Kabanata 49

97 8 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Nanlalabo ang aking mga mata at ang aking katawan ay sumusuko na dahil sa pagod, ni hindi ko na nga maintindihan pa ang kanilang sinasabi.

Pilit kong nilalabanan ang pagpikit ng aking mga mata dahil natatakot akong hindi ko na muling maimulat ito. Natatakot ako na baka hindi ko na mahawakan ang anak ko. Natatakot akong hindi na maramdaman ang mga braso ni Pain na nakayakap saakin.

Naramdaman kong umangat ako mula sa damuhan. Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila tanging malabong pigura nalang nila ang aking naaaninag. Hindi ko pweding ipikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay saaking pisnge. Ang bawat haplos ng kaniyang daliri ay nagbibigay saakin ng kakaibang lakas at ang nanlalabo kong mga mata ay nagliwanag upang mabungaran ang lalaking nakatunghay saakin ngayon.

His deep-set dark eyes was drifted on me.

"Amore.." He whispered.

Ngumiti ako sakaniya at itinaas ang aking kanang kamay upang haplusin ang kaniyang pisnge. Hindi naman siguro ako nananaginip 'di ba?

Nanubig ang aking mga mata ng mapagtantong hindi ito panaginip. Nandito siya, hindi niya ako iniwan. bumalik siya, para saamin.

"Amore, rest for awhile. Ako na ang bahala sa lahat. Hayaan mong ako naman ang magdala ng lahat ng ito, magpahinga ka muna." Sa ilang salita niya'y nakaramdam ako ng kapanatagan.

"I love you.." naramdaman ko nalang ang labi niya saaking noo hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.

I woke up with the sight of a familiar room, it's my room. I didn't know what happened last night or how did I end up here, but I feel so much better now.

I turned to look at the lamp desk and I found my princess sleeping in the right side of my small bed.

Kusang tumulo ang aking mga luha ng makita ngumiti ang natutulog na bata. Parang may malaking kamay na humaplos saaking puso.

"Kakagising mo lang, umiiyak ka na naman." Boring na boses ni Canah ang bumungad saaking pandinig.

"I can't help, I'm sorry." I apologized while wiping my tears.

Huminga siya ng malalim at lumapit saakin.

"Sa ngayon, wala pa ang mga boys dahil inaayos nila ang bayan niyo na nawasak noong isang gabi."

Kumunot ang noo ko nang banggiting niya ang araw na nangyari ang insidente.

"I-ilang araw akong natulog?" Takhang tanong ko at tuluyan na siyang hinarap.

"Kung hindi ka pa nagising ngayon, pangatlong araw na." Kibit balikat niya at kinuha ang prutas sa maliit na lamesa.

Napabangon ako nang maalala si Lola.

"Ano ka ba, 'wag mong puwersahin ang katawan mo. Baka ako ang malagot kay Pain." Suway niya sa mahinang boses.

Sinulyapan ko ang aking anak na mahimbing parin ang pagtulog.

"S-si... Lola?" Utal kong tanong.

Tinigil niya ang pagbabalat ng prutas at malamlam ang kaniyang mga mata na pumukol saakin at bahagyang umiling.

Inaasahan ko naman ang sasabihin nila pero iba parin pala kapag narinig o nanggaling na mismo sa kanila. Parang niyayamukos ang aking puso sa isiping hindi man lang niya nakita ang aking anak na inalagaan niya noong nasa sinapupunan ko pa lamang.

Bumuhos ang maraming luha saaking mga mata kasabay ng tahimik na paghikbi.

Ilang minuto kong hinayaan ang aking sariling magluksa sa pagkawala ni Lola.

"Elder Manuela's interment went so fast, dahil iyon ang patakaran sa bayan niyo. Hindi na nila hinintay ang pag-gising mo dahil iyon ang patakaran sa lugar ninyo. Noong una'y nakipag-debate kami nina Pain pero sa huli'y wala rin kaming nagawa dahil iyon ang napagkasunduan ng mga elder." Tumango lang ako sa sinabi ni Canah.

Isa rin kasi sa patakaran ng Village na huwag patagalin ang mga bangkay sa bahay dahil may paniniwala silang tatagal lamang ang pagluluksa ng isang namatayan kung mananatili pa ng ilang araw ang bangkay sa bahay.

Nang magising ang aking anak ay agad ko siyang binuhat at pinainom ng aking gatas. Habang pinapadede siya'y hindi ko mapigilan ang pagtitig sakaniya.

She's beautiful. Halos lahat ng pisikal na kaanyuan ay nakuha niya sakaniyang ama. Ang nakuha niya lang yata saakin ay ang maputla kong kulay. Mula sa makapal na kilay hanggang sa labi'y nakuha niya sakaniyang ama. Alam kong masiyado pang maaga para lumabas kung sino ang kamukha niya pero iyon ang totoo.

"May.. binigay na ba si Pain na pangalan niya?" Tanong ko sa tahimik na si Canah habang nakatitig parin ako sa anak ko.

Mula sa gilid ng aking mata'y nakita ko ang pag-iling niya.

"Hinihintay ka niyang magising."

Buong araw akong nakahiga habang minamasdan ang aking prinsesa. Nang sumapit ang gabi'y doon ko lang nakitang umalis si Canah saaking tabi at ang pumalit naman ay si Pain.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya pagbungad palang sa pinto.

Ngumiti ako sakaniya at nanubig ang aking mga mata. Nagiging emosyonal na naman ako.

"Okay na 'ko, wag kang mag-alala." Naglakad siya papalapit saamin habang may malawak na ngiti sakaniyang labi.

Akmang ibubuka ko palang ang aking bibig upang tanungin kung anong nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay, inunahan na niya ako.

"Nang makita ng mga villager ang bangkay ng Lola mo'y nagbago ang pananaw nila dahil sila na rin mismo ang nagtaboy sa mga hunter, Noong una'y hindi ko sila maintindihan pero nang makita kong binitbit ng isang lalaki ang bangkay ng Lola mo'y doon ko napuna kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang pinuno." Paliwanag niya.

Mabait si Lola lalo na sakaniyang nasasakupan. Strikto siya minsan pero nakaayon iyon sa mga batas na sinusunod nila. Hindi na ako magtataka kung bakit sa kanilang tatlong pinuno ay siya ang mas ginagawaran ng malaking respeto.

Pinaliwanag rin ni Pain kung paano dumating ang mate ni Jelal at Acre. Maraming nasawi sa mga tao sa bayan at gano'n rin sa mga hunter. ikinuwento niya kung paano nag-umpisa at kung paano natapos ang gulo.

"Nakaisip kana ba ng ipapangalan sakaniya?" Baling niya sa anak namin.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa habang may malaking ngiti sa labi.

"Promise Hope. 'Yan ang naisip kong pangalan niya." Naiiyak na sabi ko.

"Promise Hope, it's really suits on her."

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon