Kabanata 35

97 7 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Simula nang mapadpad ako sa toreng ito, hindi ko man lang naramdaman na parang may kulang saakin. Pain filled all the hole inside my system, he filled my emptiness.

Ilang araw na ang lumipas simula ng mag-confess siya pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na sa tuwing naaalala iyon, bumibilis ang pagtibok ng aking puso.

Nakangiti kong kinuskos ang balat ko gamit ang makinis na bato na nagpuan sa ilalim ng ilog. Kasalukuyan akong naliligo sa malinaw na ilog habang nakikipaglaro sa bawat agos nito.

Nasa loob lang ng tower sina Pain at ang tatlo, ni-isa sa kanila ay wala siyang pinalabas dahil ang dahilan niya ay maliligo raw ako at ayaw niyang makita nila ang katawan ko.

Kanina pa ako nakikipag tagisan sa agos ng ilog at minsan ay sumusisid. Malapit na akong matapos at akmang babanlawan ko na ang aking katawan ng makarinig ako ng mahinang halakhak sa gawing kanan ko kaya napalingon ako.

"May shower naman sa tore pero mas pinili mo parin sa ganitong kahantad na lugar?" Nakangising usal ni Canah.

Nagtangis ang mga ngipin ko hindi dahil sakaniyang sinabi kundi sa presensya niya.

"Kung nakamamatay lang ang pag-tingin, malamang kanina pa ako pinaglalamayan." Tumawa siya ng malakas na mas lalong nagpasiklab ng galit ko.

"Ano bang pakealam mo?" Mataray na sagot ko at inirapan siya.

"No wonder, magkaibigan nga kayo ni Maliah." Mahinang sabi niya habang umiiling-iling.

Kumunot ang noo ko. Sinong Maliah ang sinasabi niya?

Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagligo. Kanina'y kapayapaan ang nararamdaman ko, pero ngayon ay kademonyohan na!

Nang matapos ako ay akmang aabutin ko ang towel nang siya na mismo ang nag-abot nito saakin. Hindi ako nagpasalamat, sa halip ay inirapan ko lang siya na tanging ginantihan niya ng pagtawa.

"What's funny?" I said out of frustration.

"Nothing. I just found that you're cute when you're jealous." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"I'm not jealous. Why would I?" Nagkibit balikat lang siya at tumayo upang pagpagan ang kaniyang pwetan.

E 'di siya na ang malaki ang pwet!

Nakasuot siya ng whole black, black shirt and black skinny jeans. Nakasuot nalang siya ng tsinelas ngayon pero bakit ang ganda niya parin?

Pinulupot ko ang towel saaking katawan at nauna nang maglakad sakaniya. Tahimik kong binabagtas ang daan papunta sa Tower nang magsalita siya at buwagin ang katahimikan.

"I'm here to train you about controlling your demon side. Converted Demon ka,  kaya masyadong mahirap kontrolin ang iyong sarili." Napahinto ako sa sinabi niya at lumingon.

"Converted?" Tanong ko.

"Yes, May tatlo kasing mga lahi ang mga Demonyo. Ang una ay ang Class S o full blooded Demon, sila ang matatawag na puro at pinanganak na may purong dugo ng demonyo, and that's pain." Paliwanag niya na nakapagbigay saakin ng interes.

"Ang pangalawa naman ay ang mga Half breed Demon o ang Class A, ito 'yong mga katulad namin nina Acre. My mother is a human and my father is a Full blooded demon and they fell in inlove with each other... and here I am now, A half breed demon." Tumango naman ako at matamang nakinig sakaniya.

"And the last one is the class B, The Converted Demon. Sila 'yong mga tao na nakatanggap ng Trypa na ginawa silang Demonyo. Like my mother and you, you have a trypa inside your heart." Naglakad na siya at siya naman ngayon ang lumampas saakin.

"Trypa. Narinig ko na 'yan kay Pain pero hindi ko parin maintindihan kung para saan ba ito." Sabi ko at sinabayan siya sakaniyang paglalakad.

"Trypa is the symbolism or the bond that will tied you from your mate. Ang Trypa ang namimili kung sino ba ang magiging mate namin, hindi kami. Kusa itong lumalabas kapag natagpuan na namin ang aming mate. And after we gave our Trypa, our heart will beat. As of now, I have a dead heart." Paliwanag niya at nilingon ako.

Hinila niya ang braso ko at mas lalo akong nadikit sakaniya. Mas malaki ako sakaniya kaya tumingkayad siya upang maabot ang aking tainga.

"There's a positive and negative effects of the Trypa. The positive one is, it will make your mate obsess with you and protect you at all cost. And the negative one is, Trypa turns you into a monster. A powerful monster."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi ako Half breed sa halip ay isang Converted? Paano nangyari iyon? Ni wala akong maalala na ibinigay saakin ni Pain ang Trypa!

Pumasok ako sa Tower na lutang ang isip. Saan at kailan niya ibinigay saakin ang Trypa? O baka naman naibigay niya ito ng hindi ko namamalayan? Pero imposible!

Nakasalubong ko si Pain pero hindi ko siya pinansin sa halip dumeretso ako saaming kwarto.

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung kailan ba niya naibigay saakin ang Trypa. Wala akong maalala na interaction ng aming katawan.

Nanatili akong tahimik hanggang sa sumapit ang gabi.

"Why are you silent the whole time? Did I make you uncomfortable?" Tanong niya ng umupo siya sa tabi ko, dito sa kama.

Sa ilang araw na pamamalagi ko sa Tower na ito ay hindi pa kami nagtabi sa pagtulog. Natutulog siya sa kwarto na nasa harapan ng kwartong ito.

Umiling lang ako at nginitian siya.

"Pagod lang ako." Tinitigan niya ako na parang hindi siya naniniwala saakin kaya tumawa ako.

"I don't believe you. Do you want me to open our connection to read your mind, amore?" Seryosong usal niya at hinaplos ang pisnge ko.

Lumabi ako.

"Si Canah... I-I'm Jealous.." I lied.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ayaw kong mabasa niya ang nilalaman ng utak ko ngayon. masyadong magulo ang isip ko ngayon dahil sa mga sinabi at nalaman ko mula kay Canah.

Dahil sa Trypa, naging demonyo ako. Dahil sa Trypa, pumatay ako ng mga inosenteng tao. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako sa kalagayan ko ngayon, Oo masaya ako dahil ako ang pinili ng Trypa upang ibigin ng isang full blooded Demon. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt sa tuwing iisipin ko ang kapalit ng pagmamahal niya.

Naging isang demonyo ako na pumatay ng maraming tao.

Nabigla ako nang kabigin niya ang aking baywang na halos magdikit na ang aming mga katawan.

"Amore, tell me how to unlove you? You made me so obsessed with you. You let me drowned by your arms. So tell me, How to unchain you?"

DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon