Kabanata 37

87 8 0
                                    

WARNING: Ang kabanatang ito ay maselan at may tema ng seksuwal na maaaring magdulot ng kaguluhan sa mga sensitibong kaisipan. Kung isa ka sa mga sensitibo, maaaring i-skip nalang ang kabanatang ito. Salamat!

ERRORS AHEAD

-
-
Ilang araw ang lumipas simula ng umalis si Rukia ay napag-alaman kong hindi na siya rito nakatira.

"To control the demon inside you, you have to focus. Sige nga i-try mong magpalit-anyo." Canah said and I just rolled my eyes.

Narito kami ngayon sa likod ng Tower na kung saan tinuturuan ako ni Canah kung paano kontrolin ang halimaw na nasa loob ko. Ayoko sanang siya ang magturo saakin ngunit mas makabubuti raw ito dahil sasakit lang ang katawan ko kung si Pain ang magiging teacher ko.

Pinilit kong mag-iba ng anyo pero hindi ko magawa.

"I can't." Pagod kong pinunasan ang tumulong pawis sa noo ko.

"Just focus. ano ba 'yan, kanina pa tayong umaga rito pero hindi mo parin kaya? Magdidilim na oh!" Sinenyas niya ang ulap na ngayo'y tinatakpan na ang araw.

"Hindi ka makakapag-focus kung may ibang gumugulo sa utak mo. Just think that can trigger your demon side." She added and flipped her hair while watching me.

Paano naman ako matututo kung ang nagtuturo saakin ay naka-upo lang at mukha pang tamad na tamad turuan ako?

"Naka-focus naman ako! Sadiyang ikaw lang ang problema dito. Habang naghihirap ako rito, ikaw naman ay prenteng naka-upo lang diyan at hindi mo man lang ako i-guide!" Inis na sabi ko.

Paano naman ako matuturuan kung tatamad-tamad siya diyan?

Tumawa lang siya ng nakakaloko at tumayo sa likod ko. Pinosisyon niya ang kaniyang kamay sa baywang ko at inilapit ang kaniyang labi tainga ko.

"Kung hindi mo mapapalabas ngayon ang demonyo, saakin si Pain ngayong gabi." Mariing usal niya.

Tila isang gatilyo ang sinabi niya kaya sumiklab ang galit sa loob ko. Ramdam ko ang pamilyar na init na nagmumula saaking dibdib at ang paglabas ng dalawang sungay saaking noo.

Hinarap ko siya at tiningnan ng masama habang nagtatagis ang aking bagang at nakakuyom ang kamao.

"Bravo!" Pagpuri niya habang pumapalakpak siya sa harap ko.

Gusto kong yamukusin ang mukha niya at burahin ang ngisi sakaniyang labi. gusto kong paghiwa-hiwalayin ang mga buto niya habang pinapalo ko sa bato ang ulo niya.

"Take it easy... just inhale and exhale three times to make you calm. To control yourself, you must think that makes you calm. Kapag kasi kalmado ka, makokontrol mo ng mabuti ang sarili mo."

Katulad ng sinabi niya, huminga ako ng tatlong beses at nag-isip ng mga bagay na nakakapagpa-kalma saakin.

Ang mga mata, ang kaniyang dalawang pares na itim na mata ay nakakapagpalunod saakin sa kawalan. Ang nagbibigay init saakin at nagpaparamdam ng libo-libong emosyon, matatagpuan ko lang sakaniyang mga mata.

"Okay, that's right, baby." Rinig kong usal ni Canah na mababakas ang pagkatuwa sakaniyang boses.

Napangiti ako ng unti-unti ko ng nako-kontrol ang emosyon ko. Napangiti ako kay Canah at wala sa sariling binuhat siya.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon