This chapter's inspired by hotel del Luna (kdrama) I really love this chapter, I hope you'll like it.
ERRORS AHEAD
-
-
This place could be a heaven or hell. Nasa tao 'yon kung paano mo nakikita ang mga interior at ang atmosphere dito sa loob.There's a cozy vase and paintings everywhere but their faces are blurred. After Rukia talking to the women, some crew lead us to our rooms. Rukia is the one who paid our rooms for tonight. The crew lit up a candle and showed us the corridor.
There's a creepy sounds and footsteps I've hear. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakarinig no'n o pati sila. The sudden strange feelings crept into my system when something or someone's behind us.
There's a voices down at the floor and at the ceiling. Ayokong tumingala dahil may nararamdaman akong may kung ano sa ceiling noon. Ang grand chandelier nila ay tila isang apoy na malapit ng maupos, hindi na nakakapag-bigay liwanag sa buong corridor.
Isa-isa na niyang binigay saamin ang kaniya-kaniyang susi ng kwarto at walang pasubaling umalis ang crew, kaya naiwan kaming lima sa madilim at empty corridor na iyon.
Rukia broke the silence.
"I gotta go. I need to rest." She said and open her room's door.
"Dawn, pweding dalawa nalang tayo sa kwarto mo? Sobrang creepy—" sabi ni Sassa at kumapit pa sa braso ni Dawn.
"Sasayangin mo lang ang binayad ko, Sassa?" Kunot noong pambabara ni Rukia.
Bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang pinto ng aking kwarto, pero bago ako pumasok ibinaling ko ang aking atensyon sakanila.
"It's okay, Sass. Magkikita pa naman tayo sa hapag." Ngumiti ako bago sinara ang pinto.
Nakakapagtaka lang dahil kami lang mga tao sa lugar na ito, wala silang kahit anong customers na pwedi naming makasalamuha.
Naupo ako saglit at kinalma ang sarili ko. Ang kabuuan ng kwarto ay puno ng salamin, the mirror on the ceiling reflecting my body. Walang gaanong gamit dito kundi dalawang single sofa at long sofa sa harap naman niyon ay may coffee table na may maliit na vase. Sa may gilid ng kama ay iyon ang bedside table na kung saan nakalagay ang lamp.
Ang chandelier sa room ay salungat sa nasa labas. Maliwanag ito na sakto para sa mga taong nag-aaral. Pagkatapos ko tingnan ang kwarto, inilabas ko na ang damit ko at pumasok sa banyo.
Ang banyo ay napupuno ng mala-kristal na sahig. Malawak ito na nahahati sa dalawa, ang unang side ay para sa bath tub at shower at ang kabilang side naman ay ang cubicle na para sa toilet.
Gusto ko sanang mag-enjoy sa ganitong peaceful na lugar ngunit hindi maalis saakin ang kaba at takot dahil sa mga nararamdaman kong kakaiba.
Akmang maghuhubad na ako ng mapansin ang bath tub na bumubula. Kailan pa nagkaroon ng tubig ang tub? Napaatras ako ng unti-unting bumangon mula sa tubig ang isang babae na mahaba ang buhok na nakatabing sakaniyang mukha.
Nangangatog kong binubuksan ang pinto ngunit nawalan ako ng lakas upang pihitin iyon ng maramdaman ang presensya niya sa likod ko.
"Welcome to Fylakí Hotel." She whispered.
Natuod ako sa kinatatayuan ko at tuluyan ng nawalan ng lakas na pihitin ang pinto upang makalabas.
BINABASA MO ANG
DS #1: Caught by the Demon's Arms [COMPLETED]
FantasyDemon Series #1: Si Jenny Tan Villanueva ay lumaki sa isang hindi kilalang Bayan, buong buhay niya ay nanatili lamang siya sa syudad na iyon. Pero isang pagkakamali nga bang maghangad ng kalayan sa labas ng Bayan? Ano nga ba ang dahilan bakit ikinul...