Chapter 43

2 0 0
                                    



Magkatapat kaming nakaupo ngayon sa dining table. Hindi pa din ako makapaniwala, baka panaginip lang to or prank? Sana naman tapusin na. 

"Cerium... what a fine gem you are!" Senior said. Yung puso ko naman parang gusto nang sumabog. Nakatulala lang ako ngayon habang iniisip kung saan ko sisimulan mag contemplate ng buhay ko. 

Mama ano ba tong nangyayari?

Nakikita ko ngayon sa memories ko yung mga pinaggagagawa namin ni kuya Crae, Crei, Claude, Croan, Cerille, at CC... omg... pinanganak ba ako para awayin ang mga pinsan ko? Wait... hindi ako ang nang-away, they started it! 

"Sorry dear, mukhang nabigla ka." sabi ni attorney. 

"K-kase po akala ko... sya yung pinaka-head ng Fremenger." natatawa naman si senior sa sinabi ko. 

"I stand as a mediator, advisor. The head of the Fremenger family is no longer here, the new head was Froi and I am existing to guide them both." sabi niya. "Unfortunately, ako na lang ang buhay." Tapos tumawa sya. I don't think that's a good joke tho. I bit my lower lip to stop myself from saying something that could disrespect him.

"Nagkakilala na kayo and looks like you know about the Fremengers?" 

"She was at the party, Lili's 18th." kumunot naman noo ni attorney. "She's friends with Lili and my grandchilds." napanganga naman si attorney na gulong-gulo na din sa buhay niya, gusto mo to ah.

"Oh... small world. Well... I am also the family lawyer of the Fremengers." Napatingin ako kay attorney... Gonzales... attorney... I cracked my head as I was trying to remember things from the past that involved these people. 

"Abogado tatay mo hindi ikaw, bakit ba ikaw ang sumasagot para sa babaeng yan?"

It was CC after she slapped me at the hospital because of Lili, she was telling Grae these words. 

"Tatay kayo ni Graeson?" realization hit me. 

"Oh... you know my son too." I'm done in this life. Napakamot ako ng ulo dahil sa liit ng mundo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko today. This day is a damn roller coaster ride! 

"Oh my god." yun na lang ang nasabi ko. 

"Anyway my dear, where's my Clarissa." Natahimik kami nang magsalita si senior. It was the sweetest, for sure matagal na nyang hindi nakikita si mama. I was just wondering kung nagkita ba sila sa competition ko na yun or what since I wasn't aware about anything. 

"Senior..." the attorney quietly told him and I was just listening while I stared at the food on my plate, paminsan-minsan kong balingan si senior to check his reaction. There was nothing until the attorney was finished. 

Senior's eyes started to get teary and he had small sobbing.

Hindi ko din mapigilang maiyak para sa kanya. Imagine, your daughter is gone without knowing tapos ilang buwan na ang nakakalipas saka mo pa lang malalaman. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang halo-halong emosyon na hindi ko maiintindihan dahil wala ako sa kanyang posisyon, ang naiintindihan ko lang ay ang sakit na nararamdaman nya. Napunas sya ng luha sa kanyang mga mata. 

"Hindi man lang ako nakapag-luksa para sa anak ko." sabi niya, still in pain. Hindi na din ako nakasagot, hindi ko alam kung anong dapat sabihin. "I'll..." hindi niya din alam ang gagawin niya. "I'll visit their grave soon... or later after this. You will join me right?"  I just nod. 

"I guess I'll have to tag along." sabi naman ni attorney. They were all in pain knowing that my mom is already dead. Nakakalungkot lang na hindi ko nalaman na may iba pang nagmamahal sa mama ko maliban samin, maliban sa maliit na mundong ginawa nila para sakin. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon