Kabanata 8

176 12 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Simula ng mag-15th Birthday ako ay may mga kakaibang nangyayari saakin katulad noong mga nakaraang araw. Naglalakad akong mag-isa pauwi sa bahay dahil walking distance lang naman ang school, nauna na akong umuwi dahil may practice pa sa cheer dance si Thalie habang si Jolo naman ay may pasok pa.

Naglalakad akong mag-isa sa pribadong shortcut ng hapong iyon, wala halos dumadaang sasakyan dahil nga sa pribado iyon, malapit na ako sa bahay ng may narinig akong sumisitsit. noong una ay hindi ko pinansin baka hindi ako ang tinatawag pero ng nasa hamba na ako ng pintuan ay patuloy parin ang pagsitsit niya. Tumingin ako sa magkabilang daan, wala namang tao kundi ako lang. At sa hindi malamang dahilan, biglang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.

Tapos ito pa, pagkapasok ko sa bahay walang tao. Wala si Tita Cherry at tito June dahil may trabaho, so it means ako lang mag-isa sa bahay. Nagpalit lang ako ng damit at bumaba na para mag-saing dahil nahihiya na ako sakanila, kapag kasi nandito silang lahat ay buhay prinsesa ang ganap ko. So ayon nga, hinuhugasan ko na ang bigas ng may narinig akong tumawag saakin.

"Jenny..." sabi ng boses, marahan iyon at parang pabulong lang.

Ako naman 'tong tanga ay sumagot ako ng "Oh?"

Tapos unti-unti nag-sink in saakin ang nangyari. Walang tumatawag saakin ng Jenny dito sa bahay. Mi lady ang tawag nila saakin o Lady Jenny. Hindi pa naman nakaka-uwi si Thalie at mas lalong hindi ako tinatawag ng pabulong no'n!

Sa sobrang takot ko, mabilis kong hinugasan ang bigas at isinaksak ang rice cooker. Lumabas ako na halos maubos ang dugo sa mukha dahil sa pamumutla, hindi ako pumasok sa bahay hangga't wala akong kasama.

I tried to tell them but they're just laughed at me!

They're just keep telling me that I was too tired kaya nakakaisip ako ng mga gano'ng bagay.

Ang weird talaga ng araw na iyon.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa library. Maaga akong pumasok dahil may exam ako ngayong araw, kailangan kong mag-review.

Iniisa-isa ko ang section ng bookshelf ng mahagip ng mata ko ang lalaking naka-upo sa sahig sa madilim na parte ng library, nakatalikod ito saakin at dumadaing na para bang may iniindang sakit.

Lumapit ako sakaniya at sinilip ang mukha ng lalaki, hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa madilim kaming parte. Nang akmang hahawakan ko ang balikat niya ay bigla siyang sumandal sa shelf at bumungad saakin ang kabuuan niya.

Napatakip ako ng bibig dahil sa itsura niya ngayon, bukas ang kaniyang polo na may bahid ng dugo. Dumako ang tingin ko sa kaniyang katawan at tuluyan na akong nanghina. Puno iyon ng dugo at sa nakikita ko ay may mga maliliit na tubo ang nakatusok sa iba't ibang parte ng katawan niya.

Akmang hahawakan ko siya ng magsalita siya.

"Wag. Madudumihan ang kamay mo." Malalim at mababa ang boses na ginamit niya nagpakilabot saakin.

Umiling ako. "K-kailangan mong i-i-ipunta sa... Hospit—"

"I don't need that." Tsaka ko lang nakilala ang lalaki ng masilaw ako sa mala-kristal niyang hikaw.

"P-pero—"

"I did this to myself. I just want to hurt myself to feel anything. I am dense, my body doesn't feel anything." Kalmado niya paring sabi.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon