Kabanata 31

102 7 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Prente kong iniikot ang paningin sa kabuuan ng bahay, hindi naman nagbago ang ayos ng bahay sadyang namiss ko lang ang kabuuan nito.

"I missed seeing you sitting on that sofa." Jolo's uttered.

I only smiled at him. Naiilang parin ako sakaniya dahil sa mga inamin ko sakaniya, alam kong naguguluhan parin siya pero isinantabi lang niya dahil ayaw niyang maging uncomfortable ako.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa nag-ring ang kaniyang cellphone at nagpaalam upang sagutin iyon. Wala sina tita at tito ngayon dahil nasa trabaho, si Thalie naman ay may pasok ngayon.

Tumayo ako at tumayo sa tabi ng cabinet malapit sa TV na kung saan nakatayo kanina si Jolo. Sumandal ako roon at sumulyap sa bintana na kung saan malumanay na sumasayaw ang kurtina.

Tipid akong napangiti dahil sa peacefulness na naramdaman ko. I feel comfortable the moment I step inside on this house, Biglang nawala ang stress na Naramdaman ko sa araw-araw na gigising ako sa umaga.

Aliw na aliw ako sa atmosphere na nalalaghap ko ngayon ang gaan na tila ba wala akong problemang ikinahaharap. habang ninanamnam ang pagbabalik sa bahay na ito. Not that dito na ako ulit titira, aalis parin ako pagsapit ng gabi at magtatago sa madilim kong lihim.

Sa kabila ng pagka-aliw, nakaramdam ako ng pangungulila sa presensya ng isang nilalang na lagi kong hinahanap-hanap. Simula ng magpaalam siya kahapon ay hindi na siya bumalik pa katulad ng sinabi niya.

I feel so disappointed to him. Umasa ako eh, at hindi mo maaalis saakin na matakot na baka umalis na naman siya at hindi ko na siya ulit makita pa. Alam kong wala akong karapatang hilingin sakaniya na manatili siya pero masama bang maging selfish? I spend the whole two years suffering for the pain and tears that he'd caused, and dealing with the monster inside me.

Naghintay at umasa ako kahit alam kong malabong mangyari na baka mayroong chance. Nasaktan, nasasaktan, at patuloy na masasaktan ako sa tuwing maiisip na hindi ako ang binalikan niya o baka nga hindi siya umalis sa tabi ni Canah. Baka nga sa buhay ko lang siya umalis at hindi sa buhay ni Canah.

It hurts like hell!

I took a deep breath to get back my senses.

Tuluyan na akong dumantay sa cabinet at hindi sadyang gumewang ang ito at kusang nahulog ang envelope. Sumabog ang mga laman nito at ang iilan sakanila ay nabaliktad at hindi sadyang nabasa ko. Dinampot ko ang unang sulat at binasa.

Give my granddaughter back, She's not safe at the outside of the village. Stop meddling to our business. This is not a threat, but a warning. Give me back my Jenny, you know nothing but a piece false information. Stop messing with our rules, your grandfather will kill you. I'm writing this, because I care for my granddaughter and you as my villager. I hope you'll get what I supposed to say.

Sa baba ng sulat ay nakalagda ang pangalan ni Lola at ang pirma niya na kung saan isang pormal na sulat ang nilapat niya. Sa Village ay nage-exist parin ang mga sulat at malabong gumamit sila ng nga teknolohiya katulad sa labas ng village.

Tigagal kong nalukot ang sulat kasabay ng pagsabog ng mga katanungan saaking isipan.

Bakit gusto ni Lola na ibalik ako ni Jolo sa village? Samantalang sinabi noon ni Jolo na ang Lola mismo ang nagbigay ng basbas sakaniya upang ilayo ako sa village? Pero anong ibig sabihin ng sulat na ito?

Imposibleng peke itong sulat dahil penmanship ito ni Lola at may lagda pa sa dulo. Sanay na ako sa sulat-kamay ni Lola dahil simula pagkabata ay pinapanood ko na siyang sumulat sa mamamayan ng village namin.

Hindi kaya nagsinungaling saakin si Jolo? But how about Thalie and her family? Did they just lie to me and acted like they're just the one who saved me from our village?

Pero 'di ba, ang sabi ni tita Cherry ay ang mga elder na mismo ang nagpatakas sakanila at palabasin na patay na sila dahil nilabag nila ang patakaran ng Village? Lahat ba iyon ay isang kasinungalingan lang?

Nagpupuyos ako sa galit ng bumungad saakin si Jolo. Sinampal ko sakaniya ang sulat na aking nabasa.

"How dare you to lie to me!?" Sigaw ko.

"Mi l-lady—"

"Don't call me that dahil wala kang karapatan! All this time niloko niyo lang ako, akala ko si lola mismo ang nag-utos na ilabas ako sa village. Pero hindi, Tinakas niyo lang ako! Mga sinungaling—"

"I did that just to protect you! Simula ng malaman kong may demonyo na gustong kumuha sa'yo inilayo kita sa village dahil balak ka nilang ialay!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makaniwalang tiningnan siya.

Marahan niyang hinawakan ang siko ko.

"Baby.. I did that because I love you since then. Ayokong ialay ka nila sa demonyo. They planned all of this, gusto ka nilang patayin." Malumanay na sabi niya ngunit hindi ako naniniwala.

Hindi ako hahayaan ni Lola na mapahamak, mahal ako ni Lola kahit masyado siyang strikto. Hindi niya iyon magagawa.

"Sige! Magsalita ka pa ng mga kasinungalingan. Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo? Hindi na! I trusted you all, lalo kana... pinagkatiwala ko sa'yo ang l-lahat eh." Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"I heard them, Jenny. Ang sabi nila, huwag kang hahayaan na umalis sa village dahil malapit nang lumabas sa lungga ang Demonyo at kailangan ka niya. What do you expect me to do? Tumunganga roon at hayaang isakripisyo ang taong mahal ko?" Pumuyok ang boses niya tanda ng pagpipigil ng emosyon.

"You know I would risk my life just to protect you—" He added.

Umiling lang ako at walang pasubaling linampasan siya. Kahit anong sabihin niya ay hindi na ako sigurado kung totoo pa ba o isa na namang kasinungalingan.

"You can't change the fact that you all lied to me. Kahit gaano karaming eksplanasyon pa 'yan." Lumabas ako sa pintuan at tumakbo sa kung saan.

Wala akong eksaktong pupuntahan basta ang gusto ko lang, umalis at lumayo sa mga taong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko. Sakanila ko ibinigay lahat ng tiwala ko, pero sa huli, sila pala dapat ang hindi ko dapat pinagkatiwalaan sa una palang.

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon