Kabanata 47

81 6 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Lumipas ang buwan at unti-unti nang lumalaki ang aking tiyan, but still, I don't want to be a mother. Todo alaga saakin si Lola habang ako'y hindi ko man lang inaalagaan ang sarili ko.

Mas maganda na sigurong pareho kaming mamatay ng anak ko kaysa maranasan niya ang mga naranasan ng kaniyang ama sa mga gustong pumatay rito.

Pero kahit gusto kong kitilin ang aking sarili'y tila pinipigilan ako ng anak ko. Mararamdaman ko nalang siyang sumisipa saaking tiyan kaya naaaliw ako at naiwawala ang kalungkutan saaking kalooban.

"You have a motherly aura, Jenny. Lalo na kapag ngumingiti ka. Naaalala ko saiyo ang iyong ina. I can see that you'll be a great mother someday." Nawala bigla ang ngiti ko nang banggitin iyon ni Lola.

"How many times did you experience morning sickness?" Thalie's giggled like a child.

Naging ayos rin kami ni Thalie, sa huli'y natanggap na rin niya ang mga nangyayari. Sa katunayan nga niyan, siya ang kasa-kasama kong nagpapa-check up sa maliit na hospital ng village at ako naman ang naging kasama niya noong nag-labor siya at nanganak kay Chance.

"Noong unang tatlong buwan ko ay halos oras-oras yata kapag may naaamoy ng hindi ko nagustuhan. Pero ngayon minsan nalang naman." Kibit balikat na usal ko.

Nasa bahay siya ngayon habang bibit ang apat na buwan na si Chance. Next month kabuwanan ko na kaya minsan ay hirap na akong tumayo dahil masakit sa likod.

Tumayo ako galing sa pagkaka-upo at humarap sa salamin dito sa sala.

I just found myself nervously staring at my reflection on the mirror, wearing a white-laced dress.

"Are you still disappointed with your pregnancy?" Tanong ni Thalie at ibinigay kay Lola si Chance.

Malakas akong nag-buntong hininga.

"Being a mother is an opportunity to us. Tignan mo ikaw, lumaki ka na tanging ang Lola mo lang ang nakasama mo. Bakit hindi mo kayang bigyan ng chance ang anak mo na maramdaman ang pagmamahal ng isang ina? Gusto mo bang lumaki siya na parang may kulang at maramdaman niyang disappointed ang kaniyang ina dahil nailuwal siya sa mundo?" Napatitig ako sa reflection ni Thalie at kitang-kita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata habang sinasabi iyon.

Mukhang masaya siya, pero bakit ako hindi ko magawang maging masaya?

"You are chaining yourself in the dark room of the past when fears all over the corners. You can't even sleep, stayed up thinking that the baby's inside your tummy is the reason why you're getting hurt every night." Natamaan ako sa mga sinabi ni Thalie.

I can't help but to blame this child because I'm hurting. I know some of you were fear of getting attached just like me. We fear, because we don't want to experience the same intensity of the pain.

"But, is it okay to draw a line, to set boundaries and build your walls knowing that there's no one will save you on our frail nights? My goodness, Jenny! That child is yours! Bakit naglalagay ka ng pader para sa anak mo? Why can't you just be happy and contented? Move on na! Past is past. You don't have to suffer because the past is passed." Iritado niyang sinabunutan ang kaniyang sarili.

I smiled genuinely. This is the first time that I smiled genuinely and full of sincerity after the incident.

"Nathalie kate Yveria. You've really grown up." Biro ko but deep inside, her words is triggering my heart.

Be happy and contented. The past is really passed. Hindi na dapat balikan. Ang sakit ay mananatiling nakaraan nalang dahil ngayon, haharapin ko na kinabukasan para saamin ng anak ko.

Umalis na sina Thalie dahil sinundo na siya ni tita Cherry dahil magga-gabi na rin ng maisipan nilang umuwi na.

Nagsusuklay ako sa harap ng salamin habang may ngiti sa labi. Pero naglaho ang aking ngisi ng biglang mag-flash sa salamin ang mukha ni Pain.

I blinked twice and the figure was gone. Am I hallucinating something? I tilted my head to wash out my thoughts.

Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina upang kumain. Habang kumakain ay lagi akong sinusulyapan ni Lola kaya nailang ako.

"Bakit po, 'La?" Tanong ko nang hindi makatiis sa pagsulyap-sulyap niya.

Bumuntong hininga siya at inilapag ang kaniyang kubyertos.

"Hija, pagkatapos natin kumain, kailangan na nating umalis sa lugar na ito." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lola.

"B-bakit po, Lola?" Tanong ko ng may pagtatakha.

Ang kaniyang mga mata ay tila naging alisto sa anumang pweding maging reaksyon ko.

"They found the truth, Jenny. The hunters' found that the baby's inside you is a child of demon. Delikado ka dito." Napasulyap siya sa kaniyang gilid na kung saan nahanap ng mga mata ko ang mga luggage.

"P-pero.. paano po nila nalaman?" Kabado kong nabitawan ang kubyertos kaya naglikha ito ng malakas na tunog.

"Kinalkula nila ang araw kung kailan ka namin natagpuan sa tore, at base sa nasaksihan nilang kaganapan sainyo ng Pinuno ng mga demonyo noong insidente a few months ago, nalaman na nila—" umiling ako ng mariin.

"Hindi pweding magkalkula lang sila ng basta-basta, Lola!" The fear is rushing to my veins.

Pinaglandas niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ko.

"Kung makikita nila ang kabuuan mo ngayon, malamang magiging tama ang hinala nila. Your skin is getting dryer and paler."

Napalunok ako at agarang tumayo saaking kinauupuan, pero nang akmang ihahakbang ko ang aking mga paa'y nakaramdam ako ng pananakit saaking tiyan.

Napapikit ako ng mariin habang hawak ang aking baywang. Anak, 'wag ngayon, kailangan nating umalis bago nila tayo matagpuan.

Napahinga ako malalim ng damputin na ni Lola ang aming mga gamit at marahan niya akong hinila palabas ng pinto.

Lakad-takbo ang aming ginagawa kahit na nananakit ang aking tiyan at likod. Wala akong pagpipilian kundi ang sumunod nalang kay Lola.

Pero nang malapit na kami sa bukana ng gate ay nakarinig kami ng naghahabulan at atungal na para bang may papalapit na nilalang saaming bayan. Nakarinig kami ng samu't saring ingay, hiyaw ng tao, kalatsing ng mga metal na bagay, sigaw at atungal na nanggagaling sa himpapawid.

Bumalik saakin ang lahat.

My tears can't seem to hide itself anymore, that's why they flow out of my eyes and I softly caressed my tummy.

I'm sorry, baby. If you have to feel the pain of your mommy. I'm sorry, I'm really scared.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon