ERRORS AHEAD
-
-
Did you know the worst type of crying?Is when you lay on the bed and put your hands on your mouth and try to suppress the inner scream and cry. You want to cry loudly but at the same time you don't want anyone to know that you are suffering. You cry all night, no one knows and then you smile in the morning like nothing happened.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, I can't accept the fact that I'm hurtin' just because of jealousy!
Yes! I'm jealous, hindi naman ako magkakaganito kung hindi ako nagseselos 'di ba?
Bumangon ako sa kama ng may bigat sa dibdib. Kagabi, hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa babaeng kasama niya kahapon, ngayon lang ako na-insecure sa kung anong meron ako.
"Alis na 'ko." Walang ganang paalam ko sakanila at akmang aalis na, nang hiklatin ni Jolo ang braso ko at dumapo ang palad niya sa aking noo.
"Okay ka lang ba?" Naga-alalang tanong niya.
Tumango lang ako at iniiwas ang noo sa palad niya.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya ulit na kinainis ko.
"Wala nga!" Tumaas ang boses na sabi ko kaya tapatayo si Thalie sa hapag kainan.
"Wag mo naman pagtaasan ng boses si Lawrence, Jenny. Nagtatanong lang ang tao, ikaw pa ang may ganang magalit." Ani Thalie.
Nag-init ang ulo ko dahil sa hindi niya pag-galang saakin. Ang lakas naman ng loob niya tawagin ako sa first name ko!
"E ano bang pakealam mo? Hindi naman ikaw ang pinagtaasan ko ng boses ah!" Nanggigil na tugon ko.
Lumapit siya saakin at dinuro-duro ako.
"Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil kay Lawrence hindi ka makakalabas sa Ierí póli!" Sigaw rin niya.
"So dapat magpasalamat ako dahil tinulungan niya ako? Sino ba saating dalawa ang unang tumakas?" I smirked wickedly out of frustration.
"Wag mong ibaling saakin ang—"
"Enough, Nathalie!" Mala-kulog na pagputol ni Jolo saamin.
Taas noo ko siyang tiningnan at tsaka tumalikod paalis.
Alam ko naman na mali ako sa nagawa ko, pero nakakainis kasi si Thalie. Hindi naman siya ang sinigawan ko pero kung maka-react akala mo naman kung sino. Maintindihan ko naman kung si Jolo ang kukumpronta saakin, pero si Thalie? 'Yon ang hindi ko maintindihan.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papasok sa gate ng school. Nakaka-tatlong hakbang palang ako ng lingunin ko ang sumusunod saakin.
Huminga ako ng malalim upang makalma ang sarili. Panibagong kaluluwa na naman na sumusunod saakin. Kung hindi ako nagkakamali, siya yata ang natagpuan na bangkay kaninang umaga.
Tumalikod na ako sa babaeng tahimik na sumusunod saakin. Bakit ba ako ang tampulan ng mga kaluluwa na na-murder at kailangan ng hustisya? Gusto ko ng tahimik na buhay at ayokong makialam sa mga kaso nila.
Naglakad ako sa hallway papunta sa likod ng school na kung saan naroon ang malinis na cr, gusto ko munang mahimasmasan bago ako pumasok sa room. Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil sa puyat at pag-iyak kagabi.
Hanggang ngayon ay mabigat parin ang dibdib ko dahil sa nakita kahapon. Siguro dahil iyon lang ang nakita kong babae na naging malapit kay Pain bukod saakin.
Hindi kasi siya madalas mag-entertain ng mga babaeng nagkakagusto sakaniya, at mas lalong hindi siya gano'n ngumiti at tumawa sa iba. Saakin lang niya pinapakita ang gano'ng side niya. Madalas kasi, kapag naririnig na ng iba ang pangalan niya ang impression nila ay masungit at may pagka-basagulero dahil marami ang kumukursunada sakaniya dahil sa style at sa paraan ng pag-tingin niya.
Pumasok ako sa cr at nagsalamin. Binuksan ko ang gripo at akmang isasahod ang kamay nang makita ko ang kulay pula na parang dugo na nakasuksok sa mga kuko ko.
"Ano 'to?" Naiusal ko.
Pinakatitigan ko ito at inamoy. Kulang nalang ay masuka ako sa amoy masangsang na iyon. Naligo naman ako kanina pero hindi ko ito napansin.
Dahil ba lutang ako kanina at hindi ko man lang napansin ang bagay na ito?
Sa hindi malamang dahilan, kinutuban ako at wala sa sariling napatingin sa babae na kanina pa nakatitig saakin sa salamin.
Biglang nagpatay-sindi ang ilaw hanggang sa mapatingin ako sa gripo na biglaang lumakas ang buhos noon. Napaatras ako at pinamawisan ng malamig. Ang malinaw na tubig kanina ay tila naging dugo na bumubulwak sa bunganga ng gripo.
"Ahh!" Napasigaw ako at nagtatakbo palabas ng Cr.
Habol-hininga akong humawak sa pader ng Library at mula sa hindi kalayuan, natanaw ko si Pain...kasama ang babaeng kasama niya kahapon.
My heart skipped while gasping some air.
"Anong gagawin mo kapag nalaman na niya?" Tanong ng babae.
"Canah, sa tingin mo ba hindi rin siya hinahanap ng pamilya niya? That jerk didn't really know the consequences of his actions." He icily said.
"Seems like she's falling for you." Ngumisi ang babae na nagngangalang Canah.
"Dapat lang. anyway, I need you tonight. I can't sleep without doing that." Mapaglaro siyang ngumiti sa babae at inilapit ang mukha sa babae.
Tumalikod na ako at naglakad sa direksyong siguradong hindi ako makikita ng kung sino man. Ayokong makita nila ako na umiiyak sa simpleng bagay lang.
Kailangan niya si Canah ngayon gabi dahil hindi siya makakatulog without doing that 'thing' so may nangyayari na pala sakanila?
Kagat labi kong binagtas ang hallway habang pigil emosyon na nararamdaman. Sabagay, ako lang naman ang nakakaramdam ng ganitong bagay. Saaming dalawa, ako lang naman ang nasasaktan sa mga simpleng bagay.
Malabo ang daan na binabagtas ko dahil sa luha na kanina pa gustong pumatak. Hindi ko pansin ang lalaking makakasalubong ko. Pero akmang lalagpasan ko na siya ng hiklatin niya ang kanang braso ko upang mapaharap sakaniya.
Nagulat ako pero nang makita ko ang malumanay na mata niya ay tuluyan na akong sumabog. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon umiiyak sa balikat niya, ang sakit. Ang sakit sakit. Can someone pull this pain away from me?
"Shush. I'm here. No arms can ever hold you more than I do. Ako lang, Mi lady. Ako lang." Jolo whispered.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...