ?

"Wag kang bibili dito, may putok mga tindera dito. Doon ka nalang sa stall namin, dami street food." Mahinang bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Here's your pag-ibig, jerk. You may go, let the customer choose what they want to buy—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang lalaki na ikina-usok ng ilong ko.

"I don't buy na, May putok daw kayo e."

Mas lalong nagpuyos ang inis ko ng makita kong tinututulan ng ballpen ni Pain ang lalaki na para bang bina-blackmailed niya ito.

"Pain!" Sigaw ko pero tumawa lang siya at nagtatakbo palapit sa stall nila.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon