ERRORS AHEAD
-
-
Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya pero nakakapangilabot. Sa buong buhay ko, sa paraan ng pananalita at sa mga bisig niya ako nakaramdam ng sobrang takot.Hindi ako nakapanlaban ng nagsimula siyang buhatin ako palabas sa nagyeyelong tubig na binagsakan ko kanina. Mukhang isang Ilog ito na nagmistulang dagat ng yelo dahil sa lamig ng klima. Hindi ko na rin maramdaman ang buo kong katawan dahil sa sobrang lamig at panghihina na aking nararamdaman.
Isinampay niya ako sa kanang balikat niya at diretsong naglakad sa ibabaw ng Ilog na nagyelo tila hindi alintana na pwedi itong gumuho at lamunin kami. Ni hindi siya nakakaramdam ng lamig dahil ang tanging saplot lang niya ay short at walang pang-itaas na damit. Ang buhok niya ang medyo mahaba na dinadaluyan ng mga tubig paibaba.
Gusto kong tingnan ang mukha niya ngunit hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ko. Gusto kong magpasalamat sakaniya pero ng makita ko ang dalawang malalaking sungay niya ay napasigaw nalang ako. Mula saaking pwesto sakaniyang balikat ay naaninag ko ang kaniyang matataba at matulis na sungay.
"L-let me go!" Sobrang takot ang lumukob saakin dahil sa nasaksihang anino ng lalaki.
I start screaming until my throat hurts.
"Is there someone out there? Jolo? Please help me.. please." I sobbed.
He opened the door of the tower and take the stairs.
Binaba niya ako sa malamig na sahig at humarap saakin. Puno ng luha ang aking mga mata kaya med'yo malabo ang pigura niya. Nang tumulo na ang mga luha ko at nasinagan ng liwanag ang mukha niya galing sa bintana, doon ko nakita ang itsura niya.
Natuyo ang lalamunan ko, para na ring lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog. Ang takot ko ay triple kesa sa kanina.
His face is so darkened. Para siyang isang tao na may sungay at may itim na mga mata. Ang kaniyang mga matatalim na mga ngipin ay naglalangit-ngitan na para bang nanggigil at hindi na makapaghintay na ako'y kainin. Ang laway niya ay tumutulo na sa sahig tila takam na takam sakaniyang miryenda.
Nag banggit na ako ng mga santo saaking isipan at nagdasal na rin ng iba't ibang dasal para tawagin kung sino man ang pweding magligtas saakin mula sa Demonyong ito.
Hindi siya halimaw kundi isang demonyo!
Ang kaniyang kilay na makapal at ang nanlilisik niyang itim na mata at ang mga ngipin na walang kasing talim ay malapit na saakin ngayon. Kung wala ang sungay at itim na mga mat at mga matatalas niyang ngipin ay aakalain ko nang tao siya!
Dinampot niya ang dalawang paa ko kaya napasigaw ako. Hinampas niya ako sa malapit na pader ng ubod lakas. Nanghihina ako, at feeling nabali ang mga buto ko. Hindi ko parin maramdaman ang katawan ko dahil sa lamig na lumulukob saakin.
Gusto kong umiyak, pero masyado na akong mahina para roon. Lord I'm just twelve years old to feel this kind of pain.
Pagkatapos niya akong ihampas ay ibinalibag niya ako sa sahig, tumama ang likod ko sa isang bakal na tubo. Ramdam ko ang dugo sa sugat ng aking likod kaya kahit nahihilo ay tiningnan ko ang demonyo sakaniyang mga itim na mata.
Habang papalapit siya saakin, dinampot ko ang tubo saaking likuran at naghintay ng tiyempo para itusok iyon sakaniya. Dahil sa pagdurugo ng likod ko ay muling nagkaroon ng pakiramdam ang katawan ko. Nararamdaman ko na rin ang sakit at bali saaking mga buto.
Inilalapit na niya ang kaniyang mukha saakin habang nakanganga at handa na akong kainin. Nang saktong ilang inches nalang ang aming pagitan ng itusok ko sakaniyang dibdib ang tubo.
Nanlalaki ang kaniyang mga itim na mata habang nakatitig saakin. Ang kaninang itim na kulay no'n ay unti-unting nagbago, ang kaniyang sungay ay unti-unti nang nawawala at ang kaniyang matutulis na mga ngipin ay napapalitan ng normal kagaya ng saakin.
Umatras siya kasabay ng pagbabago ng itsura niya. Hindi ko maaninag ang kaniyang kabuuang itsura dahil nakatalikod siya sa bintana, basta ang alam ko, nakaramdam ako ng awa.
Kahit nanghihina at sakit na nararamdaman ay gumapang ako papunta sakaniya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko kahit na may balak siyang kainin ako.
Nang makarating ako sa pwesto niya ay siya namang panghihina niya. Napaupo siya sa sahig malapit saakin, ramdam ko ang paninitig niya saakin. Kita ko ang kalahating mukha niya dahil sa sinag ng buwan. Ngayon, masasabi kong mukha talaga siyang tao. Sa tingin ko kasing edad lang siya ni Jolo o tatanda pa ng kaunti.
Hinaplos ko ang dibdib niya na kung saan naroon ang tubong sinaksak ko kani-kanina lang.
"D-Does it h-hurts? Are you in... pain?" Umiikot na ang paningin ko dahil sa labis na sakit at panghihina.
"Pa..in.." ulit niya sa huling salita ko.
Nanlalabo na ang mata ko ng maramdaman ko ang banayad niyang paghaplos sa kaliwang pisnge ko habang nakadapa ako sa sahig. Ramdam ko ang paglapit ng mukha niya saakin.
Napaungol ako sa sakit ng pisilin niya ang panga ko at pwersahan niyang ibinuka ang bibig ko. Nang tuluyan na niyang maibuka ito, inilapit niya saaking bibig ang kaniyang labi at pilit na may pinapasok roon.
Nang tuluyan na niyang maipasa saakin ang kung anong malaking itim na bilog ay sapilitan niya itong ipinalunok saakin. At ng tuluyan ko ng malunok ito, nakaramdam ako ng pag-iinit sa loob ko.
Sobrang init! Para akong sinusunog sa loob.
Dahil sa matinding paggalaw ko ang kaninang nararamdamang sakit dahil sa mga nabaling buto ay nadagdagan pa ng patuloy ang sa paggulong dahil sa hapding nararamdaman sa kalooban ko. At bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang baritonong tinig niya.
"Pain.. Pain.. Pain." Habang tinuturo ang kaniyang sarili.
Tumayo siya at hinawi ang iilang hibla mg buhok ko.
"Boreís na ta xecháseis óla. Pros to parón, tha sas afíso na fygete próta, allá ótan érthei i katállili stigmí. Tha se diekdikíso."
And all the things went black.
Nagising ako sa pagyugyog sa balikat ko.
"Mi Lady, wake up!" Boses ni Jolo ang narinig ko.
Kunot noo akong bumalikwas at tinignan ng masama si Jolo bago siya iniwan roon. Sino ba may sabing pumasok siya sa tent ko? Kahit sabihin na bata pa ako ay kailangan ko rin ng privacy, 'no!
Habang hinihigop ko ang gatas na hindi ko alam kung saan nakuha ni Jolo, bigla akong napahawak sa labi ko.
Ang first kiss ko...
—*—*
Translation: You can forget it all. For now, I will let you go first. But when the right time comes, I'll claim you.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...