-----------------------------
Weekend na ngayon, ilang araw na din ang nakakalipas mula nung nag-duet kami ni Frances pero parang nananaginip pa din ako. I don't know... star struck pa din ako. Hinihintay ko yung pag contact nya sakin pero naiintindihan ko naman na busy pa sya eh kaya okay lang. Halos di ako nakatulog ng gabing yun, alam ko wala lang sa kanya yung araw na yun pero yun yung pinaka espesyal na araw na nangyari sakin. Hindi ko din sya nakikita sa school, magkaiba din naman kase kami ng course tsaka hindi talaga ako pumupunta ng music club pag nandon sila kase mas maraming tao don pag andon sya.
Nakahilata pa ako nang marinig ko ang notification sa cellphone ko. Wala talaga akong notification sa phone kase nga wala naman na akong friends, I chose to cut them off. Hinanap ko kaagad yung cellphone ko tapos tiningnan kung saan galing.
"Message Request?" yun yung nakalagay sa notification kaya binuksan ko na lang. Nakita ko ang isang pangalan nan aka Japanese character tapos naka mysterious aesthetic yung profile. Tapos ang message sakin ay 'Cerium'. Sino to?
Ini-stalk ko muna ang profile niya. Puro memes naman ang laman, puro aesthetic photos ang meron sya pero high quality, wala ding identification pictures para makilala kung sino sya tapos di ko din ma-view kung ilan ang friends nya at kung sino, wala din kaming mutual friends. But he looks familiar to me, really. Nag-send pala sya ng friend request sakin kaya nag-respond naman ako saka ako nag-chat.
: Sino ka?
Yan agad ang reply ko sa kanya. Nakita ko naman na nagtatype na sya ulit.
: HAHA! Sorry. Ako to si France, this is my personal facebook account.
Oh...
OH!
OH, SI FRANCES NGA! TAMA AKO! HAHAHAHA!
Napagulong ako sa kama ko at nalaglag pa nga. HAHAHA! GRABE! SIYA TALAGA TO!
Pero wait... sya ba talaga to? Wala naman syang proof eh.
: Hala? Weh? Baka poser ka lang no.
Him: Grabe ka naman. May trust issues ka ah.
: Send proof.
Mahirap nang maloko no, halos laman ng timeline ko tungkol kay Frances, hindi naman lahat, yung mga latest songs lang pero yung tungkol sa personal niyang buhay, hinahayaan ko lang, wala akong access sa ganon tsaka privacy nya yun, hahalungkatin ko pa ba? Kaya nakakainis minsan yung ibang fans kase sobrang die-hard nila nakakalimutan nila na may buhay din yung mga idol niya.
Nagulat ako nang tumunog yung phone ko tapos may lumabas na picture. SI Frances, nasa bahay niya ata tapos... messy hair. Oh shhhhh...
Wait... di pa din. Madami syang ganyang pic, o di naman kaya eh baka gusto lang manggoyo neto.
: may mga ganyan syang picture. Alam mo wala akong pera no, gagamitin mo pa idol ko para sa mga kalokohan mo.
Him: grabe ka, ang lala ng trust issue mo. HAHAHAH
Pinagtawanan pa ako ng fraud na to.
: sa iba na lang, bye!
Balak ko na sana sya i-block pero nag-send ng video. Binuksan ko naman.
"Cerium, ako to oh, ayan living proof. Diba sabi ko sayo cocontact-kin kita? Ahahaha!"
Omg... Tumili ako ng walang boses at sinave ang video sa phone ko. OH MY GHAD SYA NGA!!! Ni-contact nga nya ako
: Hala! Sorry! HAHAHA Nag-iingat lang, madami kasing poser eh.
Him: ahaha! Okay lang, that's actually good at least you're careful. Di ko ginagamit name ko dito sa facebook kase babahain to.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...