Kabanata 41

80 6 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Inilibot ko ang aking paningin sa isang madilim at malamig na kwarto na kung saan ako nakatayo ngayon. Sa pag-iikot ng aking mga mata ay tila natuod ako saaking kinatatayuan na kung saan nakita ko ang aking batang edad na nakahandusay sa malamig na sahig.

Gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Para akong nasa isang television na ang tanging magagawa ko nalang ay ang panoorin ang aking sarili habang ito'y nakahiga sa malamig na sahig.

Nakarinig ako ng mahinang hakbang sa madilim na sulok ng kwarto at tila ako'y binuhusan ng nagyeyelong tubig ng makita ko ang anino ng isang nilalang dahil sa kaunting liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana.

Kumunot ang aking noo ng matantong pamilyar ang lugar na ito.

Ang kaniyang mga matatalim na mga ngipin ay naglalangit-ngitan na siyang nagpabaling saakin sa nilalang. Ang laway nito'y tumutulo na sa sahig tila takam na takam sakaniyang miryenda.

Nahugot ko ang aking hininga ng magsimula itong maglakad papunta sa batang ako.

Dinampot niya ang dalawang paa ng bata na naglikha ng matinis na sigaw ng nito. At tuluyan na akong nanghina at napaluhod nang ihampas niya ang bata sa malapit na pader ng ubod lakas.

Nanghihina ako, nakakaramdam ako ng sobra-sobrang takot at panginginig sa halimaw na nasa aking harapan.

Wala akong nagawa kundi ang humagulgol at umiyak habang pinapanood ko ang batang ako na naghihirap at sumisigaw dahil sa sakit na natamo.

Ramdam ko ang paghihirap at ang sakit ng bata, ang kaniyang manipis na katawan ay halata ang pagod at paghihirap.

Naiiling nalang ako habang hawak-hawak ang dibdib at umiiyak. Lord I'm just twelve years old to feel this kind of pain!

Pagkatapos niyang ihampas ang bata ay hindi pa ito nasiyahan at ibinalibag niya pa ito sa sahig. Gusto ko siyang abutin at iligtas sa masamang nilalang na gumagawa sakaniya ng labis na sakit.

Tumama ang kaniyang likod sa nagkalat na tubo, at tila ako'y sinampal ng katotohanan ng makita ang dugo na kaniyang likod gawa ng tubo na tumama roon. Lalo akong napahagulgol nang pilit ko siyang abutin ngunit hindi ko magawa. Nagmakaawa ako sa nilalang ngunit tila wala itong naririnig—

Nagising ako mula sa yugyog saaking balikat.

"Amore.." Nag-aalalang mga mata ni Pain ang sumalubong saaking mga mata na puno ng luha.

Nakatulala lang ako sakaniyang mga mata habang patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha.

"You're having a nightmare. I want to see your dream but your mind is closed." Marahan niya akong kinabig sakaniyang bisig at niyakap ng mahigpit.

Umiiling nalang ako habang umiiyak sakaniya dibdib. Ang nanginginig na katawan ko'y hinahaplos niya na para bang gusto niya itong pakalmahin.

"Shushed, baby.." he keep kissing my forehead and telling I love yous like he's assuring me from something.

He keep shushing me until I'd calmed. Napapikit ako ng mariin ng mag-flash ang batang ako saaking utak habang gumagapang sa sahig.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon