ERRORS AHEAD
-
-
Lumabas ako sa caffeé upang hanapin siya kahit na naririnig kong tinatawag ako ni Jolo.Tumakbo ako sa direksyon kung saan ko siya nakitang lumiko, ngunit sinalubong lang ako ng malamig na hangin. Namamalik mata lang ba ako? Baka kamukha lang niya iyong nakita ko.
Pero hindi eh. Kabisado ko ang mukha niya!
Napasabunot ako sa aking buhok at umupo nalang sa side walk at sumandal sa poste nang hindi ko siya makita.
Nababaliw na nga talaga ako.
"Mi lady!" Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko na nasa buhok ko.
Pilit akong tinatayo sa kalsada. Ngunit tumaas lang ang tingin ko mula sa sahig patungo sa mga mata niya na mababakas ang paga-alala.
"J-Jolo... nakita ko siya. H-he's s-smirking at me. He's here—" nanginginig ako sa hindi malamang dahilan ang mga luha ko'y nagbabadyang tumulo saaking pisnge.
Tumigil siya sa paghila saakin at umupo sa harap ko.
Ngumiti siya ng tipid ngunit ang kaniyang mga mata ay tumututol.
"You're still into him." Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko at ngumiti ulit. "Kung bumalik nga siya, ang tanong ikaw ba ang binalikan?"
My lips parted when I realized something. Canah...
Umigting ang panga niya ng makitang tumulo ang luha ko. Oo nga naman, bakit nga ba ako naga-assume na ako ang binalikan niya? May Canah na reaponsibilidad niyang balikan.
May Canah sa kwento. At sa kwentong ito, isa lang akong parte upang mabuo ang isang napakagandang nobela. Isa lang akong special extra.
Kinabig niya ako ng mag-umpisa na akong mag-hysterical. Ano bang nagawa ko sa past life ko bakit sinasaktan ako ng ganito?
Hindi ko ba deserve maging masaya?
Una hindi pinaranas saakin na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. pangalawa, nakulong ako sa prinsipyo ng mga tao sa Village namin. Pangatlo, minahal ako ng taong akala ko ay kaibigan lang ang turing saakin. Pang-apat, nagmahal ako pero hindi masuklian kasi hindi naman ako ang bida sa kwentong ito. At ang Pang-lima, isa akong halimaw. Mamamatay tao.
Mas lalong lumakas ang hagulgol ko ng maisip ko iyon. Sabi nila lahat ng tao deserve maging masaya pero bakit ako? Kailan ko naman matitikman ang kasiyahan?
Baka ito na ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko sa mga taong binawian ko ng buhay.
Ilang minuto niya akong yakap-yakap hanggang sa kumalma ako. Nang mahimasmasan, tumayo na ako at inaya na siyang umuwi. Hindi na ako nagpahatid sakaniya dahil magbibigay lang iyon ng false hope sakaniya, ayokong maramdaman niya na nagbibigay ako ng motibo.
Alas kwatro ng madaling araw ay nagising ako upang linisin ang aking sarili, dahil hindi ko na iyon nagawa kagabi dahil pagkatapos kong kainin ang biktima ko ay may nakakita saakin. Kumaripas ako ng takbo at nagsususuot sa kung saan. Buti nalang at nailigaw ko sila. Kaya sa sobrang pagod ay nakatulog na agad ako.
Habang hinihigop ang aking kape ay binuksan ko ang TV para naman hindi masyadong tahimik sa bahay. ngunit saktong pagbukas ko, bumungad saakin ang isang litrato ng sarili ko na nakatalikod habang nakayuko sa nakahigang walang buhay na babae.
"Hinabol nga namin pero napakabilis niya kaya hindi na namin naabutan." Panayam ng lalaki na sigurado akong isa sa mga humabol saakin kagabi.
"Maaari niyo po bang ilarawan kung ano ang itsura ng nakita niyo kagabi? Kasi po sa camera ng cellphone niyo ay medyo malabo." Tanong ng reporter.
"Mahaba at may tuwid na buhok ngunit may dalawang malalaking sungay sakaniyang noo. Hindi ako sigurado sa nakita kong kulay ng kaniyang mga mata, pero kung ilalarawan ko ang kabubuuan talaga niya ay masasabi kong may anyo siya ng Demonyo. Isang magandang bababeng Demonyo—"
Agad kong pinatay ang TV at kinuha na ang bag para pumasok sa school. Palinga-linga ako sa kalsada na parang baliw, agad ko rin iniiwasan ang mga taong nakakasalubong ko. Kabado ako sa tuwing may tumititig saakin.
"Jenny, kanina ka pa tulala diyan. Anong nangyari sa'yo?" Bati saakin ng isang ka-blockmates ko.
Umiling lang ako at pinagpatuloy ang paggugupit sa mga letra na ipapaskil sa Acquaintance party para sa taong ito. Bukas na kasi iyon at ito nalang ang kulang para mabuo ang banderitas sa stadium.
Napatingin ako sa orasan at alas quatro na pala ng hapon at hindi pa ako nakakapag-tanghalian. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, nakaka-kain naman ako ng normal na pagkain pero sa pagsapit ng gabi ay tila gutom na gutom ako.
Napapikit ako ng mariin.
Narinig ko naman bumukas ang pintuan ng room, baka isang ka-blockmate lang kaya hindi ko pinansin. Umupo ito sa upuan na nasa likuran ko. hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinagpatuloy ko ang paggugupit.
Matatapos na ako sa huling letra nang maramdaman ko na tumayo ang tao saaking likuran at ramdam ko ang paglapit niya saakin. Lilingon na sana ako pero nabitin lang sa ere ang pagbaling ko nang maramdaman ang hininga niya sa puno ng kanang bahagi ng tainga ko.
"Miss me, amore?" Bulong niya.
Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi magawang ibaling ang ulo upang kilalanin kung sino ba ang pangahas na lalaking bumulong saakin.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya malapit sa aking tainga habang hinahaplos ang buhok ko.
"Because I am. I missed you, Amore."
My heart raced. It's aching and beating so fast. I could even hitched my breathe.
Bumalik lang ako reyalidad ng haplusin niya ang labi ko gamit ang kaniyang hintuturo, agad umikot ang ulo ko pabaling sa likod ngunit hangin lang ang naabutan ko.
Tigagal kong nilibot ang silid ngunit wala ni-isa akong nakitang tao. Ako lamang mag-isa ang nasa room ngayon dahil busy silang lahat sa pag-aayos sa stadium.
Agad kong tinapos ang gawain ko at lumabas. Habang naglalakad sa hallway papunta sa stadium nang mapansin ko ang pamilyar na babae na nasa pinto ng room na tila may kausap ito sa loob. Siya lamang ang nakikita ko ngunit ang kaniyang kausap ay nakatago sa loob ng silid-aralan.
"Canah...?" Bulong ko pero sa hindi inaasahan. Lumingon siya saakin.
Para naman siyang nakakita ng multo ng makita ako. Agad siyang naglakad salungat sa dinaraanan ko. Hahabulin ko na sana siya pero ng sumagi sa isip ko ang mukha ni Pain ay hindi ko na ginawa.
Mapait kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at nagtungo na sa stadium. Ano bang pakealam ko kung narito si Canah? Wala na dapat akong pakealam sakanila dahil may sari-sarili na kaming buhay ngayon.
Yes, we have our own life now. Pain is in the past, not in my present. I shouldn't take her seriously. Baka fling lang din siya dati ni Pain.
My steps is getting heavier and the tension crept into my system.
Why am I so desperate for someone who didn't look at me as a woman? Ang tingin niya lang saakin ay kaibigan.
I sighed.
I shouldn't love him but I want to. I should forget him but I can't move, his face plastered in my mind. And now, I don't know how to be fine, because I don't know how this feelings stop.
![](https://img.wattpad.com/cover/302609980-288-k454951.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasiaDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...